CHAPTER 6: Meet Our Friends: John and Aldwin
Two weeks later...
‘‘Ano ba Gio? Kanina mo pa tinititigan yan ah?’’ tanong ni Kyle kay Gio. Kasalukuyan silang nasa pavement kasama ang kanilang mga kaibigan.
‘‘Ano ba yan?’’ mausyosong tanong ni John, kaibigan nila.
‘‘Wala.’’ Tipid na sagot ni Gio.
‘‘Anong wala? Kitang kita naman kasi John na rosas o.’’ Pambabara ni Aldwin sa kaibigan nilang si John
‘‘Bigay yan ng babaeng kinaiinlaban niya.’’ Nakangising pambubuko ni Kyle kay Gio. Binigyan naman niya si Kyle ng isang what-the-hell-Kyle look.
‘‘Makainlab ka naman jan wagas.’’ At umiwas na siya ng tingin.
‘‘Sino ba ung babae?’’ tanong ni Aldwin.
‘‘Secret. Hindi muna namin sasabihin. :þ’’ natatawang saad ni Kyle.
‘‘Kayong dalawa na nga lang ang walang girlfriend sa ating apat e.’’ Biglang singit ni John.
‘‘Requirement ba un?’’ tanong naman ni Gio.
‘‘Di bale, ako naman ang pinakahabulin ng chicks kaya okay lang. Haha!’’ pagmamayabang ni Kyle. Binatukan lang ng tatlo ang bolero nilang kaibigan.
‘‘Nak ng tokwa dre! Hindi kailangan mambatok!’’ reklamo niya habang hinahawakan ang batok.
‘‘Tang-ina lang kasi dre. Huwag ka ngang umaagaw ng titulo.’’ Asar na sagot ni Aldwin.
‘‘Pucha! Akin yung titulong yun eh! Ang kapal niyo talagang dalawa!’’ sabat naman ni John.
‘‘Mga gago! Ako ang hari ng kapogihan! Kaya kung pwede umayos kayo!’’ sigaw ni Kyle. Natawa naman si Gio sa itsura ng kanyang mga kaibigan.
‘‘Tae dre! Huwag ka ngang nang-aagaw. Ako at ako lang ang nararapat!’’ sigaw naman ni John. Talagang ganyan sila. Nagmumurahan. Magtaka kayo kapag hindi. Ibig sabihin, magkagalit sila kapag walang murahan.
‘‘Assholes!’’ sigaw naman ni Aldwin.
‘‘Look who’s talking.’’ Sabat ni Gio. Napatigil sila sa bangayan at unti-unting humarap sa kanya. Binigyan siya ng mga ito ng isang what-did-you-say-asshole?-wanna-die-right-here-right-now look. Nginitian lang niya ang mga ito bilang pang-aasar.
‘‘Gago ka Gio! Gusto mong mamatay!?’’ sigaw ni Aldwin. Natawa na lang siya sa reaksyon ng kaibigan.
‘‘Haha! Una na ako pare. Susunduin ko pa gf ko e.’’ Sabi ni John at tinapik ang mga kaibigan. Nagnod na lang sila as a sign of response.
‘‘Gaya gaya talaga to ng oras ng date. Pati kasi ako e. Sige pre.’’ At tinapik niya si Kyle. Tiningnan naman niya si Gio at binigyan ng we’re-not-yet-done-asshole look. Natawa na lang si Gio.
‘‘Sige lang pre.’’ Sabi naman ni Kyle.
‘‘Sana may gf din ako.’’ Sabay buntong hininga ni Gio.
‘‘Haha! Ako rin sana.’’ At nag-inat naman si Kyle habang pinapanood ang dalawang kaibigang paalis gamit ang kani-kanilang mga motor.
‘‘Kelan kaya babalik si Audrey?’’ tanong ni Gio sa kawalan. Lumingon naman si Kyle rito. At may napansing kakaiba.
‘‘Pare bat parang nag-iiba yang rosas mo?’’ tanong nito.
‘‘Nagiging blue na pre! Ibig sabihin makikita ko na siya.’’ Napasuntok siya sa hangin sa sobrang saya at bakas sa tono ng boses niya na siya’y nasasabik.
‘‘Tanga ka talaga pare! Di ba sabi pag blue na yan? Eh nagblublue palang kaya ibig sabihin, hindi pa ngayon. Pag nagblue na talaga yan.’’ Pambabara ni Kyle sa kanya.
‘‘Makatanga ka naman. Loko ka ah!’’ at binatukan ni Gio si Kyle.
‘‘Sorry naman pare ah. Common sense kasii. Gago ka rin.’’ Sabay hawak sa batok si Kyle.
‘‘Ah basta! Excited na akong makita siya.’’ Sabi ni Gio at halos mapatalon na sa tuwa.
‘‘In love ka na sa kanya pare noh?’’ tanong ni Kyle. Napatingin naman sa kanya si Gio na nagtatanong ang mga mata.
‘‘Hindi naman pare. Siyempre namiss ko lang siya.’’ Iyon na lamang ang kanyang nasabi.
‘‘Namiss mukha mo! Haha.’’ sabi niya at naglakad na ito papalayo. Sumunod naman ito at pumunta muna sila sa bahay niya.
© InfiniteKim 2013
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...