Chapter 17

13 0 0
                                    

Danikka's POV

Pano niya bang nalaman yung bahay ni Maan? Sinundan niya ba ako?

Nung bumaba si Maan ay sumunod ako sa kanya. Di ko pa rin maintindihan. Alam ba niyang nandito ako? Haist.

"Uy Adrian! Anong ginagawa mo dito? Pasok ka." boses ni Maan. Pababa palang kasi ako ng hagdan kaya di ko sila nakikita.

Nung makababa ako, nakita ko si Maan na papasok na sa loob ng sala nila. Nakasunod naman si Adrian na mukhang nahihiya pa.

"Upo ka Adrian. Kuha lang kita ng juice." tsaka humarap si Maan sakin habang nakangiti. May naiisip na naman tong babaeng to.

"Ikay kausapin mo muna si Adrian. Kuha ko lang siya ng juice." Tinulak niya ko papalapit sa may sofa.

Nagtuloy na siya ng lakad papuntang kusina. Sinundan ko pa siya ng tingin tsaka ako bumaling ng tingin kay Adrian.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Bawal ba ako pumunta dito 'By?" Nakangusong tanong niya.

"Hindi naman yun." Bumuntong hinga ako. "Sige. Wag mo nalang sagutin." Tumalikod ako.

Nonsense din naman kung kausapin ko siya. Badtrip pa rin ako sa mga sinabi niya sakin kanina. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya dahil sa kaabnuyan niya simula kaninang umaga. Nakakapikon din kasi.

Hahakbang sana ako paakyat ng kwarto ni Maan kaso bigla niya hinawakan yung braso ko.

"Sorry na 'By. Di ko naman gusto yung inasal ko kanina e. Nabigla lang din ako. Sorry na 'By." Malambing at nakikiusap na tono niya.

"Okay lang. Kalimutan mo nalang." Tumahimik na ko pagkatapos nun. Di ko rin naman alam ang sasabihin ko.

"Alam ko nagtataka ka sa inasal ko kanina. Alam ko nasaktan ka rin sa sinabi ko kanina. Sorry kung na sigawan kita. Ayoko lang talaga na nakikita na may ibang lalaking parang sweet sayo maliban sakin 'By." Nakatungong sinasabi niya yun.

"Kuya mo yun. Hindi siya ibang tao sayo. Di naman kami sweet ah. Nagbibiruan lang kami." Dahil ang totoo niyan pinagseselos ka lang namin. Gusto ko sana idugtong pero baka mapahiya lang ako.

"Oo nga. Alam ko naman yun. Pero alam ko rin naman may gusto ka sa Kuya ko. Ayoko mangyari magkagustuhan kayo."

"Crush ko lang siya. Hindi mangyayari yung sinasabi mo."

"Di mo ko naiintindihan 'By. Si Kuya yun yung sinasabi mo sakin dati na ideal man mo. Yung lagi mong sinasabihan na gwapo. Yung kapag makikita mo siya, mas sumasaya ka. Yung bang------"

"Ano bang nangyayari sayo?" Di ko na naa-absorb mg sinasabi niya e. Masyadong ng madami kaya pinigilan ko na.

"Anong eksena niyo? Masyadong seryoso yung mga mukha niyo." Tanong samin ni Maan habang nilalapag niya sa mesa yung tinimpla niyang juice.

Tumingin kami sa kanya at bumalik ng tingin sa isa't isa sabay nag-iwas ng tingin. Di kami nagsalitang dalawa. Nagpapakiramdaman lang. Nailang ako bigla dahil nandyan si Maan. Di naman ako sanay na nakikipagtalo ng ganito sa lalaki. And the worst thing, sa bestfriend ko.

"Ay deadma lang? O sige ipagpatuloy niyo na yung pag-uusap niyo. Akyat muna ako sa kwarto, kunin ko lang yung miryenda. Dont worry tatagalan ko para makapag-usap kayo." Kinindatan ako ni Maan. Bruha! Kitang nagtatalo nga kami. Haist!

"May sasabihin ka pa ba?" Pambasag ko sa katahimikan namin.

Ilang beses ko na siyang tinatanong kung anong nangyayari sa kanya. Ayaw naman niya sumagot. Di naman ako manghuhula para malaman agad yung nararamdaman niya. Di rin naman ako sigurado kung ano nga ba yung nararamdaman niya.

"Sorry na 'By." Alam mo yung nakakaawa yung mukha niya. Gusto kong matawa. Kaso gusto ko rin talaga malaman yung dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.

"Ano ba kasi nangyayari sayo? Kaninang umaga ka pa nagsusungit. Hindi ko maintindihan kung bakit. Tapos kung ano ano pa sinasabi mo ngayon. Umamin ka nga sakin."

Biglang siyang nag-angat ng tingin sakin, parang kabado siya na ewan.

"Nagdadrugs ka ba?" Tsaka ako tumawa. Di ko rin naman kasi matiis na ganito kami.

"Ano ba 'By! Bakit naman ako magdadrugs!" Nakanguso na siya. Parang babae talaga to.

"Seryoso ako Busnog. Para ka kasing tanga alam mo ba yun!" Kung san san kasi dinadala yung kaabnuyan e.

"Sorry na 'By. Babawi nalang ako."

"Sige na. Pero pano mo ba nalaman yung bahay ni Maan? Di ka pa naman nakapunta dito diba?" Nakakapagtaka lang. Hindi rin naman nagtanong yan sakin kung san yung bahay ni Maan, sinabi siguro ni Maan.

"Kay Mark. Tinawagan ko siya kanina 'By."

"Ha? Nakapunta na ba dito si Mark?" Umupo na ko sa sofa. Nakakangalay tumayo e.

"Siguro 'By. Tama naman kasi yung binigay niyang address."

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Diretso kong tanong sa kanya. Sa pagkakatanda ko ang paalam ko sa kanya ay uuwi ako.

"A-Ah . . . Kasi a-ano e . . ." Nauutal pa. Sasabihin lang naman kung pano niya nalaman.

"Ano po Busnog?"

"Naramdaman ko lang!" Biglang sagot niya.

"Ha?" Ano daw?!

"Ano okay na ba kayo? Bilisan niyo mga laberds nagugutom na po ako." Sabi ni Maan habang naglalakad pababa sa hagdan.

"Ay sorry na interrupt ko pala yung miryenda niyo ha." Sabi ni Adrian kay Maan.

"Ano ka ba! Okay lang yun! Kung para magkabati kayo ni Bes. Support ako all the way!" Kilig na kilig ang bruha.

"Teka." Tinignan ko ng nakakunot noo si Maan.

"Alam mo? Pano? Kanino? Di ko naman sayo binanggit kanina nung dumating ako dito." Dire-diretso kong tanong.

Pinagkakaisahan ba ko ng mga to!?

"Kay Mark. Nagtanong kasi siya sakin kung anong address ng bahay namin. Syempre, bago ko sinabi tinanong ko kung bakit tapos ayun sabi niya pupunta daw si Adrian dito kasi narinig niya na pupunta ka dito kaya sinabi ko yung------" Di ko pinatapos yung sinabi niya. Tumingin ako agad kay Adrian.

"Kailan mo narinig na pupunta ako dito?" Tanong ko sa kanya.

Di siya sumagot. Tumingin sa iba gawi. Ano ba? Anong trip nila?

"Sasagutin mo ba ako o hindi?" Kanina pa ko napipikon sa kanya. Okay na ko kanina kaso ano naman ba to!?

"Di mo naman ako nililigawan 'By e." Nakangusong tanong niya.

Biglang tumawa si Maan. Kaya lalo akong nainis. Mukha ba akong nakikipagbiruan.

"Tantanan niyo kong dalawa sa kabaliwan niyo!"

Tumigil si Maan sa pagtawa niya tapos tumingin ako ulit kay Adrian.

"Wag ka ng magalit sakin 'By." Malambing na sabi niya.

"Pano mo ngang nalaman na nandito ako?" Ulit ko sa kanya.

Di naman big deal sakin. Kaso lang kinakabahan ako pakiramdam ko sundan niya ko kaya narinig niya na pupunta ako kina Maan. Nakakahiya yun pagnagkataon!

"Kasi . . ." Ayaw niya talaga sabihin? =_=

Tumayo ako akmang aalis na. Hinawakan niya ulit yung braso. Dumadalas ha!

"Kasi sinundan kita. Narinig ko lahat ng sinabi mo. Narinig ko lahat lahat 'By."

Natahimik ako.

********************************************************************************************************************************

Oh another chapter. Hahaha. Tapusin na ang dapat tapusin.

Enjooooooy.

LoveLoveLove,
Otor

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon