CHAPTER 13: My Wings Are Hurt, Even My Heart
Nilapitan ni Gio si Audrey.
‘‘Anong problema Audrey?’’ tanong nito sa kanya. Tumingin naman si Audrey kay Gio. Bakas sa mga mata ang kalungkutan.
‘‘Wala naman. Ahm, pwede bang dalhan mo ako ng tissue o kaya e cotton tsaka alcohol?’’ tanong nito.
‘‘O sige. Pero pumasok ka na pwede? Hindi safe dito sa labas e.’’ At hinila niya si Audrey papasok ng bahay.
At pumasok na sina Gio at Audrey sa loob ng bahay. Hindi pa rin sila nagpapansinan ni Julian.
‘‘Eto na ung pinapakuha mo Audrey o.’’ Sabay abot ng cotton at alcohol kay Audrey.
Kinuha ni Audrey ang isang mahabang maleta.
‘‘Anong gagawin mo Audrey? Mag-iimpake ka na ba?’’ nagtatakang tanong ni Kyle.
‘‘Hindi.’’ Matipid lang na sagot nito.
‘‘Eh anong gagawin mo?’’ tanong naman ni Gio.
‘‘Gagamutin ko ung pakpak ko.’’ – Audrey
‘‘Kaya mo ba?’’ hindi matiis na tanong ni Julian. Alam niya kasing hindi kaya ni Audrey na gamutin ang kanyang mga pakpak.
‘‘Oo kakayanin ko.’’ Sagot naman nito.
‘‘Ami na. Ako na ang gagawa.’’ At inagaw niya ang hawak hawak ni Audrey na cotton at alcohol.
‘‘Wag na. Alam ko namang pagod ka.’’ At pinilit niyang agawin ang hawak hawak ni Julian.
‘‘Wag ngang matigas ang ulo pwede? Wag mo akong iistressin.’’ Sagot naman ni Julian.
‘‘Haha! Stress?’’ Sarkastikong pagkakasabi niya.
‘‘Nambabara lang? Ami na nga. Ako na ang gagawa.’’ At hinawakan niya ang mga likod nito.
‘‘Okay ka na ba? Kami na lang ang gagawa.’’ Sabat naman ni Gio.
‘‘Oo nga.’’ Pagsasang-ayon ni Kyle.
‘‘Okay na ako. Sa isang katulad ko walong oras lang ang kailangan para gumaling ako ng husto. Ang kagaya ni Audrey, kinakailangan ng dalawang buwan para gumaling ng husto.’’ Pagpapaliwanag naman ni Julian.
‘‘Sige na Julian. Gusto ko ng magamot. Ang sakit na e.’’ Pagrereklamo naman ni Audrey.
Inilabas ni Audrey ang mga pakpak niya. Putol ang kanyang kaliwang pakpak.
‘‘Wag ka masiyadong magulo. Magiging masakit to. Gio, magpainit ka ng tubig. Kyle, bigyan mo ako ng bimpo, tapos hawakan mo ung mga kamay ni Audrey. Kelangan niya ng kasangga kasi alam kong hindi niya kakayanin ung sakit.’’ Pagsasabi ng instructions ni Julian sa dalawa.
‘‘O sige sige.’’ Sabi naman ni Kyle.
Dinala na ni Kyle ang bimpo. Hinawakan na rin niya ang mga kamay ni Audrey. Si Gio dinala na rin kay Julian ang mainit na bimpo.
‘‘Pakialalayan tong pakpak ni Audrey. Baka maihiwalay e.’’ Sabi ni Julian kay Gio at ito naman ang ginawa niya.
‘‘AAAAAAHHHHHH!!!’’ maluluha luhang sigaw ni Audrey.
‘‘Tiisin mo ung sakit. Kung hindi mo kaya, pisilin mo ung kamay ni Kyle.’’ Sabi naman ni Julian habang nililinis niya ang paligid ng duguang pakpak at nilalagyan ng alcohol.
Pinunasan ni Julian ang mga dugo sa paligid ng pakpak ni Audrey. Lalo namang lumakas ang hiyaw ni Audrey sa sakit na nararamdaman niya. Sa lahat kasi ng nadadamage sa kanya, ang pakpak niya ang pinakamasakit at pinakamalala. Kaya dapat pinapangalagaan ito. Madali lang naman gumaling ang mga pakpak niya nga lang, pagdaraanan niya muna ang napakaraming sakit bago iyon mangyari. Pagkatapos linisan ni Julian ay nilagyan niya ng bandage ng pakpak ang kaliwang pakpak ni Audrey. Lalo namang lumakas ang hiyaw niya. Lalo ring lumakas ang pagpisil niya sa mga kamay ni Kyle.
‘‘Tae. Grabe, ang sakit ng kamay ko sa pagpipisil mo Audrey.’’ Nakangising sambit ni Kyle.
‘‘Pasensya.’’ Sagot naman ni Audrey.
‘‘Baliw. Okay lang.’’ At nginitian niya ito ng matamis.
‘‘Kailangan ten minutes na ganyan yang mga pakpak mo. Makakaranas ka pa rin ng sakit jan. Kyle, pwede palitan mo si Gio dito. Malamang, nangangawit na siya dito. Ako na lang muna hahawak sa mga kamay niya. Pahinga ka muna Gio.’’ Sabi ni Julian. Tumayo naman si Kyle at pinalitan si Gio.
‘‘Sige.’’ Iyon na lamang ang nasambit ni Gio habang naupo sa sofa na nag-iinat dahil sa nangawit siya sa paghahawak sa mga pakpak ni Audrey.
‘‘Masakit pa ba?’’ tanong ni Julian kay Audrey habang nakatingin ito ng derecho sa kanyang mga mata.
‘‘Oo. Sobra.’’ Sagot naman ni Audrey na umiwas ng tingin.
‘‘Halika nga rito.’’ At niyakap nito si Audrey habang pinipisil ng dalaga ang mga kamay niya.
‘‘Thank you Julian.’’ Sambit ng dalaga na basag ang boses.
‘‘You are very welcome. Sige na wag ka muna masiyadong nagsasalita para hindi mo masiyadong maramdaman ang sakit.’’ Sabi naman ni Julian habang hawak hawak pa rin ang kamay ng dalaga at yakap yakap ito.
Pagkatapos ng mga ilang minuto...
‘‘Hindi lang naman ung mga pakpak ko ang masakit e.’’ Biglang sabi ni Audrey.
‘‘Ha? Ano pa? Ano pa ang masakit sayo? Sabihin mo lang sakin. Gagamutin natin.’’ Biglang kumalas sa pagkakayakap si Julian at nag-aalalang tinanong si Audrey.
‘‘Eto o. Kaya mo bang gamutin?’’ sabi ni Audrey sabay turo nito sa kanyang puso.
‘‘Ehem. Tapos na ang ten minutes. Sige maghahanda lang kami ni Gio ng panghapunan.’’ Sabat naman ni Kyle. Naramdaman kasi nila ni Gio ni kinakailangan nilang bigyan ng privacy ang dalawa.
‘‘Onga. Maghahanda lang kami. >_____________<’’Lumabas muna sina Gio at Kyle.
‘‘Ano ba talagang problema mo Audrey?’’ hindi na naiwasang itanong ni Julian ito. Nalilito kasi siya sa kung anong ibig ipakahulugan ni Audrey.
‘‘Wala wala. Sige. Matutulog na ako Julian. Pakisabi kina Kyle at Gio hindi ako nagugutom. Busog pa ako.’’ Sabi naman ni Audrey at humigap padapa upang hindi niya madaganan ang kanyang mga pakpak.
‘‘Sigurado ka?’’ – Julian
‘‘Oo. Sige na. Pahinga ka na rin.’’ – Audrey
‘‘O sige.’’ – Julian
Ang bato mo Julian. Sarap mong ibato. Nakakainis ka. Sabi ni Audrey sa sarili.
Ang gulo mo Audrey. Pinapaasa mo lang yung puso ko. Isip isip naman ni Julian habang papalabas ng kwarto.
Lumabas si Julian...
‘‘Oh, lumabas lang kami, lumabas ka na rin?’’ tanong ni Gio habang naghahanda ng hapunan.
‘‘Magpapahinga na raw siya e.’’ Sagot naman ni Julian.
‘‘Di pa siya naghahapunan ah?’’ – Kyle
‘‘Busog daw siya. Hayaan niyo muna siya.’’ – Julian
‘‘Owkey.’’ – Kyle
Ano kayang dapat kong gawin? Hay. Baka kasi kung tatanungin ko si Audrey mailang siya. Tuluyan ng mawala ang kung ano mang pinanghahawakan ko ngayon. Ang hirap naman nito oh. Nakakaasar! Sabi ni Julian sa sarili habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan nito.
© InfiniteKim 2013

BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...