CHAPTER 18: It's True, I Love Him Too

8 0 0
                                    

CHAPTER 18: It’s True, I Love Him Too

‘‘Sarap naman sa feeling neto. Gusto mo Gio? :D’’ Ngiting nakakaloko.

‘‘Tumahimik ka nga jan! Pektusan kita eh.’’ At gigil na gigil naman na si Gio.

Nakakatuwa talaga silang dalawa. Sabi ni Audrey sa isip-isip habang napapangiti.

Biglang nagring ang phone ni Audrey. Bumalik naman siya sa realidad.

‘‘Kyle, Gio, excuse me muna ha? Kelangan ko tong sagutin eh.’’ At naglakad ito papalayo kina Kyle at Gio.

            ‘‘Gian! Kamusta ka na?’’

            (‘‘Ikaw ang kamusta na?’’)

            ‘‘Okay lang ako. Ako pa! Haha. Ikaw?’’

            (‘‘Okay lang din. Hm. Si Julian?’’)

            ‘‘Andun sa kwarto. Ewan ko kung anong ginagawa. Baka natutulog.’’

            (‘‘Kamusta naman na kayo?’’)

            ‘‘Huh? Okay lang naman.’’

            (‘‘Panget! Kayo na!? :D’’)

‘‘Loko! Hindi noh! Asa ka naman.’’

(‘‘Pero ikaw umaasa na ligawan ka niya?’’)

            ‘‘Halla! Hindi ah! *________*’’

            (‘‘Asus! Panget wag ako ang niloloko mo. Kilala na kita.’’)

            ‘‘Hindi nga panget. Makulit ka.’’

            (‘‘Panget hindi naman masamang umamin eh.’’)

            ‘‘Ano naman sanang aaminin ko?’’

            (‘‘Ung nararamdaman mo para kay Julian.’’)

            ‘‘Panget.’’

            (‘‘Panget.’’)

            ‘‘Oo na. Gusto ko si Julian.’’

            (‘‘Gusto lang!? Panget wag ka nga.’’)

            ‘‘Mahal ko pala talaga. Haha.’’

            (‘‘Sabi ko na nga ba. O sige panget. Buh-bye na. Tumawag talaga ako para paaminin ka. Haha. Wala akong magawa eh. Labyu panget. Ingat ka. Pagaling ka.’’)

Tut...tut...tut...

‘‘Loko tong Gian na to. Pinagtritripan na naman ako. -______-’’ sabi ni Audrey sa sarili.

            Bumalik na si Audrey kina Kyle at Gio.

‘‘Sino ung Gian?’’ tanong ni Gio.

‘‘Nagseselos kasi si Gio. Magkalapit pa kasi ung pangalan nila oh. Gian. Gio. Haha.’’ pang-aasar naman ni Kyle.

‘‘Gago ka talaga. Wala ka bang matinong sasabihin? Nagtatanong lang eh.’’ At binatukan niya si Kyle.

‘‘Tama na nga yan. Hehe. Best friend ko si Gian.’’ Sabi ni Audrey.

‘‘Best friend lang naman pala eh. Makareact kasi si Gio.’’ Sarkastikong pagkakasabi ni Kyle at tumingin kay Gio.

‘‘Ano na naman? >__________>’’ inis na sagot ni Gio.

‘‘Hahaha. Sige na. Tama na. Amin na yang ulo mo at hihilutin ko uli.’’ Sabi ni Audrey at umupo sa tabi ni Kyle.

‘‘Hehe. Tama na un. Baka mapatay na ako mamaya ni Gio eh. ^________________^V’’ at nagpeace sign siya kay Gio.

‘‘Papatayin na talaga kita!’’ sigaw naman sa asar ni Gio.

‘‘Ooooopppss! Tama na yan pwede?’’ natatawang sabi ni Audrey.

‘‘To namang si Gio. Asar agad. Haha.’’ sabi naman ni Kyle at tinawanan na lang si Gio.

‘‘Kakabadtrip ka na eh.’’ At sumimangot naman si Gio.

            Naging masaya naman sila sa araw-araw na magkakasama sila sa iisang bubong. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakaaminan sina Julian at Audrey.

Kelan ko ba aaminin kay Audrey na gusto ko siya? Ang hirap naman neto. Natotorpe ako! Anong gagawin ko? Puro paramdam na lang ba? Pano kung maagaw siya ng iba sakin? Aish! Ni hindi ko nga siya pag-aari. Magkasama lang kami kasi celti siya at rider ako. Ngayon pa ba naman ako nagiging duwag!? Petiks lang. Asar na wika ni Julian sa sarili.

            Sa kaiisip ni Julian, di niya napansin si Audrey sa tabi niya.

‘‘Huy Julian!’’ at kumaway kaway si Audrey sa harapan ni Julian.

‘‘Nak ng tokwa! Audrey naman!’’ sigaw ni Julian.

‘‘O bakit? Inaano kita?’’ nagtatakang tanong ni Audrey at umupo ito sa tabi niya. Nakikita naman ni Julian sa peripheral view na nakatingin si Audrey sa langit. Nasa terrace kasi sila.

‘‘Ginulat mo kaya ako. >__________>’’ – Julian

‘‘Sus. Para ginulat lang eh. Lalim lalim kasi ng iniisip mo.’’ At sumimangot siya. Ikaw kasi. Ginugulo mo utak ko. Gustong sabihin ni Julian yan. Pero hindi niya magawa.

‘‘Eh..kahit na. Nanggugulat pa kasi. >______________>’’ sabi pa rin nito.

‘‘Ano ba iniisip mo? :D at parang naiinis kang inistorbo kita?’’ asar na tanong niya.

‘‘Ha? W-Wala noh. -__________-’’ sagot naman nito sa kanya.

‘‘Sus Julian. Sakin pa talaga naging ganyan. Parang di kita kilala ah.’’ Sabi ni Audrey sabay tawa.

‘‘Haha. Oo na. Ikaw iniisip ko ^___^’’ pabirong saad naman ni Julian para tumigil na sa katatanong si Audrey at maasar niya ito.

‘‘Yan ka na naman eh. Pinagtritripan mo na naman ako.’’ Sabi nito at namula bigla.

‘‘Weh? Gusto mo naman eh. Namumula ka kaya oh.’’ Sabi ni Julian sabay poke sa mukha ni Audrey.

‘‘Eeeeeek! Tigilan mo nga ako. Hindi nga.’’ Sabi nito sabay simangot.

‘‘Haha. Oo na joke lang.’’ Sabi nito sabay tawa. Eto na naman ako. Natotorpe! Sabi ni Julian sa sarili.

‘‘Dapat lang! Iwan na nga kita jan.’’ At pinanood na lang ni Julian na umalis si Audrey.

‘‘Ang tanga ko lang kasi Audrey. Di ko kayang aminin sayo na mahal kita. Kasi natatakot akong baka hindi mo ako mahal. Lumayo ka sakin. Ayokong mawala ka.’’

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon