CHAPTER 1: She’s the Celti
Si Audrey, isang celti, at si Julian, isang rider, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga pixer, mga armadong creature na kapag namatay ay nagvavanish na lamang. Madaling dumami ang kanilang bilang. Ang kanilang master mind (amo) ay si Abraham, ang prinsipe ng mga pixer at ninanais patayin lahat ng mga celti at rider. Kaya nga naman para sa mga celti na kagaya ni Audrey at rider na gaya ni Julian, kailangan nilang lumaban upang mabuhay.
‘‘Halika na Audrey! Masiyado na silang marami para patayin natin!’’ sigaw ni Julian.
‘‘Ano ba Julian!? Kayang kaya nating patayin tong mga walang utak na pixers na to!’’ sigaw naman pabalik ni Audrey habang patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga pixers.
‘‘Wag muna yang galit mo ang pairalin mo pwede?! Malamang sa malamang, hindi mo mapapatay si Abraham kapag patay ka na! Ikaw na lang ang natitirang celti ano ba!’’ at patakbo naman siyang lumapit sa big bike niya.
‘‘Ang dami mong satsat! Istart mo na yang big bike para makaalis na tayo!’’ padabog na takbo ni Audrey para makahabol kay Julian.
‘‘Sakay ka na!’’
At humarurot na nga ang big bike ng rider at dumiretso sa kanilang safe house. Bagsak ang mga balikat nina Audrey at Julian. Bakas sa mukha nila ang pagod at dismaya sa isa’t isa.
‘‘Audrey sa susunod mag-ingat ka naman pwede?’’ habang binababa ni Julian ang mga gamit niya.
‘‘Nag-iingat naman ako ah? Di sana patay na ako ngayon kung hindi.’’ Sarkastikong sumbat ni Audrey na naupo naman sa sofa.
‘‘Mag-aaway na naman ba tayo?’’ at napataas ang isang kilay nito kay Audrey.
‘‘Ewan ko sayo! Kanina mo pa ako sinisigawan.’’ Sigaw ni Audrey.
‘‘Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Mapapagalitan ako neto kay Gian.’’ Sabay kamot sa batok niya at sinimulan ng ayusin ang mga gamit niya.
‘‘Di wag mong sabihin kay Gian.’’ At sumimangot siya. Naalala niya si Gian.
‘‘Pag namatay ka tingin mo anong dapat kong sabihin?’’ tiningnan niya si Audrey na nakabusangot pa rin.
‘‘OA mo buhay pa ako eh.’’ Pagsusumbat niya ngunit hindi niya nililingon ang binata.
‘‘Hay nako. Ewan ko sayo Audrey. Eto na.Iinject mo na yan sa katawan mo. Para madaling gumaling ang mga sugat mo.’’ At inabot niya ang syringe na nakalagay sa first aid kit nila sa sala.
‘‘Salamat. Kaw din.’’ Yun na lamang ang tanging nasabi ng dalaga.
Biglang nagring ang phone ni Audrey. Si Julian ang sumagot.
‘‘Hello?’’
(‘‘Julian? Asan si Audrey?’’)
‘‘Uii Gian! Kaw pala. Sandali nag-iinject siya eh.’’
(‘‘Kamusta naman na siya? Matigas pa rin ba ang ulo?’’)
‘‘Haha! Oo! Di pa rin nagbabago!’’
‘‘Sino yan?’’ tanong ni Audrey habang nag-iinject.
‘‘Si Gian.’’ Sagot naman ni Julian.
‘‘Ami na nga.’’ At hinablot ni Audrey ang phone mula kay Julian.
‘‘Gian! Kelan ka ba babalik dito?’’
(‘‘Kelan ka ba matutong makinig sa ibang tao?’’)
‘‘Halla. Ano bang sinabi ni Julian sayo?’’
(‘‘Audrey, wala siyang sinabi.’’)
‘‘Sinungaling. Ano nga?’’
(‘‘Kung gusto mo talagang mapatay si Abraham, pwes matuto kang makinig. Partners kayo ni Julian. Alam mo yan. Kahit na matapos ang misyon niyo, kayo pa rin ang magkakasama kasi un ang tadhana niyo.’’)
‘‘Ayoko namang mapangasawa si Julian noh!’’
‘‘Edi lalo naman ako! Ayoko sa babaeng matigas ang ulo!’’ pasigaw naman na sumbat ni Julian. Nag-iinject kasi siya.
(‘‘O yan mag-aaway na naman kayo. Hay nako Audrey.’’)
‘‘Gian, To naman. Sorry. Di na ako uulit.’’
(‘‘Pang pitumput isa mo ng di na ako uulit yan Audrey. Wala pa ring nangyayari.’’)
‘‘Halla. Sorry na Gian. Sorry na panget. Panget panget mo na nga nagagalit ka pa. Lalo kang papanget niyan.’’
(‘‘Sus! Nanlambing pa. Lang ya ka panget! Nilait mo pa ako.’’)
‘‘Joke lang talaga un panget. Sorry na ha?’’
(‘‘Sige na nga. Pasalamat ka mahal kita huh.’’)
‘‘Haha! Thank you panget!’’
(‘‘Sige panget. May gagawin pa ako. Ingat ka lagi. Wag pasaway. Wag matigas ang ulo. I love you panget.’’)
‘‘I love you panget kong bespren. Ikaw din ingat lagi.’’
Tut...tut...tut...
‘‘Makailoveyou ka naman wagas.’’ Pambabara ni Julian.
‘‘Selos ka noh?’’ at ngumiti siya ng nakakaloko.
‘‘Haha! Tanga! Hindi noh!’’ at tumawa ng malakas si Julian sabay iwas ng tingin kay Audrey.
‘‘Makatanga ka naman wagas! Lang ya ka!’’ At binatukan niya si Julian. Napahawak naman sa batok si Julian at sumimangot.
‘‘Wow ha! Pasalamat ka babae ka kung hindi...’’ pagtitimpi niyang sabi.
‘‘Kung hindi ano!?’’ maangas na angal ni Audrey.
‘‘Sinapak na sana kita.’’ At nagtitimpi pa rin siya.
‘‘Isusumbong naman kita sa bespren ko. :þ’’ at inilabas naman niya ang dila niya parang isang bata.
‘‘Sus. Bespren ka jan.’’ At naglakad papuntang kusina si Julian.
‘‘Talaga naman. Bespren ko siya.’’
‘‘Oo na. Matutulog lang ako. Sakit ng katawan ko e.’’
‘‘Ilalagay ko na lang sa ref ung pagkain mo kapag.’’
‘‘Bakit? Saan ka pupunta?’’ at nilingon niya si Audrey. Nakakunot ang noo niya ngayon.
‘‘Huh? Wala. Manonood ng TV.’’ Anong trip neto? Mukha ba akong lalabas ng bahay!? Tsk. Sabi ni Audrey sa sarili.
‘‘Wag kang pasaway ha.’’ Mag pagbabanta sa boses ni Julian.
‘‘Oo. Anyan.’’
Natulog nga si Julian. Si Audrey naman, kumain muna. Pagkatapos nun ay pumunta siya sa sala at nanood muna ng TV habang pinupunasan ng tissue ang dalawang matatalim na espada niya. Ang mga malaWolverine’ng armas niya sa kamay at ang dalawang baril niya na hindi nauubusan ng bala at pawang mga nagliliyab ng kulay asul na bala lamang ang lumalabas dito. Inilabas niya rin ang mga pakpak niya na gradient blue and white sa kaliwa at gradient black and white sa kanan. Chinecheck niya kung may bali ang pakpak niya at magpapatulong siyang gamutin ito kay Julian. Buti na lang at wala naman. Biglang nagbeep ang kanyang Unknown Creature Locator (UCL). Kulay grey ang nakikita niya sa kanyang UCL kaya malamang sumasalakay ang mga pixer. Dali-daling nagpalit ng damit si Audrey. Inilagay niya ang kanyang mga baril sa likuran. Ipinasok ang mga espada sa loob ng kanyang pulso sa dalawang kamay. Ipinasok niya rin ang mga malaWolverine’ng armas sa pagitan ng kanyang mga daliri. Ang mga armas niyang ito ay nakatago sa loob ng kanyang katawan. Hindi na niya ginising si Julian dahil malamang papagalitan na naman niya ito ng susugod sa isang malayong lugar. Ginamit niya ang mga pakpak niya upang makarating sa lugar na iyon.
© InfiniteKim 2013
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...