“Uy! Ikay anong nangyari sa’yo kahapon?” sabi sa’kin ni Maan habang nagrereview siya ng mga notes naming sa Trigonometry.
“Alam mo kanina pa kita kinakausap! Nga lang wala ka sa sarili mo. Galit ka ba sa’kin? Dahil hindi ako sumabay sa’yo kahapon?” pagdadrama niya at nakanguso pa. Hehe. Ang cute niya.
Siya ang bestfriend kong si Mary Anne Punzalan o mas kilala sa palayaw na Maan. Nga lang minsan sobrang kikay niya, di ako makasabay pero ‘di yun hadlang parang di maging maganda ang samahan namin. Maganda si Maan, matalino, balingkinitan ang katawan o sexy nalang para mas madali hahaha. Mahaba at tuwid ang kanyang buhok, masarap kasama at higit sa lahat sobrang daldal. Siya yung tipo ng tao na sobrang masayahin at gusto laging nakangiti. Isa siyang Mass Communication student at bagay sa kanya dahil madaldal siya. Isa siya sa dahilan sa paglipat ko sa Saint Juan University dahil siya lang naman ang kaibigan ko simula nung highschool pa kami.
“Hala! Anong nangyari sa’yo? Nababaliw ka na ba Ikay? Hoy!” sabi niya habang niyugyog ako!
“Ha? Ano ba ‘yun? May naalala lang ako.” Habang nakangiti sa kanya.
“Ano naman ‘yun? Share mo naman baka ako na yung tinatawanan mo!”
Natawa ako. “Hindi ah! Nakatawa ba ‘yun? Nakangiti lang kaya ako. Ang OA mo!’
“Eh pa’no ba naman kasi nagdadrama na ako wa epek sa’yo yung mga sinasabi ko. Ano ba kasi yung naalala mo?” Ang kulit niya di ba.
“Naalala ko lang nung highscool pa tayo, ang tagal na pala natin nagtitiisan noh!” biro ko.
“Grabe ka naman Ikay! Inaapi mo na naman ako!” nakanguso ang bruha!
“Joke lang! Di ka mabiro.” Natatawa ako, nakanguso pa din kase siya eh. Hahahaha “Itigil mo na ‘yan baka humaba ‘yan”
Nagkatawanan kami.
▬▬▬
Sa Canteen …
“O! ‘tol anong anong nangyari sa’yo? Bakit may pasa ka sa mukha mo? Naku! Nakipag-away ka naman no’!” habang tumatawa na si Kevin.
“Siguro may problema ka na naman sa girlfriend mo tapos nag-inum ka tapos naghanap ka ng kaaway tapos nakipagbasag-ulo ka! Hahaha” pang-aasar ni Mark.
“Ang daming babae sa school. Nagtyatyaga ka dun! Makipaghiwalay ka na ‘tol!” ang saya talaga nila mang-aasar pagdaing sa’kin pag umpugin ko ‘tong dalawang ‘to eh!
“Baliw! Wala na kami ni Kristina! At lalong di ako nakipag-away! Ibang tao may gawa nito.” Nakangiti ako habang hawak ko ang pisngi na may pasa sa mukha ko.
“Eh kung hindi ka nakipag-away. Sino may gawa niyan?” tanong ni Kevin.
“Di ‘ko kilala eh. Babae pa naman ‘tol! Ang cute niya kase nung natulala siya sa’kin kaya ayun hinalikan ko, ‘di ko naman akalain na sasapakin niya pala ako.” Paliwanag ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/25920472-288-k732814.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Roman pour AdolescentsNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...