Chapter 16

6 0 0
                                    

Danikka's POV

"Nagseselos ka ba kay Kuya Xander?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"HA?!" Gulat na sigaw niya sakin.

"Busnog ang lapit ko lang. Di mo kailangan sumigaw." Seryosong sabi ko sa kanya.

Di siya sumagot. Tumayo siya sabay pumunta sa maliit na cabinet at kumuha ng gamot para sugat ng paa ko. Tsaka muling bumaling sa paa ako at isa-isang ginamot yung sugat ko.

"Di ako nagseselos. Tsaka wala naman akong karapatan diba? Bestfriend mo lang ako." Seryosong sabi niya habang sa paa ko pa rin siya nakatingin.

"Aray ko 'By!" Pinitik ko kasi yung tenga niya. Haist.

"Ang sungit mo kasi kanina ka pang umaga. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko sa kanya. Naiinis na kasi ako! Umandar na naman pagka-abnoy niya.

"Pagsinabi ko ba sayo, ano gagawin mo?" Sinserong sagot niya sakin.

"Kung sasabihin mo, siguro may magagawa ako. Ano ba kasi yun?" Sagot ko sa kanya.

"Wala 'to By." Sagot niya sakin habang binalik ang paningin sa paa ako. Nung nakita niya okay na tsaka niya niligpit yung mga ginamit niya at tumayo.

"Kung sakali naman may magugustuhan ka 'By kung pwede lang, wag na si Kuya. Basta ayoko, kalimutan mo nalang yung sinabi kong ilalakad kita sa kanya kasi . . . " Pahina ng pahina yung boses niya habang pabalik siya sa maliit na cabinet.

Di na ako nagsalita. Di ako sanay na ganyan siya. Walang sa mood, masungit at seryoso. Mas madalas kasi siyang nagkukwento saming dalawa. Kaya parang naninibago ako ngayon sa kanya.

"Kaya mo ba maglakad?" Tanong niya sakin.

"Oo naman. Sugat lang naman yan." Tumayo ako pero inalalayan niya pa rin ako.

"Kung sakaling di mo mapigilan na talagang magkagusto sa Kuya ko. Pwede bang layuan mo nalang ako?" Seryoso ba siya!? Sarap niyang sapakin ngayon!

Tumingin ako sa kanya ng diretso. Bumuntong hininga muna ko bago magsalita.

"Hoy! Abnormal ka ba talaga ha!?" Naiinis na kasi talaga ako sa pinagsasabi niya e.

"Seryoso ako 'By."

"Kung ganon nga, di ka lang abnormal. Tanga ka pa." Tumalikod ako sa kanya at mag-isang bumalik sa sala.

Pagdating ko dun nakita kong tulog pa rin si Kuya Xander. Kaya kinuha ko nalang yung gamit, dumiretso ako sa garden kaya nakita ko dun si tita.

"Tita uwi na po ako." Paalam ko kay tita. Nakakabadtrip lang lalo pagnagtagal pa ko dito.

"Ang aga pa hija. Bakit uuwi kana?" Tanong ni tita.

"Kasi po hinahanap na ko nila Mama at Papa. May pupuntahan daw po kasi kami." Sagot ko sa kanya.

"Ganon ba? O sige mag-iingat ka ha. Hatid na kita sa labas." Alok sakin si ni Tita.

"Wag na po. Okay lang po." Ngumiti ako sa kanya at tumango siya. Tuluyan na kong tumalikod at nagsimulang maglakad palabas.

Di ko na pinansin kung na saan si Adrian o si Kuya Xander basta tuloy tuloy lang akong lumabas ng bahay.

Naglakad lakad nalang ako kaysa sumakay pa para makapag-isip na rin. Malapit lang naman ang gate ng subdivision nila Adrian sa bahay nila.

"Di ko alam kung anong kinakagalit mong panget ka! Ang sungit mo! Kala mo naman kinagwapo mo yung pagsusungit mo na yan!" Inis kong sigaw sa sarili ko. Wala naman nakakarinig kaya okay lang.

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon