Chapter 2

60 4 0
                                    

Papunta akong room naming ng sa 'di inaaasahang pangyayari nakasalubong ko nga ang taong nasapak ko. Buti nalang sa notebook siya nakatingin haaay. Binilisan ko na ang pagpasok ko ng room kaso dun din pala ang klase niya! Ano ba 'yan! Kaso 'di ko naman siya nakikita dito nung mga nakaraang araw. Hmm baka late enrollees o nagkacutting tsk tsk tsk! Biglang nagtilian yung mga classmate kong babae huh?! Sikat ba sila? Bakit 'di ko alam? Ay transferee nga pala ako hehe.


Dumating na yung professor namin, Filipino subject kami ngayon kaya petiks lang estudyante.


"May mga bagong dagdag sakit ng ulo ha! Magpakilala kayo lahat ng bagong dating" sabi ni Mr. Legaspi


Isa isa sila nagpakilala ka sa ang taong sinapak ko. Si Adrian Andrade pala siya, Ang cute ng pangalan ha, hindi bagay sa mayabang nakagaya niya. Napansin kong may pasa kaliwang pisngi niya malapit sa mata niya, siguradong sa'kin galing 'yun. Wow! Proud pa eh noh! Bastos kasi eh!


-Adrian's POV-


Parang kilala ko 'yun ah! Tama siya yung sumapak sa'kin! Dito pala talaga siya nag-aaral 'di ako nagkamali! Ayos! Matabihan nga.


"Umupo na kayo! Lagi nalang late magpaenroll ganyan talaga paggwapo noh!" Nagtilian niyong mga kaklase ko. Ganun ata talaga paggwapo hehehe.


"Naku! May mga estudyante na naman akong sikat. Sana lang makapagpokus kayo sa mga paksa natin. Baka puro kiligan at tilian ang mangyari haaay"


Nagtawanan yung mga kaklase ko. At habang nagsasalita si sir umupo na kami, at ako sa tabi nung girl na sumapak sakin.


"Hoy! San ka uupo?" Tanong ni Kevin.


Kinuha ko ang bag para makalipat ng upuan "Dito lang 'tol!" Dahil sa paglipat ko, ang daming nagtilian akala ata nila sa kanila ako tatabi.


-Danikka's POV-


Hala! Dito talaga siya tumabi! ANO BA 'YAN! Nakita niya pala ako! Pa'no na 'to? Huhuhuhuh


"Hi" sabi niya sa'kin. Naku poooo! Sasagot ba ako? Bahala na nga!


"Helo" medyo na nginginig pa.


"Naalala mo pa ako?" nakangiting sabi niya.


"Oo naman" Lumalakas lalo kabog ng dibdib ko. Ano ba talaga trip nito!


"Sorry pala dun ginawa ko ha. Nagulat ako sa reason mo. Ikaw palang kasi nakakagawa sa'kin nun. Pwede bang makipagkaibigan?" Malumanay naman pala siya magsalita.


Mabait naman pala nga lang sino kayang tao ang gustong makipagkaibigan sa taong sumapak sa kanya.


"Uy! Seryoso ako promise!" Malambing na sabi niya.


"Eh bakit ako? Pati sinapak kita diba? Dapat nga magalit ka pa sa'kin? Baka naman gumaganti ka lang ha!" dapat defensive agad.


Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon