CHAPTER 8: The Confession and He Got Nothing
Author’s Note:
Pakiplay na lang yung kantang Nothing ng The Script diyan sa external link ;) para mas feel yung part na ito. Hehe. Enjoy! :D
Sa loob ng kwarto, tulog pa rin si Audrey. Si Julian naman umupo sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Audrey.
‘‘Huii gumising ka naman na ah. Miss na miss ko na yang boses mo.’’ May halong pagmamakaawa sa boses nito.
At tinitigan na lang niya si Audrey hanggang sa nakatulog siya. Hindi naman muna pumasok sina Kyle at Gio sa loob ng kwarto. Binigyan muna nila ng privacy ang dalawa. Nagluto na lamang sila ng makakain. Nagising naman na si Audrey habang tulog si Julian.
Tumingin muna sa paligid niya si Audrey. Tiningnan ang dextrose na nakakabit sa katawan niya. Naramdaman niyang nanumbalik na ang lakas niya. Tiningnan niya si Julian na himbing na himbing sa pagkakatulog. Napagod din sa labanan nila kanina.
‘‘Buti na lang talaga anjan ka sa tabi ko. Siguro kung wala patay na ako ngayon. Walang nag-aalala sakin, walang nag-aalaga. Walang nagbabantay. Kaya nga mahal na mahal kita Julian. Di mo hinahayaang may mangyaring masama sakin. Salamat ha.’’ Sabay haplos nito sa buhok ni Julian.
‘‘Huli ka!’’ biglang sigaw ni Julian na may malapad na ngiti sa labi.
‘‘Ay sirenang mukhang kabayo! Ano ba Julian!? Kelangan manggulat? Pag ako nategok dito aii mumultuhin pa kita!’’ sigaw ni Audrey at pinandilatan niya ito.
‘‘Gigising na sana ako kanina e. Alam mo un. Kaso nagsasalita ka kaya pinakinggan ko muna. Haha! Sabi ko na nga ba mahal mo ako. Hindi lang mahal. Mahal na mahal pa! Sarap naman nown!’’ sigaw ni Julian habang hawak ang tiyan sa katatawa.
‘‘Ang OA mo! Mahal na mahal bilang kaibigan.’’ Pinalo niya sa braso si Julian at umiwas ng tingin dahil sa naramdaman niyang namumula siya.
‘‘Bilang kaibigan. Talaga? ^_______^’’At inilapit naman ni Julian ang mukha niya sa mukha ni Audrey.
‘‘Oo! Kaibigan lang. *______*’’ sagot naman ni Audrey na namumula.
Hinalikan ni Julian sa labi si Audrey.
‘‘Ako kasi hindi e. ^___________^’’ at ngumiti ito ng malapad. Sobrang lapad na bakas sa mga mata niya ang kasiyahan.
‘‘O_____________________O’’ at ganyan ang naging itsura ni Audrey. Sa sobrang pagkabigla ay natulala na lamang ito. Bakit Julian? Bakit? Sabi ni Audrey sa isipan niya.
Biglang pumasok si Gio at Kyle.
‘‘Buti na lang gising ka na Aubrey. May dala kaming pagkain.:)’’ at nginitian niya ito ng matamis.
‘‘Tanga! Audrey hindi Aubrey!’’ at binatukan naman ni Gio si Kyle.
‘‘Nagrarhyme naman e. Ano bang problema mo?’’ at pinandilatan niya ito.
‘‘Ako kuhang kuha ko nung unang rinig ko pa lang, ikaw pang-ilang beses mo ng Aubrey yan. Ewan ko sayo.’’ Sabi nito sabay kamot sa ulo.
‘‘Tumigil na nga kayong dalawa.’’ Pag-aawat naman ni Audrey habang natatawa.
‘‘Eto o pagkain. Kain ka ng marami ha? Para madaling manumbalik yang lakas mo.’’ Sabi ni Gio at nilapitan si Audrey na para bang susubuan niya ito.
‘‘Pare ako na magpapakain sa kanya.’’ Malamig na sabi ni Julian.
‘‘Teka, kaya ko naman e. Gusto ko kapag kakain ako, kasabay ko kayo? Okay?’’ iyon na lamang ang nasabi ni Audrey para tumigil na sila.
‘‘...’’
‘‘...’’
‘‘...’’
‘‘...’’
‘‘Okay! Kain na. Gutom na rin ako e.’’ Pambabasag ni Kyle sa katahimikan. At nagtawanan na lang silang apat. Habang kumakain...
‘‘Audrey may tatanungin nga ako kung pwede?’’ panimula ni Kyle.
‘‘Sige ano un?’’
‘‘Simula kasi nung nakilala kita, hindi ko maintindihan kung anong meron sayo. Ano ka ba? Ano ba kayo ni Julian? Anong nangyari sa inyo?’’ nagulat naman si Audrey sa tanong nito.
‘‘Siguro saka na lang namin sasabihin pag medyo malakas lakas na si Audrey.’’ Balewalang sagot ni Julian na nakatingin lang sa kinakain.
‘‘Oo nga Kyle. Hindi ko naman tatakasan yang mga tanong mo e. Sasagutin ko naman. Pero kailangan ko munang magpalakas. Para mas lalo mong maintindihan.’’ Pagsasang-ayon ni Audrey.
‘‘Naku, hindi niyo naman kailangang gawin un. Si Kyle talaga kung anu-ano kasi tinatanong.’’ Sabat naman ni Gio.
‘‘Eh naguguluhan nga ako.’’ Asar na sagot ni Kyle kay Gio.
‘‘Okay lang naman Gio. Hindi naman masamang magtanong di ba Kyle?:)’’ pag-aawat ni Audrey at nginitian niya ng matamis si Kyle.
‘‘Onga.:)’’ at ginantian niya ito ng isang malapad na ngiti.
‘‘Kain na nga tayo. Audrey, anong gusto mo? Sabihin mo lang dadalhin ko sayo.’’ Tanong ni Julian at humarap ito dito.
‘‘Wala naman Julian. Kain ka lang. Ayos na ako dun.’’ Pag-iiwas ni Audrey ng tingin.
‘‘-________________-’’ at ito ang naging itsura ni Gio.
‘‘Asus! Ayun naman e. Chuwit chuwit naman. Selos si Gio. Haha.’’ pang-aasar ni Kyle kay Gio.
‘‘Hoy hindi a. Kanina ka pa Kyle. Sasapukin na kita.’’ Asar naman na sagot ni Gio.
‘‘Uii. Relax Gio. Masiyadong mainit ulo mo e. To naman.’’ Pag-aawat uli ni Audrey.
‘‘Sige na kain na.’’
Pagkatapos nilang kumain, inilabas na nina Kyle at Gio ang mga pinagkainan. Maghuhugas kasi sila.
‘‘Gago ka talaga Kyle!’’ at binatukan ni Gio si Kyle.
‘‘Oh bakit na naman?’’ sagot ni Kyle habang hawak ang batok.
‘‘Kelangan talaga bukuhin moko sa harapan ni Audrey? Loko ka ah.’’ Asar na sagot ni Gio.
‘‘Ahaha! So nagseselos ka talaga kanina?’’ at nagbigay ito ng nakakapangloko na ngiti.
‘‘Hindi nga. Bwisit ka naman e.’’ At inismidan niya ito.
‘‘Pare wag pikon. Bibiro lang naman e.’’ Natatawang sagot ni Kyle dahil sa reaksyon ni Gio.
‘‘Pasalamat ka best friend kita kasi kung hindi kanina pa talaga kita inupakan!’’ sigaw niya rito..
‘‘Salamat :D’’ at tinawan niya ito ng bongga.
Still inlove but all I heard was nothing, nothing, nothing
She said nothing, I ran in words but all I heard was nothing
Ooh, I got nothing, I got noting, oooh
I ran in words but all I heard was nothing
Wala akong nakuhang sagot. Wala ni kahit isa. Malungkot na saad ni Julian sa isipan niya.
© InfiniteKim 2013
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...