-Adrian's POV-
"Bunso! Sama ako sa school niyo." Di uso good morning dyan eh. Papasok lang bigla ng kwarto ko tas tatalon sa kama at mangungulit. Parang bata rin yan pero kami lang nakakaalam.
*hikab* "Kuya ang aga pa. Mamaya pa pasok ko eh." Pano naman kase anong oras palang 5:45 tapos gusto na agad niya pumunta ng school. Kahapon pa sakin nagsabi yan kase may itatanong rin daw siya dun Admin ng school.
"Maaga pa ba? Ganitong oras kase ako napasok eh. Teka! Bakit ba parang puyat ka. Maaga naman tayo natulog kagabi ah." Oo, sila maaga natulog. Ako? Gabi na! kakahintay sa reply ni Ikay. Di man lang nagreply o kahit smart alert nalang para malaman kung wala siyang load. Galit ata yun sakin eh.
"Hoy! Natulala kana dyan? Ano ba kase ang problema mo Bunso?" Ang kulit diba? Sabi sainyo eh!
"Wala nga kuya." Sabay talukbong ng kumot.
"Alam mo Bunso kahit di mo sabihin alam ko naman problema mo. Si ikay diba?"
Nabalikwas tuloy ako ng bangon. "Pano mo nalaman?"
"Halata naman! Simula nung nakilala mo si Danikka, nag-iiba yung mood mo kapag galit siya or kung may tampuhan kayo."
"Hindi ah! Ganito rin naman ako paggalit ako sainyo o kina Mama at papa ah."
Natawa si Kuya bigla. "Ano ka ba? Ganyan ka samin dati, pero ngayon kapag galit ka samin, ikaw pa angb sumusuyo. Dahil yun ang sinasabi sayo ni ikay diba?"
Ganun ba talaga yung impluwensya sakin ni Ikay? Ibig sabihin maganda pala yung pinagbago ko.
"Oo ganun ka positive yung impluwensya sayo ni Ikay." Tapos ngumiti siya.
"Mind reader lang kuya?" May pagka-ewan din to si Kuya eh.
"Bunso madali ka lang namn basahin eh. Tumayo ka na dyan at magready kana. Kung magkagalit man kayo ni Ikay diba dapat mas suyuin mo siya. Baka mawala siya sayo. Mahal na Mahal mo pa naman yun." Tapos tumawa siya, yung parang nang –aasar.
"Hindi ko naman mahal yun nuh Magbestfriend lang kami." Napakadefensive ko talaga. Haist!
"Ako pa ba lolokohin mo? Halatang halata ka naman. Kahit si Mama at Papa alam yun kaya nga pinapayagan nila si Ikay pumunta dito." Oo nga nuh. Sabagay, kahit girlfriend wala pa talaga akong pinakilalang pormal sa kanila. Bestfriend palang.
Tumayo na si kuya sa kama ko. "Naku Bunso! Kala ko ba matured kana. Bata ka pa rin pala." Tapos tumawa na naman siya. Baliw ata talaga to si kuya eh. Dito ata ao nagmana. "Mag-isip ka na ng gagawin mo mamaya ha. Tapos umamin ka na rin para tuloy tuloy na." Binato ko ng unan si Kuya para tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Ano bang pwede kong gawin? Hay! Wala akong maisip!
Hmm. Ano ba? Ayoko naman kase ng sobrang corny.
"Bunso!" Nandyan na naman siya.
"Bakit na naman kuya?" Hay! Sa susunod yung kama ko na ibabato ko sa kanya!
"Malapit na pala yung Love Anniversary niyo ni Ikay este Bestfriendship Anniversary niyo pala? Mag-effort ka naman oy!" Binato ko na talaga siya ng notebook. Yun lang yung matigas na nakita kong malapit sakin eh. Oo nga nuh. Dun nalang pala ako mag-iisip ng gagawin. For now, kailangan muna namin magkabati.
-Danikka's POV-
*hikab* *stretch ang kamay* *tingin sa phone kase katabi ko*
"HALA!"
Tadtad lang naman ng message yung phone ko. May missed call pa. Aga ah.
Puro kay Adrian yung text. Yung missed call sa kanya rin. Di niya rin ako namiss ano po? HAHAHAHA. Assuming na naman ako. Anyways, mamaya ko nalang ababasahin. Kailangan na magready sa school eh.
Habang naglalakad ako papuntang school. Binasa ko isa-isa yung mga text niya.
'By tulog kna ba?
Ang aga mo nmn ntlog :'( dti gntong oras mgkausap tyo ah
'By baka nmn gcng ka pa ayw mo lng tlga mgrply.
'By mgreply ka nmn oh.
'By galit ka pa rin b? Sorry na kse pls.
'By 'By 'By 'By 'By 'By
Blah blah blah blah .....
Ang dami naman puro kadramahan! Lalaki ba talaga to? Ganyan lang siya sayo kase may gusto siya sayo. Asyumera din tong konsensya ko eh!
Papasok na sa room. Biglang may naggigitara.
Song: Sorry Na Pwede Ba? (Kaye Cal version)
Di ko nais na magkalayo tayo
Nagselos ka at nilayuan mo ko
Buhay nga naman, Tunay bang ganyan
Bumalik ka naman
Gusto niyo ba malaman kung sino yung naggigitara at kumakanta?
Oo. Si Adrian. Tapos may mga babae at lalaki sa tabi niya. Sa left side niya tatlong lalaki tapos dalawang babae ganun din sa right side tapos ay hawak na bulaklak.
Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita, hihintayin kita
Sorry na pwede ba?
Tapos isa isa nila binigay sakin yung mga bulaklak na hawak nila. Bumalik sila sa pwesto nila pero may kinuha sila sa likuran ni Adrian na mga 1/8 na illustration board.
Buhay ko'y na sayo.
Matitiis mo ba ako oh baby
Wag sanang magtampo
Sorry, pwede ba?
Tapos hinarap nila yung illustration board.
S O R R Y ♥ B A B Y KO
Siya yung may hawak ng KO kaya pumunta siya sa pinaka last line para mabuo yung pangungusap.
Ewan. Di ko alam mararamdaman ko. Sobrang saya ko na parang sasabog kase ngayon ko lang naman naranasan na may nag-effort ng ganito. Ang weird na niya habang tumatagal. Hindi ko alam kung dahil lang ba magbestfriend kami kaya sa ganyan. At kung sakali man totoong may nararamdaman siya para sakin, nakapangako ko sa magulang ko. Ang hirap naman kase eh!
"Di mo naman kailangan mag-effort ng ganyan Busnog. Di ako galit tsaka matitiis ba kita?" Sabi ko sa kanya pero di pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.
"Alam ko. Pero gusto kong gawin 'to eh." Tapos ngumiti siya.
"Bakit? Magbestfriend lang naman tayo diba?"
"Pero higit pa dun yung nararamdaman ko." Lumapit siya sakin at kinuha niya yung kamay ko. Tapos hinalikan niya 'to.
**************************************************************************************************************************************************************************************
Author's Note:
Binasa ko yung story ulet. Dami pala typo errors. Sa sunod ko na iedit ha. Pagtyagaan niyo muna.
Hehehe. LoveLoveLove
P.S.Dalawang chapter na yan na magkasunod ha. Tas di na ko ulet mag-update pa. HAHAHAHA :* Joke lang.
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...