-Adrian's POV-
Sa wakas! Bakasyon na rin. Kaso until now di pa kami nagkikita ni Baby Ikay. Dalawang araw palang naman. Hehehe. Namimiss ko na agad yung Baby kong yun. Text ko nga.
By! Good Morning! San ka? Pnta ko jan? Natitiis muna ko ngyon ha :'(
Send. Ano ba magandang gawin ngayon? Gusto ko gumala tapos isama si Ikay. Ilang days nalang Anniversary na namin, Frienship Anniversary. Ano bang gimik para kiligin naman sakin si 'By? Dapat yung di masyadong O.A. Aist! Hirap mag-isip.
Baby Ikay calling . . .
Aba! Diretso tawag na ha. Tamad na magtext. Hahaha.
"'By! Yaman ah. Patawag tawag nalang ah."
{Hindi! Baliw mo talaga! Wala ako sa bahay. Kasama ko kuya mo, hindi niya ba sinabi sayo?}
Ano daw!?! Kasama niya si Kuya?!? Tama ba yung narinig ko!?!
"Bakit magkasama kayo? Wala siyang sinabi sakin." Aga ko na naman mababadtrip nito.
{Busnog! Sinabi daw niya sayo e! Baka tulog ka pa. O nananaginip ka! Mantika ka kase e!}
"Ewan di ko alam. Sige ingat nalang kayong dalawa." Badtrip na ko. Bwesit!
{Busnog! Sungit mo. Pupunta naman kami -----} toot toot toot!
Pinatay ko yung tawag. Ayoko sana kaso baka makaistorbo ako sa kanila kaya wag nalang. Matutulog nalang ako ulit. Mabuti pa.
--------
"Adrian? Nak! Tanghali na bangon na dyan. Masama yung sobra ng tulog."
Nagiseng ako sa katok at boses ni Mama. Ano oras na ba? 12:45 pm na pala. Nakabalik na kaya si Kuya at Ikay?
Tinatamad pa talaga ako tumayo. Tulog nalang ako ulit. Tatalukbong na sana ako ng kumot kaso may kumatok, baka si Mama.
"Maya nalang ako kakain Ma." Sigaw ko para makababa na si Mama.
Mukhang bumaba na si Mama. Nagtalukbong na ko ng unan kaso nagulat ako biglang bumukas yung pinto tapos may dumagan sakin.
"Hoy Busnog! Tanghali na ayaw mo pang bumangon! Kung saktan kaya kita dyan! Bangon na! Bilis na! Ambaho muna! Hoy!"
Niyugyog niya lang naman yung katawan ko. Tapos kiniliti pa ko.
"'By! Oo na! Hahaha Babangon- hahaha na ko- hahaha wag ka- hahaha mangiliti- hahaha 'BY! MASAKIT NA- Hahahaha!"
"Kasi ang sungit mo kanina tapos binabaan mo pa ko ng tawag, papunta kami sainyo nun. Nagpasama kasi si Kuya dun sa palengke at may pinagawa siyang ewan. Kaya ikaw tumayo kana dyan! Di talaga kita titigilan na takaw ka!"
"Oo na 'By! Eto na eto na." Tapos tumakbo na ko sa CR. Sakit ng katawan ko kay 'By grabe!
Paglabas ko ng CR, nakita ko si 'By nagliligpit ng mga kalat ko. Sh*t! Baka may makita siya dun. Kaya bigla ko inagaw.
"'By di mo naman kailangan magligpit dito sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya.
"Ang kalat kasi ng kwarto mo di ka nahiya kay tita baka siya pa maglinis nito. Tsaka, liligpitin ko lang naman yan, di ko titignan. Siguro, may tinatago ka dyan nuh." Tapos kinukuha niya sakin yung mga notebook na inagaw ko sa kanya.
"Wala 'By promise! Tsaka kung may itatago man ako sayo, yung katawan ko lang yun!" Nakikipag-agawan din ako kasi nandito yung mga plano ko sa kanya para sa Anniv. namin e. Baka makita niya, sayang di na surprise yun.
"Mukha mo! Akin na patingin nga ko Busnog!" Talagang malakas si 'By kaya nga nagkapasa ako ng na sapak ako nito e.
"'By ipapakita ko nalang sayo kapag pinakasalan muna ko." Sabay bitaw ni 'By sa notebook, tumalsik tuloy ako sa gilid ng kama.
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...