Chapter 19

3 0 0
                                    

Adrian's POV

2 days before our Friendship Anniversary

"Kung pupunta kami ng Tagaytay. Anong gagawin namin dun Tol?" Tanong ko kay Kevin.

Wala talaga akong alam sa mga ganito. Tsumamba lang talaga ako nung nakaraan na hinarana ako si Ikay.

"Magbato bato pik kayo Tol!" Tawa siya ng tawa. "O diba? It's so relaxing!" Tumatawa pa rin siya habang nakahawak sa tiyan niya.

"La kang kwentang kausap. Palibhasa walang nagmamahal sa'yo." Sagot ko sa kanya.

Tumigil siya pagtawa tapos tinignan niya ko ng parang nagpapaawa. "Wag ganun Tol. Personalan naman yan e." Tapos sumandal siya sa may sofa.

Nandito kami sa bahay ngayon. Nag-iisip kung ano pwedeng gawin namin sa Anniversary namin ni Ikay. Sa totoo lang, marami naman ako naiisip. Actually yung iba dun galing sa internet. Wala naman kasi talaga akong alam sa pagiging romantiko. Wala nga akong matandaan na may ginawa ako sa mga naging girlfriends, o girlfriend nga ba na matatawag yun. Di ko naman kasi sila minahal.

"Ganito nalamg Tol. Punta kayo ni Ikay sa isang lugar na madilim tapo----!"

"Ano!?!!! Gago ka ba? Si Ikay yun Tol! SI IKAY YUN!" Ewan ko ba kung bakit di ako nagpatulong sa lokong to.

"Tanga mo! Di pa ko tapos!" Sigaw niya.

Tinignan ko lang siya para malaman kung talagang seryoso ba talaga siya sa sasabihin niya.

"Okay. Seryoso na Tol. Piringan mo siya sa mata tapos dalhin mo siya sa madilim, mas maganda kung star gazing yung tema niyo." Magkumpas pa sa hangin ang kamay niya. Baduy din talaga to e.

"Korni nun Tol. Baka lamukin kami kung ganun gagawin ko!" Nababadtrip na ko.

Nanood nalang muna kami ng kung ano anong palabas sa TV. Halos wala din kaming matinong plano. Pakiramdam ko lahat ng suggestion niya at nakita ko sa internet, isang malaking korni.

"Ano Tol? Matatapos nalang ang maghapon, wala ka pa rin naisip?"

"Wala. Pero gusto ko yung una mong suggestion kaso anong mangyayari pagkatapos nun?"

Tagal naming naging tahimik. Bakit ba kasi hindi ako sanay sa ganitong bagay!?! Hays!

"Alam ko na!" Sigaw ni Kevin.

Lahat ng naisip niya ay sinabi niya sakin. Maganda yung iba, yung iba masyadong korni at magastos pero syempre unang beses to kaya bakit ako manghihinayang diba?

"Tapos umamin kana! Para after nun kayo na!" Utak din nito masyadong advance.

"Sige bukas iprepare na natin lahat yan."

Kinabukasan

Di ganon kalaki yung ginastos ko simple lang naman yung naisip ni Kevin pero sa tingin ko romantic siya. Bumili kami lahat ng kailangan para ma-set up ang plano.

"Teka nga Tol bakit pala para napapansin ko di mo kinakausap si Danikka?" Tanong sakin ni Kevin habang pinapasok namin sa bahay yung mga pinamili namin.

"Wala. Gusto ko lang talaga siya i-surprise." Alinlangan na sabi ko kay Kevin.

"Tol kung may away kayo ngayon palang sinasabi ko sayo makipagbati kana. Baka naman masayang lang tong mga plinano natin."

Napaisip ako sa sinabi niya. Di namin magkaaway nga lang alam ko nagtatampo talaga yun sakin. Pero di ko talaga maiwasan magselos kahit nakikita si Maan na parang may feelings sakin si Ikay di ko pa rin maiwasan na di maniwala. Ganun ka rin naman kasi Adrian! Hays!

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon