Adrian's POV
Kami na! Yes! Sobrang saya ko!
Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa mga nangyari. Di ko akalain na mismong gabi din na yun sasagutin ni Ikay yung tanong ko. Kinikilig ako! Shit! Hahahaha!
Tok! Tok! Tok! Tok!
"Adrian? Bunso? Okay ka lang ba?" Si Mama pala.
Bumangon ako para pagbuksan si Mama ng pintuan.
"Ma!" Niyakap ko siya. Di ko talaga mapigilan yung nararamdaman ko. Di maitago ng katawan ko.
"Oh? Anak? Sobrang saya mo ata. Ano bang nangyari ha? Magkwento ka nga." Tuwang tuwa tanong sakin ni Mama.
Pumasok siya sa loob ng kwarto. Sabay kaming umupo sa kama. Kinuwento ko lahat ng nangyari nung gabing yun. Kahit si Mama sobrang saya dahil alam kong boto rin siya rin kay Ikay para sakin.
"Talaga bunso? Congrats! Binata na talaga ang bunso ko." Sabay kurot ni Mama sa pisngi ko.
"Mama! Wag muna ko kurutin ng ganyan."
"But you're still my little baby boy bunsoy. Kahit na mag-asawa pa kayo ni Ikay, ikaw pa rin ang baby bunsoy ko."
"I know Ma. But can you do that in private? Yung ganito dalawa lang tayo. Baka kasi isipin ni Ikay, Mama's boy ako."
Tumawa si Mama. Malakas din kasi mang-asar si Mama. Dito ako nagmana e!
"Matagal ng alam ni Ikay na Mama's boy ka nu. Kaya wag kang mag-alala. Ayaw mo nun? Dalawa na kaming magbi-baby sayo?"
Hindi ata talaga ako mananalo kay Mama pagdating sa ganito. Hays!
"Nga pala na sabi niyo na ba yan Sa magulang niya?" Biglang tanong sakin ni Mama.
Yumuko muna bago sumagot. "Hindi pa Ma." Natatakot ako, parang naduduwag na ewan. Hays.
"Hindi niyo kaya sabihin, tama?"
Napatingin muna ako kay Mama bago ulit sumagot. "Opo Ma. Gusto namin sabihin pero natatakot kami ni Ikay."
Alam ni Mama kung anong kasunduan ni Ikay sa magulang nito. Dahil nga sa pagiging malapit na rin ni Mama kay Ikay kaya na pagkwentuhan na rin nila yung mga ganitong bagay.
"Pero bunsoy, masama ang naglilihim sa magulang. You should tell them. Siguro naman maiintindiham naman nila kayo as long na di niyo pababayaan ang pag-aaral niyo. We know that Ikay is very responsible girl. She knows her priority and I know na hindi makakaapekto ang relasyon niyong dalawa."
Lahat ng tao sa paligid namin ni Ikay. Mga kaibigan namin pati si Mama, alam nila na kakayanin namin. Pero bakit ganun? Parang ako naman ang nagdududa sa sarili ko.
"Okay. Take your time to think. But please wag mong patagalin. Masakit sa isang magulang na paglihiman ng anak. So I hope you will do the right thing even if its hard for you, you have to trust yourself bunsoy. Kakayanin mo yan."
Kanina pa nakaalis si Mama ng kwarto pero hanggang ngayon lunod pa rin ang utak ko sa kakaisip ng gagawin. Ano ba to!
Tol Kevin calling . . .
"Tol! Ano na? Dito kami kina Maan. Kanina pa kita tinatawagan. Sunduin mo nalang si Ikay. Tinatawagan ka rin daw niya kaso di mo naman sinasagot. Kakahiya ka! First day niyo bilang kayo tapos si Ikay pa tatawag sayo. Kaderder ka! O siya la na ko load. Sumunod kana ha. Vavoo!"
Toot! Toot! Toot! Toot! Toot!
Bweset na lalaki! Di man lang huminga sa dami ng sinabi! San niya kaya natutunan yung mga bading na salita? Malamang, kay Maan.
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...