h s - f o r t y

6.2K 295 133
                                    

thanks kay Hanietopia sa ginawa niyang cover para dito <3

--

h s - f o r t y

Surprise

Lumipas ang ilang araw ng medyo tahimik naman ang iyong buhay. Magaling na si Klyppton at nalaman na rin ng parents niya kung bakit siya naglaslas. Nagalit talaga sina Tito at Tita dahil sa ginawa niya at bilang parusa, she'll be leaving soon.

"Kai, lagay mo na lang muna diyan." kasalukuyang tinutulungan ka ngayon ni Kai sa pag-aayos ng bahay. Biyernes ngayon at day-off ng mga katulong niyo. Out of town naman yung mga magulang mo dahil syempre ginagawa ang trabaho. Kaya naman mag-isa ka lang naglilinis ng bahay pero nung tinanong ka ni Kai kung anong ginagawa mo ay agad siyang sumuod sa bahay niyo. Alam niya yung bahay niyo kasi syempre stalker mo yata yan.

"Gusto mo na bang kumain?" tanong mo sa kanya at agad na pumunta ng kitchen. Nagulat ka na nga lang nung nadatnan mo siyang nasa labas ng bahay niyo. Sabi naman niya daw kasi ay boring sa dorm nila kaya tutulungan ka na lang daw niya at tsaka nakakaawa ka daw kasi mag-isa ka lang.

"Makita lang kita busog na ako." tumingin ka naman sa kanya ng nakataas ang isang kilay. Nakita mo naman siyang ngumiti sayo kaya napairap ka na lang at napatawa.

"Babanat na nga lang hindi pa maganda. Hahaha." sabi mo at inihanda na ang mga plato sa mesa. Nagpout lang siya at tinulungan ka na lang rin niya sa mga ginagawa mo.

Naging okay naman yung pagbibigay mo sa kanya ng chance. Madaling pakisamahan si Kai. Hindi siya silent person kung titingnan mo. Oo, minsan tahimik yan pero maya maya ngingiti na lang yan bigla sabay magsasalita. Hindi pa nga kayo nagkakagalit simula nung biniyan mo siya ng chance. Happy go lucky lang kumbaga.

"Nga pala may performance kami bukas. Pupunta ka ba?" tanong niya habang kumakain na kayo. Alam mo nang may performance sila bukas dahil syempre ano pang saysay mo sa pagiging sasaeng nila kung hindi mo rin naman alam ang mga schedules nila.

"Yeap." sagot mo pero bigla kang napatigil sa kakakain. Naisip mo bigla si Klyppton. Aalis na siya sa makalawa at huling araw na lang niya bukas kasama mo at huling beses na lang rin niya makikita ang performance ng EXO.

"What's with the face?" taka niyang tanong. Nilagay mo yung spoon and fork mo sa gilid at yumuko. Mag-iibang bansa na kasi si Klyppton. Sa Tita niya muna siya titira which is sa New York. Tinanggap rin ni Klyppton yung parusa ng kanyang mga magulang. Aniya para makamove-on daw.

"Klyppton's leaving soon." sabi mo at tumayo na. Nawalan ka na ng ganang kumain dahil sa naalala mo yun. Kahapon mo lang ito naalala at medyo nagtatampo ka pa ngayon kay Klyppton dahil syempre siya na nga lang ang nag-iisa mong bestfriend tas aalis pa siya.

"Why? Saan siya pupunta?" sinabi mo sa kanya lahat ng mga nalaman mo kahapon. Nakipagkita ka kasi kay Klyppton sa bahay nila para mangamusta. Kung hindi pa yata madudulas si Mikee about dun sa pag-alis niya ay hindi niya sasabihin ang tungkol dun.

"Naah, don't worry. May skype naman eh. May viber, kakao, line, wechat, kik--"

"Sige sabihin mo na lahat tss."

"Joke lang yun eh."

"Tss. Seryoso kasi. Aalis na yung bestfriend ko! Yung munti kong bestfriend aalis na! Iiwan niya na ako."

Umiyak ka sa harapan niya. Syempre mamimiss mo ng sobra yung kaibigan mo. Simula nung mga bata pa lamang kayo ay kayo na ang nagkakasunduan. Kumbaga, magkapatid na ang turingan niyo sa isa't isa. Kahit kailan hindi mo pa naranasan yung mahihiwalay siya sayo ng matagal. Pwede pa one month eh kaso matatagalan yata si Klyppton dun dahil dun na raw niya ipagpapatuloy yung pag-aaral niya.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon