CHAPTER 7: Uh-Oh... What happened??
Biglang dumating si Julian...nakapiggy back si Audrey sa kanya. Parehong sugatan at duguan.
‘‘Gio, tulong naman.’’ Pagmamakaawa ni Julian.
‘‘Anong nangyari?’’ nag-aalalang tanong ni Gio. Kinuha na niya ang mga buhat na mini-maleta ni Julian.
‘‘Saka na lang namin siguro sasabihin. Sa ngayon, tulungan mo muna kami please.’’ Nagmamakaawa pa rin ang tono ng boses niya.
‘‘Ako din tutulong na. Ano bang gagawin?’’ seryosong sabi ni Kyle.
‘‘Dito na sa kwarto ko.’’ At inilahad ni Gio ang daan papunta sa kanyang kwarto.
Ihiniga ni Julian si Audrey sa kama ni Gio. Nawalan na siya malay-tao. Mga robopixers kasi ang nakalaban nila ni Julian. Hindi kinaya ng katawan ni Audrey lahat ng mga robopixers dahil sa limang daan lang naman ang ipinadala ni Abraham para patayin sila. Napatay naman nilang lahat ang limang daan na yun, pero bumagsak na ang katawan ni Audrey. Hinanap ni Julian ang bahay ni Gio at doon nagpatulong.
‘‘Ano ang mga kailangan? Sabihin mo na sakin para madala ko na.’’ pag-aalala ni Gio.
‘‘Magpainit ka ng tubig. Bigyan mo ako ng hanger na ung metal, ung hindi plastik. Tapos bimpo. Okay na ako dun.’’ Sabi ni Julian habang ihinihiga si Audrey sa kama.
Ibinigay naman ni Gio at Kyle lahat ng kailangan ni Julian. Inopen ni Julian ang isa sa mga maletang dala nila. Kinuha niya ang isang bote ng distilled water at inilagay niya sa isang supot. Tinupi niya ang hanger at gumawa ng pagsasabitan dito sabay sabit na rin sa hanger ang distilled water na nasa supot. Ikinonek niya ang supot sa isang mahaba ngunit makipot na tube. Gumawa siya ng improvised dextrose para ikabit niya kay Audrey para mapaginjectan niya ng gamot. Ngunit bago niya ikinabit ang dextrose kay Audrey, kinuha niya ang isang injection sa pocket ni Audrey at nilagyan ng fluid mula sa maleta. Ininject niya kay Audrey un at pagkatapos ikinabit na niya kay Audrey ang dextrose.
‘‘Ano ung ininject mo sa kanya?’’ takang tanong naman ni Kyle habang pinapanood si Julian.
‘‘Saka niyo na malalaman. Asan na ung mainit na tubig?’’ at iniikot nito ang paningin. Sakto naman papasok na si Gio.
‘‘Heto na.’’ sabi ni Gio sabay abot kay Julian.
Tinanggal ni Julian ang damit ni Audrey.
‘‘Pare anong ginagawa mo? Alam kong walang malay ngayon si Aubrey, pero hindi ibig sabihin nun na pagnanasaan mo na siya!’’ pasigaw na sabi ni Kyle.
‘‘Pare ang tanga mo! Audrey hindi Aubrey! Tsaka hindi ko siya pinagnanasaan gago! Lilinisan ko ung katawan niya. Duguan o!’’ tiningnan niya ng masama si Kyle habang itinuturo ang duguang katawan ni Audrey.
‘‘Aii sorry naman.’’ Sabi ni Kyle.
Pinanood na lamang ni Gio at Kyle ang paglilinis na ginagawa ni Julian. Humingi siya ng extrang damit kay Gio para kay Audrey at iyon ang ipinandamit niya. Pagkatapos linisan ang upper body niya, nilinisan naman niya ang mga paa niya. Ng nagawa niya ito ay hinalikan niya sa noo si Audrey.
‘‘Pagaling ka Audrey ha? Liligo lang ako.’’ At naligo na nga muna si Julian. Lumabas muna sina Kyle at Gio.
‘‘Pare talo ka na. Haha.’’ pang-aasar ni Kyle kay Gio.
‘‘Ewan ko sayo. Ano kayang nangyari kay Audrey nuh? Duguan naman na siya.’’ Nagtatakang tanong ni Gio.
‘‘Ipapaliwanag naman nila siguro lahat pagkagising ni Audrey di ba?’’ sumeryoso ang mukha ni Kyle.
‘‘Tsaka bakit hindi natin dinala sa medicare si Audrey. Mas madali naman siya sigurong gagaling dun diba?’’ hanggang ngayon ay wala siyang kaide-ideya.
‘‘Eh kaya namang gawin ni Julian ung ginagawa sa loob ng ospital e. Kumpleto sila sa gamit di mo ba nakita? Nakagawa siya ng dextrose sa pamamagitan ng simpleng kagamitan lang sa loob ng isang bahay.’’ Sabi ni Kyle.
‘‘Eh kahit na siguro pare. Iba pa rin ung nasa ospital siya. Mas madali siyang gagaling dun.’’ Pangongontra ni Gio.
‘‘Bat ba sobra kang concerned kay Audrey ha? You like her don’t you?’’ mausisang tanong ni Kyle.
‘‘Yes, I like her.’’
‘‘God bless na lang pare.’’
‘‘O bakit naman un?’’ nagtatakang tanong ni Gio.
‘‘Wala kang binatbat dun sa Julian e. Mukhang may gusto rin siya kay Audrey.’’ Sabi niya sabay tawa.
‘‘Eh ano ngayon?’’
‘‘Wala lang. Haha.’’
© InfiniteKim 2013

BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...