Chapter 15

11 0 0
                                    

Danikka's POV

Nagulat ako ng biglang tumayo si Adrian habang nag-aasaran kami ni Kuya Mark. Tama ba 'tong ginagawa namin?

*Flashback*

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo . . .

"Sino ba 'tong tumatawag na 'to ang aga aga naman?"

Kuya Xander calling . . .

"Hello po. Good Morning." magalang na bati ko.

{Good Morning Ikay. Tulog ka pa ba? Sorry ha. Magpapatulong kasi sana ako sayo kung okay lang.} Sagot ni Kuya Xander.

"Kagigising ko lang Kuya. Ano po ba yun?"

{Basta samahan mo nalang ako tapos sa bahay kana kumain, magluluto din kasi ako.}

"Sige po. Pupunta rin po kasi ako sainyo. Anong oras po ba?"

{Ngayon na. Hahahaha. Dito ako sa labas ng bahay niyo.}

"HA??? ay teka lang Kuya." tapos binababa ko na yung tawag.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maghilamos at magtooth brush. Kasi naman di talaga nagising ng maaga paglinggo. Wala rin kasi sila Mama at Papa. Nagdate na naman siguro.

Bumaba na ko. Nakakahiya naman kung maghihintay pa siya ng matagal. Nang makarating ako sa baba binuksan ko agad yung gate.

"Pasok ka Kuya Xander. Di ka naman kasi nagtext kagabi na magpapasama ka. Kakagulat ka alam mo ba yun?" Pagtataray ko sa kanya. Totoo naman kasi.

Natawa siya sakin.

"Sorry Ikay. Nagjogging din kasi ako kaya sinagad ko na hanggang dito. Ano? Tara na?" Ngumiti siya sakin.

"Ay Kuya saglit lang maliligo pa kasi ako. Kagigising ko lang talaga nung tumawag ka. Sandali lang naman to e. Upo ka muna dyan." Tumakbo na ako agad sa kwarto ko para maka-ligo at makapag-ayos.

after 15 minutes.

"Tara na Kuya. Tapos na ko." Nagmamadali ako lumapit sa kanya.

"Cute mo pala nung bata ka pa nu?" Dun ko lang napansin na tinitignan niya yung photo album ko nung baby pa ko.

"Cute pa rin naman ako Kuya." tapos tumawa ako.

"Oo nga e. Kaya pati ako mukhang . . ."

Ano daw?! Hilig nila bumulong magkapatid.

"Ano sabi mo Kuya?"

"Ah! Wala! Sabi ko tara na para makabalik tayo agad." Tapos binalik niya yung photo album sa cabinet.

Lumabas kami ng bahay pero di siya nagsasalita. Sabagay, ganun naman talaga si Kuya Xander. Tahimik siya. Nagiging madaldal lang ata siya pagkasama niya kapatid niya.

"San nga pala tayo pupunta?" Pambasag ko ng katahimikan naming dalawa.

"Dyan lang sa palengke. Bibili lang ako ng ulam para sa pananghalian." sagot niya.

"Huh? Bakit kailangan kasama pa ko?" Nakakapagtaka lang.

Natawa siya sa tanong ko. Tama naman di ba? Anong nakakatawa dun?

"Gusto kasi sana kita kausapin para mapaamin natin yung kapatid ko na may gusto siya sa'yo." Dire-diretso niyang sinabi.

"HA? Anong sinasabi mo Kuya Xander?" Talaga bang totoo yung sinabi niya sakin? Sa pagkakaalam ko kasi wala naman sapat na basehan yun para sabihin niya na may gusto sakin si Adrian.

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon