Chapter 23

6 0 0
                                    

Danikka's POV

"Saan po pinulot tong mga kakornihan mo ngayong gabi?" Natatawang tanong ko kay Adrian habang patuloy ang paglalakad namin sa pababa sa hagdan hanggang sa makarating sa madilim na parte ng di naman makitang Bulkang Taal.

"Sayang ang view. Bakit kasi gabi? Edi sana nakita natin yung view dito Busnog!" Hinampas ko si Adrian pero hindi naman ito ganun kalakas. Baka mamayang matanggal baga niyan. Hahahaha!

"Ang pinaka magandang view 'By ay nakikita ko ngayon . . ." Dahil tumigil si Adrian sa pagsasalita ay napabaling ako sa kanya.

Nakatingin siya sakin habang nakangiti na parang akala mo nakakita ng napakagandang anghel. Joke! Hahahaha!

"I la-view you ganun ba? Ganun ba yun ha?" Dutdot ko ng mukha ko sa mukha niya.

Tumawa siya. "Di pa nga tayo, nag-I love you kana agad. Hintayin mo munang tanungin kita 'By masyado ka naman nagmamadali e."

"Ewan ko sayo!" Nauna akong maglakad sa kanya. Inatake na naman ng pagiging loko.

"Ano ba yan 'By! Pag ikaw nga nang-aasar di kita ginaganyan! 'By! Isabay mo ko 'By!" Sigaw pa ng sigaw kala mo di kami magkakarinigan dito. Naku!

Dahil sa pagmamadali kong maglakad huli ko na napansin na madilim na yung nilalakaran ko.

Tumingin ako sa likuran para makita kung nakasunod pa ba si Adrian. Pero wala akong makita. Di ako sanay ng ganito kadilim lalo na di ko naman alam kung san papunta tong nilalakaran ko. Buti nalang dala ko yung phone ko.

Message from Maanpots

Just stay where you are :) try to smile bes!

Ano daw? Nasan ba sila?

Biglang may pa unti unting lumalakas na tugto. Isa sa mga paborito kong kanta.

🎶 Would you dance if i ask you to dance. Would you run and never look back. Would you cry if you saw me crying. Would save my soul tonight 🎶

Unti unti ay umiilaw ang paligid. Napapalibutan ng mga lobo na may iba't iba hugis. Masyadong maraming kakornihan. Yan lang ang naiisip ko matapos tignan lahat ng dekorasyon sa paligid ko.

"May I have this dance?" Kilala ko ang boses na to.

"Mukhang nakamove on kana sa pagiging waiter." Sabi ko sa kanya at parehas kaming tumawa.

"Gwapo rin naman ako pag na damitan Ikay." Inabot ko sa kanya ang kamay ko.

Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya habang ang kamay niya ay nilagay niya sa bewang ko. Napangiwi ako sa ginawa niya, nakaka-ilang.

"Mabilis lang to Ikay. Di rin pwedeng tumagal ang kamay ko dyan. Mabubugbog ako nung Busnog mo." Tumawa siya. Kaya hinayaan ko nalang at pinilit maging komportable

🎶I can be your hero baby. I can kiss away the pain. I can stand by you forever. You can take my breath away🎶

"Salamat." Sabi ni Mark sakin.

"Bakit?" Ngunot noo kong tanong sa kanya.

"Para sa tropa ko." Ngumiti siya na parang may naaalala. "Hindi ko matandaan kung kailan siya naging ganito o nagkaroon ba ng pagkakataon na may ginawa siya ganito sa babae. Nakakapanibago pero nakakatuwa lang isipin."

"Di ako sanay sa ganito. Masyadong babae. Pero aaminin ko, siya lang din nagparamdam sakin na pwede palang maging ganito, posible palang may magkagusto sakin." Nangingiti kong paliwanag kay Mark.

"Parehas niyo palang first time. Nice!"

"Ikaw ba? Nagawa niyo na ba ni Maan to dati?" Alam ko naman meron din something sa kanila ni Maan, noon pa man.

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon