Third Person's POV
Nagulat si Adrian, hindi niya inaasahan na ang Papa ni Ikay ang magbubukas ng gate.
"Oh? Adrian hapon na ah. Anong meron?" Tanong ng Papa ni Ikay kay Adrian.
"Good Afternoon po Tito. May lakad po kasi kami nila Ikay. Pasensya na po kung nakalimutan kong magpaalam sainyo." Kamot ulong sagot ni Adrian.
Tinignan niya lang si Adrian. Hindi tuloy malaman ni Adrian ang gagawin kung hindi pumayag ang Papa ni Ikay na sumama sa kanya.
Biglang lumabas ng pinto ang Mama ni Ikay. Malaki ang pagkakangiti nung makita si Adrian.
"Si Adrian na ba yan? Wow! Ang gwapo naman ng batang to." Tuwang tuwa sabi ng Mama ni Ikay.
"Good Evening Tita. Thank you po." Tumingin si Adrian sa Mama ni Ikay. "May lakad po kasi kami ni Ikay. Pasensya na po kung nakalimutan kong ipaalam sainyo." Bigla yukong sagot ni Adrian.
"Hindi nagpaalam sakin si Ikay at Maan. May kasama daw kayo kaya okay lang yun. Need niya rin mag-unwind. Stressful pa naman ang college kaya need niya rin magrelax diba Hon?" Baling nito sa asawa niya.
Bumuntong hininga siya. "Sige. Wala naman problema kung marami kayo. Wag lang yung kayong dalawa. Tapos ganyan pa yung suot mo. Pakiramdam ko tuloy nililigawan mo yung anak ko. May usapan tayo Adrian diba?" Seryosong tugon ng Papa ni Ikay pero kay Adrian to nakatingin.
"Opo tito. Alam ko naman po yun. Di ko po nakakalimutan." Napalunok si Adrian pagkatapos niyang sumagot sa Papa ni Ikay.
"Sige. Pumasok kana. Hinihintay ka na nila Ikay at Maan." Tumalikod ang Papa ni Ikay at pumasok na sa loob.
Lumapit ang Mama ni Ikay kay Adrian at hinagod ang likod nito. "May tiwala ako sayo Adrian. Alam kong gagawin mo ang tama. Wag mo sana sirain ang tiwala namin sayo." Ngumiti si Adrian sa kanya at tumango.
"Oh sya mag-enjoy kayo dun. Ihatid mo si Ikay bago mag-alas onse ng gabi ha. Tara na." Sumabay na si Adrian pumasok sa loob ng bahay.
Umupo siya sa upuan habang ang magulang ni Ikay ay dumiretso ng kusina. Halata kay Adrian na kinakabahan siya sa pag-uusap nila ng magulang ni Ikay. Gusto niya bawiin ang pagtango na ginawa niya sa sinabi ng Mama ni Ikay. Lahat ng plano niya masasayang kung hindi siya aamin. Mukhang ngayon palang mahihirapan na siya, ano pa kung pagkatapos niyang umamin.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya na napansin na nakababa na pala si Maan at Ikay. Napansin niya nalang ito ng tuwang tuwa ang Mama ni Ikay sa dalawa.
Tumayo si Adrian at lumapit sa dalawa. Ngunit bago pa siya lumapit ay nagbigay na ng daan ang magulang ni Ikay para mas makita niya ang itsura ng dalawa.
Bakas kay Adrian ang gulat at hanga sa kanyang mata. Halatang hindi niya inaasahan sa ganitong paraan nito aayusan ni Maan.
"You look . . . beautiful." Ngumiti ng malawak si Adrian.
Napatikhim ang Papa ni Ikay. "As always. My daughter will always be beautiful, it's just that i dont want anybody to see it. But not today." Sumulyap ito kay Ikay. Kitang kita ang pagmamalaki sa anak.
"Dalaga kana. Kala ko talaga magiging tibo ka e." Natatawang sabi ng Mama ni Ikay. Bakas pa rin ang hanga sa mata nito. Parang isang kayamanan ang tingin niya kay Ikay na ngayon ay kumikinang sa ganda.
"Ma!" Saway ni Ikay sa kanyang ina.
"Im so proud of myself! My bestfriend look gorgeous tonight because of my talented hands!" Tuwang tuwang sabi ni Maan na pagpalakpak animo'y isang obra ang ginawa niya kay Ikay.
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...