Chapter 24

2 0 0
                                    

Danikka's POV

Nung lumayo si Adrian at kunin sa bulsa ang isang maliit na kahon, parang tumigil ang mundo ko. Ang init ng pakiramdam ko na parang lulutang ako na hindi ko maintindihan dahil sa nakikita ko sa kanya. Naku Adrian! Aamin lang naman pero napakaraming pasabog! Wala ka ba talagang maisip sa lagay na yan?

Napalunok ako nung tumitig siya sa mata ko. Parang akong hinihipnotismo ng mata niya palapit sa kanya. Ngunit hindi ko magawang ihakbang ang paa ko dahil hindi ako makakilos kapag nakikita ko ang yung napakagandang ngiti niya. Mas masarap titigan sa malayuan dahil mas makikita ko yung reaksyon ng buong mukha niya.

"Uy 'By okay ka lang ba?" Tawag sakin ni Adrian.

"O-Oo n-n-naman." Nu ba yan! Nauutal ako!

"Bakit na uutal ka 'By?" Tuluyan na siyang nakalapit sakin at hinawakan ang kamay ko. "Bakit pinagpapawisan ka 'By? Wala naman akong gagawin sayo." Natatawang sabi niya sakin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nag-umpisa na yung kaba ko. Bweset! Dami kasing paliguy-ligoy nito!

"Tumingin ka sakin 'By." Di pa rin ako nag-angat ng tingin. "Sige na 'By pls!" Wala talagang kupas ang kakulitan nitong lalaking to.

Tumingin ako sa kanya, nararamdaman ko pa rin ang kaba ko. Sana bilisan niya na yung mga ganitong eksena.

Nilagay niya sa palad ko yung maliit na kahon na hawak niya. Napatingin ako dun at tsaka tumingin sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Bubuksan mo 'By!" Napanguso na naman siya. "Di ako romantic tapos di ka sweet. Bagay talaga tayo." Sarkastikong tono niya.

"Ganun ako e!"

"Oo na sige na buksan mo na yan."

Hinawakan ko yung takip kahon, akmang bubuksan ko ito nang . . .

"Ano ba Adrian? Patay bukas yung ilaw dito! Nakakainis na ha!"

"Shh nandito ako sa tabi mo. Tumingin ka sa langit."

Kahit naiinis pa ako, sumunod nalang ako sa sinabi niya. Daming paandar! Daming pautot!

Biglang lumiwanag ang kalangitan. Fireworks. Isa sa mga gusto kong nakikita sa gabi.

"Ganda ng ngiti mo." Sabi niya sakin. Pero nakatingin pa rin ako sa kalangitan.

"Alam mo parang ikaw yung fireworks sa buhay ko."

Di ako sumagot, hinayaan ko lang ang mata ko mabusog sa mga liwanag na nakikita ko.

"Ikaw yung nagbigay liwanag sa madilim kong mundo tapos may bonus pang kulay diba?" Tawa siya ng tawa. Nakornihan din siguro sa mga pinagsasabi niya.

Tumingin ako sa kanya habang binubuksan ang nasa maliit na kahon. Tulad ng inaasahan ko isa itong singsing. Kinuha ko ito ngunit napansin kong may nakasabit dito.

"Sa ngayon yung singsing na to ay magiging kwintas muna sayo 'By." Kinuha niya sakin ang singsing. Pumunta siya sa likuran ko nilagay sa leeg ko ang kwintas.

Nung makabalik siya sa harapan ko dun natapos ang fireworks. Dumilim ulit ang paligid pero pagkakataong to may nakikita akong liwanag na nagmumula sa kwintas ko.

"Ano to? Bakit glow in the dark?" Tanong ko kay Busnog.

"Para kahit madilim di ka matatakot. Parang kasama mo na rin ako kapag suot mo yung kwintas na yan."

"Dami mong alam. Meron ka pa bang pasabog maliban dito?"

Biglang umilaw ang paligid, dun ko napansin na nandyan na yung mga kaibigan niya at si Maan. May mga bitbit sila di ko alam kung ano.

"Danikka." Tawag sakin ni Busnog. "Nabasa mo yung nasa itaas kanina diba? Gusto mo bang malaman yung kasunod nun?"

Nginitian ko lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Titigan niya ko ng matagal bago nagsalita.

"Can you be my girlfriend?"

"Ayieeeeee!" Si Kevin.

"Sagutin mo na Ikay." Si Mark

"Bes! Na sayo na ang blessings ko!" Si Maan.

Eto lang naman yung tanong na hinihintay ko e. Magpapakipot pa ba ako? Hehehehe.

"Ewan bakit kailanga tumagal pa nh tatlong oras palang marinig ko yung tanong mo na yan." Pang-aasar ko sa kanya. "Sino ba naman ako para tumanggi sa isang gwapong nilalang na kagaya mo----"

Di ko na natuloy sinasabi ko. Niyakap na niya ko ng mahigpit parang akala mo daig pang nananalo sa lotto. Tsk.

"You dont know how happy am I! Napakaswerte ko! Thank you 'By! I will take care of you I promise." Sigaw niya sa tenga ko.

"Teka nga. Umiiyak ka ba? Ano ba yan? Di ba dapat ako yun?" Nakakatawa talaga tong lalaking to e.

"Hey bro! Stop crying. Para kang bading." Si Kevin habanh tinatapik tapik yung likod ni Busnog.

Kumalas na siya ng pagkakayakap sakin at agad sinuntok ng mahina si Kevin sa balikat. "Tol! Alam niyo naman na tagal tagal kong tinago to. Syempre di ko inexpect na mahalin din ako nitong babaeng sumapak sakin."

"Congrats! Im so happy for the both of you." Niyakap ako ni Maan. Alam ko isa talaga siya sa pinakamasayang tao ngayon dahil ang bestfriend niya ganap ng dalaga. Hahahaha!

"Adrian alagaan mo to si Ikay ha. Pag eto pinaiyak mo! Ni kahit anino niya di ko talaga ipapakita sayo!" Kabaliwan rin talaga ng babaeng to.

"Takot ko lang sayo. Pero mas takot dyan." Turo sakin ni Busnog. Aakmang hahampasin ko sana kaso umiwas. "Kita muna? Mananakita na oh. Pero takot talaga dyan. Takot ako mawala siya."

Oo na! Kinilig na ko!

"Tara na umuwi. Ilang oras na kaminh nilalamok dito para lang sa pag-amin mo! Lang ya ka! Ang gastos mo!" Si Kevin.

"Malaki ba ginastos niya dito?" Tanong ko kay Kevin.

"Oo! Kaya Ikay dapat pinahirapan mo pa lalo! Parang bago mo sagutin ubusin mo muna yung yabang este yaman nito!"

"Loko ka! Lika nga dito!" Si Busnog. Ayun na naghabulan ang magbestfriend.

"Dami talaga kalokohan ng dalawang yun. Let me help you Ikay." Inalalayan ako ni Mark paakyat sa hagdan.

"Siya lang? Aba! Ako ang date mo baka nakakalimutan mo." Si Maan.

"Im sorry. Eto na oh." Inabot naman ni Mark yung isang kamay niya kay Maan.

"Arte mong bruha ka." Sigaw ko kay Maan.

"Ay te di ko kasalanan kung yung boyfriend mo nilayasan ka. Hmp!" Pagtataray niya sakin.

"Ah ganon ha. Edi sige aakyat ako mag isa. Wag na wag kang magpapatulong sakin sa mga research mo ha."

"Eto naman si bes jinijoke lang." Binitawan niya yung kamay ni Mark. Pumunta sa gilid ko at kinawit ang kamay niya sa braso ko.

"Oh eto na Bes oh gusto mo buhatin pa kita para di ka mapagod. Keri ko yon!" Hinampas ko nalang braso niya.

"Ang kulit niyo nu. Para kayong bata." Sabi ni Mark samin.

"Kasi we're bestfriend kaya ganun!" Sagot ni Maan.

Nagtuloy tuloy kami maglakad hanggang sa makarating sa kotse. Iisang kotse lang ang dala nila, mukhang kasya naman kami.

"Now that you are officially in a relationship. Kailan niyo naman sasabihin sa parents niyo?" Si Mark.

Natigilan ako sa tanong ni Mark. Oo nga, kailan ba? Hays.

*********************************************************************************************************************

Not feeling well ang katawan, puso at isip.

Nakakaumay lang. But anyways, enjoy nalang story medyo OA. Wala e perstaym. Hahahaha.

LoveLoveLove,
Otor

Love at First Punch (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon