sorry po natagalan sa update! happy 17k reads!! nga po pala, sa mga hindi alam, may side-story po ang His Sasaeng! yung story ni solardark! click external link then yun na po yung prologue! sana po suportahan niyo rin yun gaya ng pagsuporta niyo dito! salamat po! :--)
x: long comments please ♡
--
h s - t w e n t y - t w o
Lost
Lumipas ang isang linggo ng isang iglap. Para bang ang bilis dumaan ng araw at ngayo'y mag Fe-February na so it means... Araw na ng mga puso...
"Omyg! Mag-vavalentines na! Ano regalo mo kay Baekhyun???" tuwang-tuwang tanong sayo ni Klyppton habang naglalakad sa garden ng school niyo. Katatapos lang lahat ng mga klase niyo kaya uwian niyo na pero naglakad lakad muna kayo dito sa garden.
"Uhmm..." sa totoo lang marami ka na talagang naisip na ireregalo kay Baekhyun. Kulang na nga lang eh pati yata house and lot kaya mong ibigay pero syempre joke lang yun dahil sabi mo kapag kasal na kayo, dun mo lang siya reregaluhan ng ganun. Well, imaginations.
"Ako marami na akong naisip na plano para sa Valentines! Idedate ko si Kyungsoo!" sabi niya ng may siguridad. Napakunot tuloy yung noo mo dahil dun. Para kasing siguradong sigurado siya naidedate siya ni Kyungsoo kung makapagsabi siya.
"Huh? Papayag ba yun?" tanong mo sa kanya. Napatingin tuloy siya sayo at ngumiti na parang may binababalak. Kinilabutan ka naman.
"Akong bahala noh! Walang makakatanggi sa kamandag ni Klyppton! Harharhar!" at tumawa pa siya ng tumawa. Napa-iling ka na lang sa baliw mong kaibigan.
Napatingin ka sa cellphone mo habang naglalakad kayo. Oo nga pala, sa loob ng isang linggong yun ay parati na kayong nagtetext ni Kai. Unbelievable right? Hindi ka makapaniwala na may nakakatext kang EXO member lalo na't si Kai yun! Syempre natutuwa ka pero iba pa rin talaga kapag si Baekhyun na ang nakakatext. Tulad ngayon...
Kai: Practice namin. Okay lang si Baek.
Napangiti ka ng mareceive mo yung text ni Kai. Tinatanong mo kasi kung kumusta na ba si Baekhyun. Syempre sabi nga ni Kai... friends naman na daw kayo kaya naman hindi siguro masama kung itatanong mo sa kanya na okay lang ba si Baekhyun.
Ikaw: Ahh. Sige salamat! Galingan niyo! :)
"Ansabi ni Fafa Jongin?" tanong ni Klyppton ng sa wakas ay masend ang dapat mong masend. Pauwi na kayo ngayon at medyo dumidilim na kaya kailangan niyo ng maglakad ng mabilis dahil sa shortcut nanaman kayo dumaan na walang tao.
"Ahh wala. Tinatanong ko kung ano bang ginagawa nila tsaka... kung kumusta si Baekhyun." sabi mo at tumungo. Hawak-hawak mo ang strap ng bag mo habang naglalakad.
"Ano? Bakit mo tinanong nanaman sa kanya kung okay lang si Baekhyun? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo..." blah blah blah. Simula nung nagkakatext na kayo ni Kai ay hindi talaga mawawala ang pangalan ni Baekhyun sa convo niyo. Kinikwento mo ito kay Klyppton lagi kasi hindi mo macontrol ang feels mo kapag nagkakatext kayo ni Kai na ang laging topic ay si Baekhyun kaya nung isang araw ay nagalit sa iyo si Klyppton at sinabing...
BINABASA MO ANG
His Sasaeng
FanficIsa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makapunta sa kanilang mga konsyerto? Kayo ba ay yung tipong gagawa ng account para lang maging updated tu...
