-Adrian's POV-
Imposible! Alam naman ni Kuya na gusto ko si Ikay. Scratch that! Mahal ko si Ikay. Tapos magkakagusto siya sa taong mahal ko?! Aist!
Tumawag pa ko kagabi kay Ikay pero di na ko nagtanong about sa pinag-usapan nila ni Kuya Xander. Baka nagkataon lang siguro masyado lang akong nagconclude sa mga sinabi ni Kuya.
Nakakatamad ng pumasok. Last day na kasi bakasyon na. And finally, last year ko na! At last makakagraduate na rin!
"Lil bro! Gising na. Breakfast is ready! Baba ka na sabi ni Mama." Sigaw ni Kuya Xander.
Tumayo na ko. Naligo, nagbihis at bumaba. Dahil last day i just wear my usual outfit. Pirmahan nalang naman ng clearance ngayon.
"Wow! Anong meron bakit nagluto ka ng mechado Ma?"
Paborito yan ni Kuya. Tagal pa naman birthday ni Kuya ah.
"Nagrequest kasi ang Kuya mo. Namimiss niya na daw kasi kaya nagluto ako. Minsan lang naman umuwi ang Kuya mo."
Sabi ni Mama habang nagsasandok siya ng kanin.
"Ahh. Okay."
After ko kumain, pumasok na ko. Ewan ko, namimiss ko naman si Kuya. Pero pakiramdam ko kasi si Kuya lang yung importante kapag nandyan siya. Makikita lang naman kasi nila ako kapag wala si Kuya.
"Wala ka naman sa mood tol!"
Bigla akong inakbyan ni Kevin. Kilala niyo pa ba siya? Tropa ko yan. Di ko na kasi sila minsan nakakasama. Tuwing training lang, lahat kasi kami players ng campus pero iba't iba kami ng sport.
"Wala pre. Badtrip lang sa bahay."
"Ganyan ka lang naman kapag nandyan yung Kuya mo sa inyo."
"Ewan ko ba pre. Minsan kase parang si Kuya lang yung nakikita nila."
"Baka imagination mo lang yan tol. Lika na nga!"
Dahil nga last day, yung ibang estudyante maaga nag-uwian pagkatapos makapagpapirma ng clearance sa mga prof.
Tinext ko nalang si Ikay kaysa tawagan. Alam ko kasi busy din siya sa pagpapapirma, papagalitan kasi siya nila tito at tita kapag di niya tinapos ngayong araw 'to.
Busnog! Dito kmi canteen ni Maan. Mya nlng tau mgkita ha. Naiyak kc tong c Maan ih. Icomfort ko lng ha.
Mukhang di ko ata makakasama si Baby ngayon. Sabagay parang inagaw ko na nga siya kay Maan. Siya naman talaga bestfriend nun.
Nakatambay ako ngayon sa covered court. Nakakawalang gana talaga ngayon, tapos wala pa si Ikay sa tabi ko. Nakakawalang gana talaga.
"Adrian! Tol!"
Si Mark. Natatandaan niyo pa siya? Tropa ko rin yan. Madaldal yan. Mas maganda pa nga si Kevin kasi hindi ganun kadaldal yung isang yun.
"Oy tol! Musta?"
Umupo siya ng medyo malayo sakin. Sapat na para magkariniggan kami.
"Okay lang naman tol."
"Di nga? Sabi sakin ni Kevin wala ka daw sa mood e. Kaya nga kita pinuntahan dito baka magpakamatay kana atleast man lang mapigilan kita diba?" Sabay tawa. Dami kalokohan ng lalaking 'to!
"Dahil lang sa Kuya ko? No way! Malulungkot si Ikay kapag nawala ako nu'!" Sabay bato ng bola sa kanya. Kanina ko pa yan hawak. Trip ko sana magpractice kaso nga walang gana. Paulit ulit!?! Hahaha.
"Ano na naman meron sa Kuya mo? Nandyan siya sainyo? Diba may trabaho yun."
"Nagleave muna siya pre. Pahinga muna siya. Okay lang yun. Bahay niya rin naman yun."
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Novela JuvenilNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...