CHAPTER 19: We Are Leaving

9 0 0
                                    

CHAPTER 19: We Are Leaving

            Samantala...

‘‘Nahanap niyo na ba ang celti at rider?’’ tanong ni Abraham sa mga alipores niya.

‘‘Ipagpaumanhin niyo po mahal na prinsipe ngunit hindi pa.’’ Sagot naman ni Martin.

‘‘Ano!? Isang buwan mahigit ko na silang pinapahanap ah! Bakit wala pa rin?’’ galit na tanong ni Abraham.

‘‘Sa mga nakalipas na araw ay hindi sila nagiging aktibo mahal na prinsipe. Kaya naman hindi namin sila matrack. Nasa pagiging tao sila ngayon.’’ Sagot uli ni Martin.

‘‘Eh ang mga pinapagawa nating mga bagong pixers, kamusta na?’’ tanong muli ng The Great Abraham Lincoln? De, joke lang. Hehe. The Great Abraham Pixer pala.

‘‘Kasalukuyan pa lamang po silang ginagawa. Ginagawa po namin ang lahat para masigurong sila ay malalakas at hindi matatalo ng celti at rider. Tatawagin po natin itong megapixers.’’ – Martin

‘‘Mabuti kung ganun. Sa ngayon, gawin muna nating kampante ang celti at rider. Huwag muna kayong magpapadala ng pixers. Gumawa kayo ng libo libong pixers at robopixers. Pati na rin ang megapixers. Para sa muli at huling pagkikita, mamatay na sila. At haharapin na natin sila.’’ At ngingiti-ngiting sambit ni Abraham.

‘‘Lalabanan na natin ang celti at rider aking mahal?’’ at sino pa nga ba? Ang malanding si Liza.

‘‘Oo. Sapat na ang mga araw na nag-ensayo tayo para matalo ang celti at rider.’’ Sagot naman ni Abraham.

            Huling araw ng pagpapagaling ni Audrey. Nagsimula na silang magimpake ni Julian. Pinapanood na lang ni Gio at Kyle ang pag-iimpake nilang dalawa.

‘‘Kelan alis niyo Audrey?’’ Malungkot ang tono ng boses ni Gio.

‘‘Bukas na bukas din Gio.’’ At hindi na niya tiningnan ito. Baka maluha kasi siya e.

‘‘Kelangan naming umalis agad dito eh. Sigurado akong kapag natapos na ang araw na to, malalaman na nila Abraham kung nasan kami. Mawawala na ung kumbaga shield namin para hindi kami mahanap.’’ Pagpapaliwanag naman ni Julian.

‘‘Eh pano yan? Di hindi na uli tayo magkakasama?’’ malungkot na sabi ni Kyle. Bakas sa mga mata niya ito. Sa loob ng dalawang buwan na nakasama ito nina Julian at Audrey, ngayon lamang nila nakita ang kalungkutang ganito sa dalawa nilang kaibigan.

‘‘Magkikita pa rin naman tayo. Pagkatapos ng gulong ito.’’ Sabi ni Audrey. Ngayon, tiningnan niya ang dalawa.

‘‘After 5 years din ba? Eh di ba 5 years na kayong ganyan?’’ tanong ni Gio. Onti na lang ay maluluha na talaga siya.

‘‘Hindi pa namin alam. Ayaw lang namin kayong madamay. Gaya ng nangyari sa mga magulang ni Audrey. Mahirap na kasi.’’ Malungkot na saad ni Julian.

‘‘Magkikita pa tayo. Huwag kayong mag-alala.’’ At binigyan niya ito ng mga ngiting napakatamis.

‘‘Bakit si Gio may souvenir sayo? Ako wala.’’ Kunwari’y pagtatampo ni Kyle kay Audrey.

‘‘Haha. Un bang rosas kay Gio.’’ Tumingin siya kay Gio. Tapos tumingin uli kay Kyle. Kinuha niya ung kwintas niyang may nakasabit na letter A.

‘‘Oh, etong kwintas na to ang ibibigay ko sayo. Ingatan mo yan ha?’’ at nginitian niya si Kyle habang isinusuot ito sa kanya. Ang kwintas kasing iyon ay pwede sa lalaki o babae. In short, unisex.

‘‘Talaga? :D akin na to ah. Wala ng bawian.’’ At para siyang batang nabigyan ng candy pagkatapos ibully. Sabay tingin kay Gio.

‘‘Ano na namang tinitingin tingin mo jan ha? >____________>’’ pagsusungit ni Gio sa kanya.

‘‘Inggit ka noh? :P mas maganda kasi tong bigay sakin ni Audrey. Haha.’’ pang-aasar naman ni Kyle. Natuwa naman si Audrey sa nakita. Nakangiti na uli sila.

‘‘Haha. Hayaan niyo na. Parehong importante yang mga binigay niya senyo.’’ Pang-aawat ni Julian at baka magsapakan na ang dalawa.

Ayokong iwan ang mga kaibigan ko. Baka madali sila ni Abraham. Mahirap na. Sabi ni Audrey sa isip isip niya.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon