CHAPTER 24: The Battle
Biglang lumabas ang mga pixers. Nagsimula ng maghiyawan ang mga pixelates. Naging celti at rider naman na sina Audrey at Julian. Gamit ngayon ni Audrey ang mga baril niya. Libo libong pixers ang nasa harapan nila ngayon at hindi nila alam kung paano papatayin ang mga ito. Lumipad si Audrey at nagsimulang barilin ang mga pixers. Si Julian naman, ginamit ang kadena sa pagpatay. Paikot ikot ang kadena kaya naman lahat ng masasaging pixers dito ay nagiging abo na lang. Ganito lang ang ginagawa nila at sa loob ng limang minuto, napatay nila ang limang libong pixers. Habang nakikipaglaban ay siya namang dating nina Gio at Kyle. Pinanood na lamang nila ang laban. Nagdisguise lamang sila upang makapasok. Pagkatapos mapatay nina Julian at Audrey ang mga pixers, siya namang dating ng tatlong daang robopixers. Hindi napansin ni Audrey na may isang robopixer sa likod niya at sinuntok siya nito kaya naman tumilapon siya. Tumama siya sa pader ng BZone. Lumakas ang hiyawan sa nangyari.
‘‘Audrey!’’ sigaw ni Julian ng makitang tumilapon si Audrey.
‘‘Okay lang ako. Kaya ko to. Magconcentrate ka na lang jan.’’ Sigaw naman pabalik ni Audrey upang hindi na siya alalahanin pa ni Julian.
Tumayo si Audrey at inilabas ang Wolverine niya. Sinugod niya ang robopixer at tinusok ito sa dibdib nito na siya namang dahilan para maglaho ito. Si Julian nama’y gamit pa rin ang kanyang kadena at ginagamit panghila sa mga paa ng robopixers at ilalapit sa kanya para suntukin sa dibdib nito. May isang robopixer na nasa likod ni Julian at di niya napansing hinila nito ang paa niya at ibinalibag sa lupa.
‘‘Shit! Julian!’’
Tutulungan na sana ni Audrey si Julian ng may humila kay Audrey at ibinato para tumama sa pader ng BZone. Ibinato rin si Julian sa pader ng BZone. Nilapitan sila ng mga robopixers at binuhat sabay balibag sa semento. Lumabas na ang dugo sa bunganga nila Julian at Audrey. Lumakas pa lalo ang hiyawan sa nangyayari. Nag-aalala naman sina Gio at Kyle sa nangyayari pero wala naman silang maitutulong dahil ordinaryong tao lang naman sila. Pagkatapos ibalibag sina Audrey at Julian ay pinagsisipa naman sila ng mga ito. Nakatiyempo si Julian at nahawakan ang paa ng robopixer at ibinato ito sa isa pang robopixer na nambubugbog kay Audrey. Nakatayo agad sina Julian at Audrey kahit nanghihina na. Ginamit na ni Audrey ang baril niya at sinisigurong sa bawat putok nito, sa dibdib ng robopixer tatama. Pagkatapos ng tatlong oras at limampung minuto, napatay nila ang mga robopixers.
‘‘Okay ka lang ba ha?’’ nag-aalalang tanong ni Julian.
‘‘Oo okay lang ako. Ikaw, okay ka la---?’’ Biglang hinalikan ni Julian si Audrey.
‘‘Mahal na mahal kita Audrey ha? :) kaya kahit anong mangyari, hindi ka pwedeng mamatay, hindi ako pwedeng mamatay. :) magkakaroon pa tayo ng mga anak. Okay? Maging malakas ka. Tatapusin natin to. Hindi tayo magpapatalo kay Abraham.’’ Masayang saad nito. Para bang wala siyang problema at takot na hinaharap.
Bigla namang lumabas ang sampung megapixers. Sa loob kasi ng ilang buwan, sampung megapixers lang ang nagawa nila Abraham. At ngayon, eto na sila para ilaban kina Audrey at Julian.
‘‘Kaya ba natin tong mga to Julian?’’ natatakot na tanong ni Audrey.
‘‘Kayang kaya natin. Huwag kang matatakot okay?’’ nakangiting sagot ni Julian at hinalikan nito si Audrey sa noo.
‘‘Eh nahirapan nga tayo dun sa robopixers, dito pa kaya? Eh dito tayo walang palag eh -______-’’ sagot naman ni Audrey.
‘‘Wag nega baby. Kaya natin to okay?’’ Sabay smack sa lips.
‘‘Oo na oo na. *________*’’
Pero hindi pa nakakabuwelo sina Julian at Audrey ay tumilapon na naman sila. Haru jusko. Mabibilis at malalakas kasi ang mga megapixers. Nakatayo naman agad sina Julian at Audrey. May dalawandaang metro ang layo nila sa mga megapixers. Nagtaka naman ang lahat kung bakit ganun ang itsura nila. Biglang naglabas ng kanyon ang isang megapixer. Ito ang pinakamalaki sa kanilang lahat. Nagsimula itong magpaputok sa kinatatayuan nina Audrey at Julian. Bigla namang hinila ni Audrey si Julian at lumipad pataas. Sinundan naman sila ng kanyon. Pero sa bawat pag-iwas ni Audrey ay natatamaan ang mga pixelates. Nagsimula nang magsilabasan ang mga pixelates para di na madamay, pati na rin sina Gio at Kyle. Si Abraham, Martin at Liza nanatili sa posisyon nila, ineenjoy ang pinapanood nila. Halos iilang pixelates na lang din ang natira sa BZone para manood.

BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...