Chapter 22

2 0 0
                                    

Third Person's POV

Hindi inaasahan ni Adrian ang magiging sagot ni Ikay. Ang hindi pagtanggap ni Ikay sa nararamdaman niya. Sa dami niya plinano para sa araw na ito yun ang kanyang hindi pinaghandaan. Bakit nga ba hindi niya naisip yun? Bakit nga ba sariling nararamdaman niya lang ang naisip niya? Bakit hindi sumagi sa isip niya na baka hindi nga ito tanggapin ni ikay, ano na mangyayari pagkatapos niyang umamin?

Hindi malaman ni Adrian ang dapat niya maging reaksyon sa sinabi ni Ikay. Mas pinili niyang manahimik at yumuko. Mas masakit pala to. Unti unti niyang nararamdaman ang pamamasa ng kanya mata.

Hinawakan ni Ikay ang mukha ni Adrian. Alam ni Ikay na nabigla ito sa naging sagot niya. Pero hindi pa iyon tapos. Hindi pa iyon ang lahat ng kanyang sasabihin.

"Busnog." Sinabi niya ito sa malambing na tono.

Hindi nag-angat ng tingin si Adrian kaya mas lalo siyang lumapit dito. Hinawakan niya baba nito at inangat para makita niya ang mata nito.

Nakita niya sa konting sandali pa ay babagsak ang luhang nagbabadya sa mata nito. Bagay na ayaw na nakikita ni Ikay dahil mas gusto niya nakangiti o tumatawa ito.

Pinunasan ni Ikay ang mata ni Adrian pagkatapos ay niyakap niya ito.

"Totoo, hindi ko kayang tanggapin ang  sinasabi mo. Pero ang nararamdaman mo, kaya ko." Bulong ni Ikay sa tenga ni Adrian.

Agad na gumanti ng Yakap si Adrian kay Ikay. Pakiramdam ni Adrian ito ang pinakamasayang naramdaman niya sa buong buhay niya.

"Ano ba yan Busnog? Tinanggap ko na, umiiyak ka pa rin." Birong sabi ni Ikay. Ramdam kasi ni Ikay ang luha galing sa mata ni Adrian matapos ang pag-amin niya. Kahit siya ay gustong maiyak dahil sa pagkakataong yun ang plano na rin niyang umamin.

"Di kasi akalain 'By na tatanggapin mo yung nararamdaman ko. Dapat kasi mamaya pa to e. Kaso naunahan ako ng bibig ko. Di ko na matiis." Kumalas ng yakap si Adrian at pinunasan ang kanyang mata.

Kakaibang lalaki! Sabi ni Ikay sa kaisipan niya. Sa mga napapanood nila ni Maan sa telebisyon at pelikula ay babae ang umiiyak sa eksena tuwing aamin ang lalaki na may pagtingin sa kanya. Pero sa lagay ni Adrian ito ang pinakaemosyal na lalaking umamin sa kanya.

"Siguro nga tibo ako." Bigla sabi ni Ikay. Kaya agad na tumingin sa kanya si Adrian.

"Bakit?"

"Pinaiyak kita e. Una, sinapak kita tapos ngayon umamin ako pinaiyak kita. Tibo ba ako? Tapos ikaw bakla ganun?" Natatawang sabi ni Ikay kay Adrian.

"Hindi. Sobrang saya ko lang talaga. I can't believe our feeling is mutual. Tsaka ngayon lang naman ako umiyak ah?! Tears of joy ang tawag dito 'By!" Paliwanag ni Adrian.

"Oo na! Sige na! Baka pwedeng pakainin muna ko. Nilalamok na ko dito oy!"

"Ay sorry. Lika na sa baba."

Hinawakan ni Adrian ang kamay ni Ikay at inalalayan ito hanggang makarating sila sa mesa na sinet-up nina Kevin at Mark.

Hinila niya ang isang upuan at doon pinaupo ni Ikay habang siya ay sa kabilang gilid naman umupo.

"Sinong nakaisip ng ganito Busnog? Alam ko walang kang talent sa ganito e." Nag-uumpisa ng mang-asar si Ikay.

"Nung isang araw lang. Tinulungan ako ni Kevin. Buti nga maganda yung naging kalabasan 'By." Nakangusong sagot ni Adrian kaya natawa lang si Ikay.

"Bakit di mo ko tinext ng ilang araw? Tapos may sabog kang ganito? Buti nalang di ako matampuhin e."

"Kasi nga 'By nahihiya ako sayo e. Napakadrama ko nung mga nakaraang araw tapos kung ano ano pa yung sinabi ko sayo nung nasa bahay ka. Pinag-isipan ko pa kayo ni Kuya Xander ng masama. Nakakahiya kaya yung mga pinaggagawa ka nun. Kaya gusto ko bumawi ngayon." Bumuntong hinga si Adrian.

Ngumiti lang si Ikay. Naalala niya lahat nung nangyari bago dumating ang araw na to. Yung pagmamaktol ni Adrian, pagsusunget nito, pagdadrama, pagsunod niya sa bahay nila Maan at hindi nito pagpaparamdam sa kanya ng ilang araw.

Tiniis niya yun. Dahil ang sabi ni Maan sa kanya kailangan din maunawaan ni Adrian yung nararamdaman niya. Kung yun na nga ba talaga yun at kung kaya niya na ba yun panindigan.

Kahit siya ay kailangan din mag-isip dahil hindi niya rin naman alam kung mapapanindigan niya kung ano man ang nararamdaman niya para kay Adrian.

Pero sa ngayon gusto niyang namnamin ang pakiramdam na ganito.

Lumapit sina Kevin at Mark na may dalang pagkain. Parang naging isang instant waiter ang dalawa.

"Grabe ka Busnog. Tinulungan ka nung dalawa ginawa mo pang alipin. Kawawa naman." Pang-aasar ni Ikay.

"Ganyan yan e. Kala mo hindi tinulungan sa plano." Sagot ni Kevin.

"Loko! Umalis na nga kayo dito. Sinisira niyo moment namin e!" Natatawang sabi ni Adrian at tinulak tulak si Kevin.

"Ikay. Pagtiisan mo tong tropa namin ha. Masyadong loko yan. Patinuin mo ha." Sabi ni Mark habang isa isang binaba ang dalang pagkain para sa dalawa.

"Wala ng pag-asa yan. Pero susubukan ko." Dagdag ni Ikay sa pang-aasar ni Mark.

"Napaka bully niyo!" Iiling iling na sabi ni Adrian.

Nagtawanan tuloy sila. Matapos nun ay umalis na ang dalawa.

"Pano sila? Tapos si Maan? Hindi ba sila damay pagkain? Gugutumin yung mga yun." Tanong ni Ikay.

"Hindi pwede walang sila 'By dahil pagnagkataon susugurin tayo pabalik ng mga yun." Natatawang sabi ni Adrian. "Kumain kana. May ipapakita pa ako sayo e."

Kumain na sila habang patuloy sa pagkukwentuhan. Matapos nun ay niyaya ni Adrian tumayo si Ikay at bumaba ulit sa malamim na parte ng Picnic Grove.

Biglang namatay ang mga kaninang ilaw sa poste at biglang dumilim. Napasiksik tuloy si Ikay kay Adrian.

"Ano na naman to Busnog?! Nakakatakot naman e!" Matigas na bulong ni Ikay kay Adrian.

"Bakit ka matatakot kasama mo naman ako?"

Biglang umilaw ang maliliit na bumilbilya sa itaas na bahagi ng Picnic Grove. Doon banda sa puro damuhan lang. Sunod sunod ang naging pagliwanag ng mga ito kapag tinignan parang bumubuo ito ng letra.

CAN YOU BE MY

Yan ang mga salitang nangibabaw sa pagliwanag ng mga mumunting ilaw.

Tinignan ni Ikay si Adrian. Nagtatanong niyang tinignan ito. Kulang ang pangungusap na binigay ng ilaw.

Ngunit ngiti lang ang naging tugon ni Adrian sa kanya. Hanggang sa umilaw ulit ang mga poste na may lobong hugis puso ngunit sa ibang gawi ito.

"Sundan natin." Sabi ni Adrian kay Ikay.

Bawat hakbang nila ay may litrato na nakikita si Ikay sa ibaba ng Lobo. Napansin niya na ang bawat ng litrato ay hindi niya alam kung saan ito kuha. Hindi niya mapigilan na ngumiti dahil sa bawat litrato na nakikita niya, naalala niya ang mga naging dahilan kung ganun ang mga naging reaksyon niya.

***************************************************************************************************************************

Dahil traffic sa Skyway! Teneeeeeen! Another chapter. HAHAHAHA Jusko!

Enjooooy!

LoveLoveLove,
Otor

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon