h s - f o r t y - o n e

5.8K 285 41
                                    

ang daming nakamiss kay baekhyun ha? haha 

--

h s - f o r t y - o n e

Ferris Wheel

Agad mong pinauwi si Kai dahil baka mamaya nakasunod sa inyo ang Pinuno niyo. Halos hindi ka makagalaw sa inuupuan mo nung pauwi na kayo. Nagtataka nga si Kai kung bakit ganun daw ang reaksyon mo. Aniya parang nakakita ng multo.

Agad mong binuksan ang iyong laptop at pumunta dun sa blog ng inyong Pinuno. Napabuntong hininga ka nung makitang walang bagong post doon. Napaisip ka tuloy bigla kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Kinakabahan ka kasi baka kumuha siya ng mga litrato niyo at ipagkalat sa buong blog niya. That would be a big issue.

Kinuha mo na lamang ang iyong cellphone sa bag at nagsorry kay Kai. Nagtext ka rin kay Klyppton ng 'Enjoy your day, Klyppton. :)'. Ngumiti ka na lang dahil naalala mong nakikipagdate pala yun ngayon kay Kyungsoo. Hinihiling mo na lang na sana maging maayos yun.

Kinabukasan ay inantabayanan mo talaga yung blog ng inyong Pinuno dahil baka may maipost siya dun ngunit nagpost lang siya ng pictures nung concert at wala ng iba pa. Ewan mo ba pero kinakabahan ka.

Pumunta ka agad sa airport kung saan dun na naghihintay si Klyppton ngayon. Nalate ka kasi ng gising kaya sa tingin mo ay nandun na si Klyppton sa airport. 10 am kasi siya aalis at 9 am na. 

Nadatnan mo silang nasa labas. Hindi naman sila umiiyak pero makikita mo talagang malulungkot yung mga kapatid niya. Yung mga magulang naman niya ay ayos lang dahil syempre makakadalaw naman kasi sila dun para kay Klyppton, pero ikaw? Hindi mo lang alam.

"Klyppton." 9:30 na ngayon at konting oras na lang ay aalis na siya. Naagaw mo lahat ng atensyon nila at napabaling sayo si Klyppton. Ngumiti ka ng mapakla samantalang siya ay malapad ang ngiti.

"Amethyst!!" sabay yakap niya sayo ng mahigpit. Agad bumuhos ang iyong mga luha sa pisngi. Parang gusto mo na lang kasi siyang itakas dito at piliting wag ng umalis pero wala na eh, maging siya ay gusto na ring umalis sa bansang ito.

"Aalis ka ba talaga? Pwede bang...wag na lang? Wag mo'kong iiwan please?" suminghap ka. Nakita mo siyang malapad pa ring nakangiti. Kumunot tuloy yung noo mo. Naisip mo kasing masayang masaya talaga siyang aalis.

"No, Amethyst. Aalis na ako. And I'm gonna miss you." nakangiti pa rin siya kaya naman napayuko ka para ipahid ang mga lumabas na luha. Pinakalma mo ang iyong sarili at muling humarap sa kanya.

"Bakit parang ang saya saya mong iwan ako?" maririnig talaga ang pait sa iyong boses. Iniisip mo kasi ikaw lang yung nalulungkot sa inyong dalawa. Hindi ba dapat malungkot rin siya? Kasi magkakahiwalay na kayong dalawa?

"Noh ka ba! Syempre masaya ako kasi akala ko hindi ko na makikita ngayon yung bestfriend ko at tsaka kailangan kong maging masaya dahil ayoko namang iwan itong Korea ng puro pait lang. I'm happy kasi may totoo akong kaibigan dito sa harapan ko. Don't worry, magskype tayo minu-minuto pa gusto mo eh haha." napaiyak ka muli sa sinabi niya at niyakap siya agad. Sobrang nagpapasalamat ka sa Diyos dahil binigyan ka ng isang kaibigan na katulad ni Klyppton.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon