CHAPTER 11: Time For The Payback

11 0 0
                                    

CHAPTER 11: Time For The Payback

            Biglang pumasok si Julian, sugatan.

‘‘Julian! Ano bang ginagawa mo ha? Bakit ka ba sumugod dun?’’ nag-aalalang tanong ni Audrey.

‘‘Salamat Gio, Kyle, binantayan niyo si Audrey. Dun lang ako sa sala.’’ Hindi pinansin ni Julian si Audrey.

‘‘Tulungan na kita Julian. Gio pakibantayan naman si Audrey.’’ Sabi ni Kyle at sinundan si Julian.

‘‘Ako na lang ang tutulong sa kanya Kyle. Mas alam ko ang gagawin kapag ganyan siya.’’ Sabi ni Audrey habang hawak ang braso ni Kyle dahil sa pinigilan niya ito.

‘‘Halika ka na Kyle. Uupakan kita Gio pag hindi mo siya nabantayan.’’ Sabi naman ni Julian habang hila-hila si Kyle.

‘‘Julian!’’ Lalabas na sana siya ng kwarto pero pinigilan siya ni Gio.

‘‘Please Audrey?’’ pagmamakaawa ni Gio.

‘‘Gusto ko lang namang tulungan si Julian e.’’ Sabi ni Audrey habang nagbubuntong hininga at naupo sa kama.

‘‘Saka mo na siya kausapin Audrey. Kapag okay na siya.’’ Pagcocomfort naman ni Gio.

            Sa kabila naman...

‘‘Anong pwede kong gawin Julian?’’ tanong ni Kyle. Hindi niya kasi alam ang gagawin nito.

‘‘Magpakulo ka lang ng mainit na tubig Kyle. Tapos bigyan mo ako ng bimpo para malinisan tong mga sugat ko tsaka damit na rin para makapagpalit na rin ako.’’ Sabi naman ni Julian at isinalampak na lang ang katawan sa sofa.

‘‘O sige sige.’’ Aalis na sana si Kyle ng...

‘‘Nga pala Kyle. Pasensya ka na namura kita kagabi. Di ko kasi napigilan galit ko. Pero hindi ako galit sayo. Sayo ko lang nabunton.’’

‘‘Haha! Un ba? Okay lang un. Kaw naman. Sandali at magpapakulo na ako ng tubig.’’ Sabi naman ni Kyle at dumirecho ito sa kusina upang magpakulo ng tubig at pumasok sa kwarto ni Gio upang humiram ng damit.

            Ininjectan muna ni Julian ang katawan niya. Ilang minuto ang nakalipas, nakatulog si Julian. Sa sobrang pagod na rin siguro.

‘‘Ngek. Tulog naman na.’’ sabi ni Kyle sa sarili ng bumalik na ito para ibigay kay Julian ang mga kailangan nito.

‘‘Kyle.’’ At nilingon nito ang pinanggalingan ng boses. Binigyan niya ito ng isang what-the-hell-are-you-doing-here look.

‘‘Anong ginagawa mo rito? Magagalit si Julian neto e.’’ Sabi nito sabay kamot sa ulo.

‘‘Makulit e tol. Hirap pigilan kaya pinayagan ko ng pumunta dito.’’ Pagpapaliwanag naman ni Gio.

‘‘Alangan namang ikaw ang maglilinis ng mga sugat niya? Ako na ang gagawa nun.’’ Sabay naman ni Audrey.

‘‘Okay ka na?’’ – Kyle

‘‘Hindi pa ako lubos na magaling. Pero kaya ko naman ng gumawa ng mga simpleng bagay gaya neto.’’ – Audrey

‘‘Sabihin mo na kung anong magagawa namin.’’ – Gio

‘‘Pakipasok na lang siya sa loob ng kwarto. Tapos iwan niyo na kami. Kaya ko na siyang gamutin doon.’’ – Audrey

‘‘Baka ibang gamot?’’ nakakalokong sagot ni Kyle. Tumingin ng masama si Audrey at Gio sa kanya.

‘‘Biro lang kayo naman.’’ Sabi nito habang tumatawa.

‘‘Halika na nga. Ipasok na natin siya.’’ Sabi naman ni Gio.

            Ipinasok na nina Gio at Kyle si Julian sa loob ng kwarto. At iniwan na nila sina Audrey at Julian sa loob. Pinalitan ni Audrey ang tubig sa loob ng supot ng improvise dextrose na ginawa ni Julian para sa kanya. Kumuha siya sa maletang dala nila. Pinalitan niya rin ang mahabang makipot na tube na ipinagamit sa kanya ni Julian. Ikinabit na niya kay Julian ang improvised dextrose. Tinanggal niya naman ang damit ni Julian at pinunasan ang mga sugat niya at ginamot na rin. Pinalitan niya ang pantalon ni Julian ng shorts. Pinagtopless niya muna si Julian. Ngayon, siya naman ang magbabantay buong araw kay Julian.

‘‘Julian, sorry. Alam ko naging matigas ako sayo nung hinalikan mo ako. Di ko lang kasi kayang aminin na mahal talaga kita. Nahihiya kasi ako sayo. Kaya sinusungitan na lang kita. Alam ko ngayon galit na galit ka sakin. Di kita masisisi.:( mahal na mahal kita Julian. Mahal na mahal.:(’’

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon