3 months
Sa loob ng tatlong buwan. Feeling ko kilalang kilala ko na siya, araw araw ba naman magkasama! Hehehe. Tapos pinakilala niya pa ako sa parents niya, syempre bilang bestfriend! Hahaha. Grabe! Sobrang bait ng Mama niya, ayaw nga siyang payagan sana magscholar kase kaya naman nung Mama at Papa niya yung tuition niya. Nakilala ko rin yung kuya niya, Ang gwapoooo! ^___^ tapos mabait, very responsible na anak at kapatid, Ideal man in short ^___^
Halos di ko na nakakasama si Maan. Busy kase sa Drama Club niya, kinarir niya eh! Hihihi. Kaya mas lagi kong kasama si Adrian. Para nga siyang Tatay, Kuya, Bestfriend, lahat na ata maliban sa boyfriend. Bawal pa kasi eh, ayaw pa nila Mama at Papa. Yun kase ang usapan, kailangan muna makatapos bago magboyfriend. Muntikan na nga nilang mapagkamalan si Adrian na boyfriend ko nung una ko siya pinakilala kay Mama at Papa.
"Ma, Pa. Si Adrian po bestfriend ko."
*hingang maluwag* mukhang kinabahan si Mama at Papa "Akala naming boyfriend muna eh. Taga S.J.U. ka rin ba Hijo?"
"Opo Sir"
"Tito nalang itawag mo sakin." Nakangiti si Papa, ibig sabihin ok sa kanya si Adrian ^__^
"Sige po tito"
"Ngayon palang yan nagkaron ng kaibigan na lalaki. Maton kase yan kaya natatakot lahat ng lalaki lumapit dyan eh"
"Papa naman eh!"
"Biro lang. Pero hijo bantayan mo yung unica hija ko ha baka magpaligaw. Bawal pa yan magboyfriend, kailangan niya muna makatapos."
"Opo tito."
*End of Flashback*
"Uy "By ano ba iniisip mo ha? Lalaki ba yan ha?!"
Hay naku! Simula ng sabihan siya ni Papa bantayan ako talagang pinanindigan niya. Hanggang sa isip ata.
"Sira! Naalala ko lang nung pinakilala kita kay Mama at Papa"
"Ah yung sinabi nilang maton ka daw dati HAHAHAHA" Maloko talaga!
"Sige Busnog mang asar ka pa!"
"Ay hindi na po baby ko." Sabay kurot sa pisngi ko.
Ganito lagi eksena namin. Tatambay sa canteen, mag-aasaran, harutan (yung mild lang, wag lagyan ng malisya hehehe). Nakakasanay pala yung ganito, pakiramdam ko tuloy napaka special ko sa kanya. Sabi nga ng mga kaibigan ako palang daw yung babaeng kinukulit, yun bang hindi mabubuo araw namin hanggat di kami magkasama na dalawa. Sinasabi nila baka nga raw kami kase minsan di na daw pang bestfriend yung sweetness namin. DUH! Di nga ako marunong ng ganun eh hehe.
"Baby ko may kasalanan ako sayo"
"Ano na naman yun Busnog?"
"Kasi may babaeng humahabol sakin eh!"
"Hayaan mo nalang. Mapapagod din yan"
"Hindi 'By! Iba to eh!"
"O sige kalma lang Busnog"
"Ganito kasi yun. Hinatid ko siya sa bahay nila nung na lasing siya sa party ng pinsan ko. Akala niya kami."
"Ganun lang? Imposible naman isipin niya bigla na kayo kung hinatid mo lang siya"
"Hinalikan ko kase siya sa pisngi 'By"
O___O *slap* hinampas ko nga braso niya. " Aray ko naman 'By!"
"Ba't mo ginawa yun!? Ang harot mo talaga!"
"Eh alam mo naman na ganun din ginawa ko sayo diba? Eh kaso huli ko na naisip na di na nga pala effective yun"
"Palusot ka pa! Gusto mo rin kase eh! Sarap mong pektusan alam mo ba yun ha!" naiinis na talaga ako! Hindi nalang kase makuntento sakin. HAHAHA syempre joke yun
"Last nay un 'By promise. Di na po ako magiging mabait sa iba, sayo nalang." Pacute pa more! Oo na ako hehe
"..."
"Please 'By sige na." aba! Nagpacute nga hahaha
"Oo na sige na! Ganun din naman mangungulit ka"
"hehehe mahal mo talaga ako nuh Baby ko!" ang cute niya ngumiti. Kaya lalo akong ... wag na nga muna
"Ayaw mo? Pwede ko pa naman bawiin eh."
"Naman eh! Alam mo naman sayo lang ako ganyan eh" sabay kurot sa pisngi ko "hehehe ang swerte ko talaga sa Baby ko" tapos nilapit niya mukha niya sakin habang nakangiti
*dub*
*dub*
*dub*
*dub*
*dub*
Hala! Ano yun?
*dub*
*dub*
*dub*
*dub*
*dub*
Bakit kinakabahan ako? Naku! Iba na ata tong nararamdaman ko eh. Inlove na ata ako sa bestfriend ko! Hindi pwede! Erase! Erase!
"'By!"
"Ano?"
"Bigla kang natulala dyan eh. O bat namumula ka?"
"Ahh wala! Mainit kase. Teka! Ano bang plano busnog?"
BINABASA MO ANG
Love at First Punch (On going)
Teen FictionNormal lang naman siguro na kiligin ka matapos kang halikan ng isang gwapong lalaki .. Pero normal din ba yung hinalikan ka tapos bigla mong sinuntok ! hahaha ang malala pa dun, simula nun kinukulit kana niya! Dapat bang pagbigyan ang friendship na...