CHAPTER 14: Flood Of Love
Kinabukasan...nasa kwarto si Julian. Nagbibihis. Siya namang gising ni Audrey.
‘‘San ka pupunta?’’ – Audrey.
‘‘Sa bayan. Bakit?’’ – Julian
‘‘May... may... may.. ipapabili ... sana ....ako... sayo... e.’’ Medyo nag-aalangan pa si Audrey kung sasabihin niya ba o hindi.
‘‘Sige ano un?’’ nakangising tanong ni Julian. Para kasing natataeng ewan si Audrey habang sinasabi iyon.
‘‘Uh, ano kasi. Ahm, ano---’’ at nilaro niya yung mga dalari niya.
Tiningnan naman siya ni Julian ng isang tell-me-now look.
‘‘K-Kasi... ano... ang ipapabili ko e... ano... ahm... yu---’’ hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi. Nauutal pa siya.
‘‘I don’t have all the time Audrey. Ano ba yon?’’ at nilapitan nito si Audrey. Itinaas nito ang nakayukong ulo nito upang makita ang mga napakainosente nitong mata.
‘‘A-ano, k-kasi... yung ipapabili ko... n-n-napkin....’’ bahagyang yumuko si Audrey. Naramdaman naman niyang umakyat yung dugo niya sa mukha at sobrang nag-iinit ito.
‘‘Pasensya na. Alam kong nakakahiya. Pero hindi kasi ako pwedeng lumabas. Ngayon pa kasi ako dinatnan.’’ Sabi niya habang iniiwas ang tingin kay Julian. Alam niya kasing namumula na siya sa hiya at the same time naiinis dahil ngayon pa siya dinatnan.
‘‘Haha! Dalaga ka na pala?’’ at niyakap nito si Audrey.
Parang baliw tong si Audrey! Hahahaha. Pero masaya ako dahil nakakausap ko na siya na parang yung dati. Para siyang kamatis na namumula oh! Hahaha. Sabi ni Julian habang yakap yakap ng mahigpit si Audrey.
‘‘Heh! Matagal naman na akong dinadatnan noh!’’ depensa niya.
‘‘Asus! Kaya pala masungit minsan, dinadatnan. :D teka bat sakin ka nagpapabili huh?’’ pang-aasar niya at ngumiti pa ito ng nakakaloko.
‘‘Alangan namang kay Kyle o kaya kay Gio ako magpabili di ba? Nakakahiya naman.’’ Sabi ni Audrey habang nakayuko.
‘‘Sakin ba hindi nakakahiya?’’ tanong uli ni Julian na ngumiti pa rin ng nakakaloko.
‘‘Nakakahiya. Pero kelangan kong makiusap sayo e. Alangan naman tagusan ko tong kama ni Gio nuh. Mas lalong nakakahiya un.’’ At lalong napayuko si Audrey.
‘‘Haha. Sige na nga. Ano bang napkin un?’’ sabi niya sabay taas uli sa mukha ni Audrey. Gusto niya kasing makita ang mala-anghel nitong mukha.
‘‘Whisper Cottony Clean.’’ At umiwas ng tingin si Audrey.
‘‘Ilang packs?’’ nakangiting sagot ni Julian.
‘‘Dalawa na lang.’’ Sabi naman ni Audrey.
‘‘Bat ang dami?’’ nagtatakang tanong ni Julian.
‘‘Pangreserba ko na ung isa.’’ – Audrey
‘‘Ready huh. Sige.’’ Sabi niya habang nakangisi.
‘‘Balik ka agad ha?’’ nag-aalalang bilin ni Audrey.
‘‘Oo..’’ ani Julian habang naglalakad palabas ng kwarto.
‘‘Mag-iingat ka.’’ – Audrey
‘‘Ayoko nga. :þ’’ at nilingon nito si Audrey.
‘‘Neknek mo!’’ sagot naman ni Audrey at ibinigay nito ang pinakamatamis nitong ngiti.
‘‘Oo mag-iingat ako. Anyan.:) dito ka lang ha? Wag kang pasaway.’’ Nakangiting sagot naman ni Julian.
‘‘Opo.’’ Sagot naman ni Audrey habang nakangiti.
Umalis na nga si Julian. Pagdating sa palengke...
‘‘Miss dalawang pack nga ng Whisper Cottony Clean.’’ Sabi niya sa tindera.
‘‘Para sayo po?’’ nakangiting tanong ng tindera.
‘‘Ha-ha! Miss nagjojowk ka? Di kasi nakakatuwa e.’’ Sarkastikong pagkakasabi niya.
‘‘Si sir naman. Hindi mabiro. Para kanino po ba?’’ at sumimangot ito.
‘‘Para sa nanay kong nagmemenopause na.’’ Pambabara niya uli.
‘‘Haha! Sir, nagjojowk ka?’’ pambaba naman ng tindera.
‘‘Para sa girlfriend ko miss. Okay?’’ naiiritang sagot ni Julian. Magtitinda lang naman kasi ang dami dami pang tanong! Sabi ni Julian sa sarili.
‘‘Ang bait niyo namang boyfriend. Binibilhan niyo pa ng napkin ang girlfriend niyo.’’ Nakangiting sagot ng tindera.
‘‘May sakit kasi siya ngayon. Di siya pwedeng lumabas ng bahay. Kaya ako ang bumibili ng napkin niya.’’ Sagot na lang ni Julian.
‘‘Sana makahanap po ako ng kagaya mo.’’ Sabay abot ang napkin na nakasupot siyempre.
‘‘Wag kang mag-alala miss. Mag-isa lang ako. Wala ka ng mahahanap na kagaya ko.’’ Sabay abot ang bayad at umalis na siya. And take note, the sarcasm.
‘‘Sayang. Gwapo pa man din. Masungit lang.’’ Pagsisimangot ng tindera.
After 10 minutes, nakabalik na rin si Julian kina Audrey...
‘‘Eto na o.’’ Sabay abot ni Julian sa supot kay Audrey.
‘‘Salamat. Teka, bakit parang ambilis mo? Eto lang ba ang binili mo?’’ nagtatakang tanong ni Audrey.
‘‘Ha? Ah.. Eh.. O-oo.’’ Nahihiyang sagot ni Julian.
‘‘Akala ko ba pumunta ka sa bayan kasi may bibilhin kang pansarili mo?’’ nagtatakang uli na tanong ni Audrey.
‘‘Actually, nagbibiro lang ako kaninang sinabi kong pupunta ako dun. Kaso sinabi mong magpapabili ka ng napkin. Kaya I decided na pupunta na rin ako para mabilhan kita.’’ Pagpapaliwanag ni Julian habang kumakain ng Piattos.
‘‘Ah ganun ba? Hm. Salamat.:)’’ sagot ni Audrey.
‘‘Walang anuman. Sige. Lalabas na ako.’’ Sabi naman ni Julian para makapagbihis naman na si Audrey.
‘‘Sige. Salamat. Uli.’’ Pahabol ni Audrey.
Hay. Natatameme pa rin ako kapag kaharap ko siya. Ang ganda ganda niya. Gusto ko siyang yakapin lagi. Tss. Eto ang ayaw ko e. Sabi ni Julian sa sarili.
© InfiniteKim 2013
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...