h s - t w e n t y - o n e

8.4K 345 74
                                    

HAPPY 14K READS~ hindi ako sanay sa mga sweet moments kaya patawarin kung hindi nakakakilig. :---(

x: long comments please ♡

--

h s - t w e n t y - o n e

KaiThyst

Halos hindi ka makatulog kakaisip para bukas. Hindi mo alam kung totoo bang magkikita kayo ni Kai sa Daehan Cinema kung saan naroon ang Sky Rose Garden. Hindi mo mawari kung nagbibiro lang ba si Klyppton sayo pero nakita mo ang proweba kaya wag ka nang mangamba. Pero iniisip mo pa rin kung darating si Kai bukas. Baka indianin ka lang. Baka maghintay ka sa wala.

"Gising na~ DATE NIYO NA NI FAFA JONGIN!!" agad kang napabalikwas sa kama ng marinig mo ang umalingawngaw na sigaw ni Klyppton. Tinignan mo ang iyong orasan sa bed side table at nakita mong 10 am palang. The fact na nakatulog ka na ng mga madaling araw syempre inaantok ka pa.

"Maya na~ Aga aga pa!" sabi mo at tinakpan ang iyong mukha ng unan. Totoo naman kasi. Mamayang gabi pa yung date este yung pagkikita niyo ni Jongin mamaya. Mas excited pa kasi yata si Klyppton kesa sayo.

"HOOOOY~ GISING NA! BIBILI PA TAYO NG DAMIT MO! MAGPAPAGANDA KA PA KAYA WAG MAGSAYANG NG ORAS DALI! BANGON!" inalog alog ka niya kaya naman napabalikwas ka muli at nahulog na nga sa kama ng tuluyan. Oo, excited ka pero inaantok ka pa eh. Paano mo maeenjoy yung date niyo ni Jongin kung aantok-antok ka?

Mabilis kang nakaligo't nagbihis. Para kasing inoorasan ka ni Klyppton kung hindi mo mamadaliin yung mga ginagawa mo. Kung saan ka pumunta, laging nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat galaw mo. Ewan mo ba pero nahihibang na yata uli yung kaibigan mo.

"Manong, sa Myeongdong kami pupunta." ani Klyppton sa inyong driver. Natulog kasi si Klyppton sa bahay niyo dahil baka mamaya daw eh hindi ka sumipot sa munti niyong date ni Jongin. At oo nga pala hindi niyo na natapos yung project na ginagawa niyo dahil masyado kayong na pre-occupied kay Jongin.

Pinaandar na ng driver niyo ang sasakyan. Papunta kayo ngayon sa Myeongdong. Ito ang sentro para sa shopping sa Korea. Nandito kasi yung mga kilalang brands ng mga damit at iba pa. Nagguest din yung ibang banda dito. In short, ito ang pinakakilalang mall sa Korea.

"First stop natin ay sa Zara and H&M and Forever 21 and... ah basta sa mga clothing! Hihi hindi ako makapaniwalang ime-make over kita!" tuwang tuwang sabi ni Klyppton habang nagpapalakpak. Umiling ka na lang at dumungaw sa bintana.

Bumuntong hininga ka. Inaamin mong medyo nadidismaya ka. Hindi naman sa ayaw mo kay Jongin para makadate pero... ang hinihiling mo talaga ay sana si Baekhyun na lang yun. Na sana siya na lang yung makadate mo mamaya. Syempre sino ba namang hindi gustong makadate ang minamahal nila sa buhay diba? Pero thankful ka pa rin kasi may makakadate ka mamaya na EXO member. Hindi man si Baekhyun pero si Jongin na second bias mo. Sino pa bang tatanggi diba? Abnormal na lang siguro ang tumanggi.

Una kayong pumasok sa Zara. Kung anu-ano mga binigay sayo ni Klyppton na damit. Halos tambakan ka na nga yata niya sa dressing room. Pabalik-balik ka lang lagi sa dressing room para magpalit para maipakita kay Klyppton. Kung hindi niya gusto ang damit para sayo, sisimangot at kukunot ang noo niya at kapag okay naman sayo, titignan ka lang niya na parang may kulang kaya naman nainis ka na kasi pang-28th mo na yatang pagpalit tapos wala pa rin siyang makursadahan.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon