Yung nasa multimedia, si Kyle yan ------------------------>
**
CHAPTER 5: Ang Asar at Ang Pikon
Pagkalipas ng pitong buwan...
‘‘O bakit parang balisang balisa ka?’’ tanong ni Julian kay Audrey na hindi mapakali.
‘‘Pitong buwan na kasi ang nakalilipas ng nangako ako sa isang tao.’’ Sagot naman nito na patuloy pa rin sa pabalik balik na paglalakad. Ni kahit minsan kasi ay hindi pa ito nakakabigo ng isang pangako.
‘‘Ah un bang binigyan mo ng rosas?’’ tanong ni Julian at tiningnan si Audrey. Pinat niya ang espasyo sa tabi niya na para bang sinabi na maupo ka muna rito.
‘‘Oo. Nangako kasi akong babalik ako sa kanya. Alam mo namang pag nangako ako tinutupad ko.’’ At umupo naman si Audrey sa tabi niya.
‘‘Saka ka na magpakita sa kanya. Sa ngayon, maghanda ka muna. Alam mo namang sa makalawa e susugod na ang mga pixers.’’
‘‘Oo nga pala. Tsaka malapit sa lugar nila ung susuguran ng mga pixers diba?’’
‘‘Oo. Daan na lang tayo sa kanila pagkatapos nating makasagupa ung mga walang utak na pixers na yun.’’
‘‘Hindi ba’t parang ang tanga ni Abraham?’’ seryosong pagkakasabi ni Audrey.
‘‘Bakit naman?’’ nagtatakang tanong ni Julian.
‘‘Eh hindi niya ba alam na sa isang tirada lang e namamatay na ang mga pinagmamalaki niyang pixers?’’ napaisip si Julian sa narinig.
‘‘Wahaha! Hindi ko nga rin alam e. Pero may ipinasagupa siya sa ating mga robopixers diba? Un ung nasugatan tayo.’’ Natawa ito ngunit sumeryoso rin.
‘‘Onga ano? Baka un ang ihaharap niya sa atin ngayon? Di ba tayo mahihirapan?’’
‘‘Hindi mo ba napansin nung nilalabanan natin ang mga un? Tusukin mo lang sa gitna. Dun sa may grey part sa chest nila.’’
‘‘Wala kasi akong napatay nun e. Haha!’’ at isang malakas na tawa ang inilabas niya.
‘‘Lang ya! Haha. Mas madadalian ka siguro kung ung espada mo o ung Wolverine mo ang gagamitin mo.’’
‘‘Ung baril na lang. May pakpak naman ako para sa taas na lang ako e.’’
‘‘Bahala ka. Haha.’’
‘‘Naeexcite na akong makasagupa sila.’’
‘‘Wag maging pasaway okay?’’
‘‘Okay po!’’ Nagring ang phone ni Audrey. Tumayo naman ito at sinenyasan si Julian na sasagutin lamang ito. Pumunta siya sa terrace upang hindi marinig ni Julian ang usapan nila.
‘‘Hello Gian?’’
(‘‘Hello Audrey! Kamusta ka na?’’)
‘‘Okay lang naman ikaw?’’
(‘‘Okay lang din. Handa na ba kayo ni Julian?’’)
‘‘Handa saan?’’
(‘‘Sa makalawa. Nalaman ko kasing susugod daw ang mga pixers sa araw na un.’’)
‘‘Oo naman. Handa na kami. Kami pa!’’
(‘‘Yan ang bespren ko! Haha! Musta naman lovelife mo?’’)
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...