Chapter 9

13 0 0
                                    

-Adrian's POV-

"Hay naku! Tuturuan daw? Sa pagkakaalam ko matalino naman yun si Jethro! Hay Ewan!"

Naglalakad ako pauwi, MAG-ISA, OO, MAG-ISA! Nakakainis naman kase dapat kanina magmimiryenda na kami ni Ikay eh. Epal lang talaga 'to si Jethro.

"Marami naman siyang kaklase sa subject na yun? Bakit kailangan kay 'By pa siya magpapaturo? Parang tanga lang diba? Tapos ano? Magkakainlove-ban sila?! Tapos pano ako?! Bugbugin ko nalan---Aray! Bakit ka ba nambabato ha?!!" nu ba yan! Pano kase may bumato sakin!

"Bakit kase kanina ka pa salita ng salita dyan na parang baliw? Sino ba kaaway mo ha?" Hala! SI kuya pala.

"Ay! Kuya, ikaw pala. Wala naman kuya. Naiinis lang kase ako. Ay kuya bakit pala umuwi ka wala kang trabaho?" Magkasama na kami ngayon naglalakad.

"Oo, nagleave muna ako. Parang kaseng pagod na pagod yung katawan these past few days." Sabi ni kuya tapos nakahawak pa siya sa batok niya. Mukhang pagod nga sa trabaho niya. Dapat kase talaga makagraduate na ko eh.

"Hayaan mo kuya. Konti nalang naman makakatapos na ko, matutulungan na kita magtrabaho." Sabi ko sa kanya.

"Naku! Si bunso mukhang nagmamatured na ha. Dahil ba yan sa babae ha? Naks! Binata na ang kapatid ko ah." Tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Kuya! Wag yung buhok ko!" Bata pa rin tingin sakin ni Kuya.

Nakarating na kami sa bahay. Alam pala nila Mama na uuwi sila kuya. Anyways, ano na kaya ginawa ni 'By kasama nung Jethro na yun.

-Danikka's POV-

Hey! Im back! Inabot ng tao bago nag-update si otor nuh? Monggoloid kase yan eh. HAHAHAHA. Joke lang otor ha.

Di ko naman talaga sinamahan si Jethro. Sinabi ko rin sa kanya yun dahilan kung bakit ako nagsalita ng ganun kay Adrian. Umuwi na ko ng diretso tapos eto nag-aalala din naman ako kay Busnog, ngayon lang kase nainis yun ng ganun. Ewan, parang iba eh. Parang biglang naging cold siya nung nakita niya si Jethro. Baka imagination ko lang yun. Wala naman siyang karapatan magselos diba? Hindi naman kami. Haaaay.

"Ikay, bumaba kana dito. Kakain na tayo." Tinatawag na ko ni Papa.

Kinuha ko muna yung phone ko bago umalis ng kwarto. Pagdating ko sa baba, nakahain na si mama at nakaupo na si Papa.

"Musta pag-aaral mo 'Nak?" Tanong ni Mama tapos umupo narin siya katabi si Papa.

"Okay naman Ma. Malapit na rin po matapos yung school year." Sabi ko.

"Third kana sa pasukan. Konti nalang 'Nak at makakagraduate kana." Sabi ni Papa.

"Oo nga Pa. Konting tiis nalang po makakatapos tapos pwede na rin po kayo tumigil sa pagtatrabaho ni Mama."

"Nak wag ka mag-aalala samin ni Papa mo, kaya pa naming at nag-eenjoy kaming dalawa sa trabaho namin." Tapos yumakap si Mama kay Papa.

Ang sweet nila nuh? Kahit na may edad na sila hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman nila sa isa't isa. Sa ngayon kaya may ganyan pa.

"Nakangiti ang dalaga namin oh. Bakit kaya?" Sabi ni Mama. Napansin niya pala yung pagngiti ko.

"Wala Ma. Ang cute niyo lang kase tignan ni Papa. Nakakainggit." Nginitian ko silang dalawa.

"Alam mo 'Nak mararanasan mo rin naman yung sa amin ni Mama kapag nakagraduate ka. Maraming lalaki ang manliligaw sayo dahil isa kang masunurin at mabait na anak." Tapos ngumiti si Papa sakin.

"Maganda pa!" Dagdag ni Mama. Natawa ako bigla.

"Basta 'Nak wag muna magboboyfriend ha. At sana wag mo sirain yung tiwala naming sayo ha." Seryosong sabi ni Papa.

"Opo Papa."

Pagkatapos naming kumain, pumunta na ko sa kwarto ko tapos konting pafresh ng katawan. Sabay higa, nung malapit na ko matulog narinig ko tumunog yung phone ko.

Tadhana: ringtone

'By sorry pla knina huh. Wag muna pansinin yun. Bwi nlng ako bkas ha. See you tom. :*

Magrereply ba ko? Wala naman pala akong load. HAHAHA. Bukas nalang kami mag-usap. Syempre di ko naman matitiss yung bestfriend ko na yan nuh.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! Pasensya ng bonggang bongga with matching luhod pa :'( Sorry talaga at ngayon lang nakapag-update. Di ko alam kung may nagbabasa pa neto. Pero sa mga matyagang nagbabasa at nakatengga pa rin sa library niyo. THANK YOU!

P.S. Tatapusin ko na to ^_^

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon