Adrian's POV
Natahimik siya. Umiwas siya ng tingin sakin. Ayoko naman kasi talaga aminin sa kanya na sinundan ko siya. Kaya lang ganun din, magtatanong siya at ako pa rin ang makakasagot sa tanong niya.
"Anong narinig mo?" Malumanay na tanong niya sakin.
"Lahat po 'By. Simula sa panget ako hanggang sa sinabi mong tatambay ka kina Maan." Nakatungong sagot ko.
"Bakit mo ko sinundan?" Seryoso niyang tanong.
Aist! Di ako sanay na seryoso siya. Nakakatakot, parang anytime sasapakin niya ko ulit. Hay!
"Syempre, ayoko naman magkagalit tayo dahil sa nangyari kanina 'By. Alam mo namam di kita kayang tiisin. Di ako sanay na magkagalit tayo ng matagal." Sagot ko sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya ulit.
Bumuntong hininga ako. Paulit ulit na yung tanong niya. Baka mapaamin ako ng wala sa oras nito.
"Dahil bestfriend kita."
"Okay." Yun lang yung sinabi niya tapos umupo na siya sa sofa.
Kaya di na ako umimik. Nahihiya din kasi ako kay Maan. Nakikita niya na ganito kami ng bestfriend niya.
"Tsk tsk tsk." Si Maan. Nakatingin siya sakin parang sinasabi niya na wrong answer ka!
Di ko nalang pinansin. Baka mamaya mapag-usapan na naman. Tumingin ako ulit kay 'By dun ko lang napansin na humiga siya sa sofa, halata sa mukha niya na inaantok na siya.
"Inaantok ka ba 'By? Gusto mo sa kwarto ka nalang ni Maan matulog okay lang naman ata sa kanya." Sabi ko kay Ikay.
Di siya sumagot. Tumayo lang siya tapos umakyat sa hagdan. Matutulog nga talaga siya.
"Hayaan mo muna. Babalik din yan sa normal. Bakit naman kasi wrong answers ka palagi!? Di ka pa umamin, pinapatagal mo pa!" Sabi ni Maan.
Huh? Alam niya din? Nagulat ako sa sinabi niya. Halata na ba ako? Pero bakit si Ikay di naman ako nahahalata?
"Oo, halatang halata ka. Kasi yung paselos selos effect mo kitang kita naman sadyang wala lang alam dyan si Ikay pero alam ko napapansin niya na rin yun nga lang mas gusto niya sayo manggaling."
Mind reader na ba nga tao ngayon?
"Pero ayoko masira yung pagkakaibigan namin Maan. Tsaka bawal pa siya magboyfriend yun din ang sinabi sakin ng parents niya." Nalungkot ako lalo nung maalala yun.
"Laki ng problema boy!? Edi ipaglaban mo! Ano ka ba? Di niyo naman pababayaan pag-aaral niyo kahit maging kayo. Si Ikay pa!? Masyadong yan matalino. So you dont have worry nu!"
Oo nga nu?
"Alam mo dalawa lang yan. It's either duwag ka or di talaga totoo yung nararamdaman ko kay Bes. My god Adrian! Wag mo nalamg ligawan si Bes kung sasaktan mo din! Jojombagin talaga kita!" Naninigaw na siya. Hays.
"Hindi naman yun. Mahal ko siya, hindi ko siya kaya saktan nu. Baka ako pa nga kawawain nun pag naging kami!"
Natawa naman si Maan. Pero totoo, mahilig kasi yan mamingot, mamitik at manapak HAHAHAHA.
"Pero seryoso, kasi kung gusto mo talaga si Bes. Tutulungan kita. Obvious na obvious naman kasi kayong dalawa ayaw niyo lang talaga ilevel up yung something niyo!"
Obvious kami? Ibig sabihin napapansin niya rin na . . .
"Ibig mo bang sabihin may gusto rin sakin si 'By?" Nagliwanag talaga yung pakiramdam ko. Pero alam ko tama yung pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
"Hoy Adrian! Perstaym mo ba? Makareact ka ng ganyan kala mo di ka nagkajowa!" Ganito ba talaga tong babaeng to? Palaging na sigaw? Feeling niya ata ang layo ko e.
"Di naman. Nga lang kasi pagdating kay 'By natatanga talaga ako e." Totoo. Ibang iba talaga ang epekto sakin ni Ikay.
"Owkey. Pero ano bang balak mo? Anniversary niyo na diba? Wala bang pasabog?"
"Wala pa e. Wala pa akong maisip.na pwedeng gawin." Pakamot ulo kong sagot sa kanya.
"Hay! Very weak. Di ka pala kasing romantic ng inaakala ko. Tsk!"
Gwapo lang ako nu. Yun lang romantic na para sa ibang babae. Anong alam ko sa mga ganun, yung pagkanta ko nga kay 'By nung nakaraan pinag isipan ko pa ng ilang oras. Aist!
"Ganito nalang gawin mo. Tutal di pa naman nakakagala yan si Ikay dito sa Cavite at Manila. Try niyong mag-ikot ikot. You can call that, a date. Pero dont you make a move na mabilis ha! Paslangin talaga kita!"
"San ko naman siya dadalhin dito?"
"Try mo sa bundok! Naku!" Pagsusungit niya. Di nga kasi ako sanay. I mean, maraming pwedeng puntahan pero di ko alam kung san yung romantic dito.
"Si Ikay mahilig yan magrelax, so you can take her in Tagaytay or somewhere na makakapagrelax siya. Pwede rin sa dagat somewhere in Tanza or mga resort sa Indang. Di naman maarte yung babaeng yan as long na may kasama siya." Mahabang paliwanag niya.
"Sige. Magpaplano na ako mamaya." May mga naisip din ako ng sabihin ni Maan lahat ng suggestion niya. Sana makpagconfess na ko ng diretso. Haaaaay!
"Dapat lang nu! Three days before, anniversary niyo tapos wala pa ring ganap. Pagkaganyan wag ng icelebrate!" Tapos tumawa siya. Malakas din palang mang asar tong babaeng to.
"Oo na sige na. Aalis na ko. Magpaplano muna ko. Ikaw muna bahala kay 'By mukhang badtrip talaga sakin e." Tsaka ako tumayo at naglakad palabas.
"Eksenadora ka kasi! Keri naman umamin nalang, may 'dahil bestfriend kita' pasagot sagot na nalalaman. Ayan borlog ang baby mo." Sabi niya habang hinahatid niya ako palabas ng bahay nila.
"Perfect time. Yun yung kailangan ko."
"Daming arte! Oo na sige na! Go na! Ingat ha! Aamin ka pa sa bestfriend ko!" Sigaw niya habang pasakay ako ng sasakyan ko.
Nang makaalis ako agad akong nag-isip kung ano ba dapat gawin para maging perfect ang anniversary namin. Hirap naman kasi!
*********************************************************************************************************************
Hahaha. Wala lang.
Enjooooooy!
LoveLoveLove,
Otor
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...