Chapter 12

23 0 0
                                    

"Sige na tutulungan na kita para magustuhan ka ni Kuya."

Syempre, ngumiti ako. Di naman kase siya yung tipo ng tao na ilalakad ka sa ganyang bagay. Sanay naman kase siya na nakukuha niya agad konting pa cute lang.

"Weh? Baka kamo yung ayaw ng Kuya mo yun ituro mo sa'kin! Ganyan ka eh nuh!"

Tapos hinampas hampas ko siya. Kilala ko 'to! Hahaha!

"Grabe ka sa'kin 'By! Wala kang tiwala sa'kin nuh!" Tapos padrama drama effect na naman. Kunwari na iyak may patakip takip pa ng unan.

"Oo! Kase ang panget mo!"

Sabay tawa tapos binato ko siya ng notebook.

"Aray ko naman 'By! Hilig mo na manakit ngayon!"

"Kase nga panget ka! Panget! Panget! Panget!"

Bigla ba naman akong hinabol. Habulan tuloy kami sa may sala  hanggang sa kusina. Buti nga di na galit si tita. Tinawanan lang kami. Tapos nakarating kami ng garden. Nandito si tito, nagbabasa pa naman mga documents niya sa work niya.

"Kayo talagang mga bata kayo oh! Ikay may water gun dyan. Gamitin mo panlaban sa lalaking yan."

Sabay tawa ni tito, kala ko magagalit din. At dahil masunurin ako, kinuha ko yung water gun.

"Teka 'By! Di patas ang laban ha! Wag ka nga madaya!"

Paatras siya ng paatras. Yeaaaah!

"Kakampi ko si tito kaya humanda ka!"

Nagbaliktad na kami. Ako na humahabol sa kanya. Habulan lang kami ng habulan tapos hanggang may nakita siyang water hose. Yari!

"Ako naman ngayon! Humanda kana 'By!"

Ako na naman ang hinabol niya! Hala! Sige! Nagbabasaan kami ng tubig, siya gamit niya water hose, ako water gun! Hahahaha.

"Mga bata tama na yan! Magpalit na kayo at maglunch na tayo."

Sigaw ni Tita. Tumigil na kami. Tapos tawa siya ng tawa.

"Mukhang kang basang sisiw 'By!"

Ay loko 'to oh! Kala mo kinagwapo niya yun.

"Mukha ka namang panot na aso
!"

Tawa ako ng tawa. Nakanguso na naman ang loko.

"Tama na yan! Baka mamaya magka-inlove-ban na kayo niyan."

Nagulat ako bigla kaseng lumapit si Kuya Xander tapos nilagyan niya ko ng tuwalya. Kinilig ako, syempre i feel so special. Ngiting ngiti pa ko kaso may panira.

"Hoy 'By! Tago mo nga yung ngiti mo! Nakakatakot!"

"Tse! Hmp!"

Tapos pumasok na kami nila Kuya Xander at Adrian sa loob ng bahay.

Pagkatapos ko magpalit, pumunta na kami sa kusina. Kumain tapos balik na sa research ni Busnog. Konting konti nalang tapos na.

"Konti nalang Busnog. Matatapos na 'tong research mo." Sabi ko habang nagtatally ng mga items para ma-encode na.

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon