CHAPTER 10: She Changed

12 0 0
                                    

CHAPTER 10: She Changed

Author’s Note:

Pakiplay nalang yung Statue (Cover) ni Alex Thao. Enjoy this chapter! :D

            Biglang nagbago si Audrey kay Julian. Lagi na niya itong sinusungitan. Kung hindi si Gio, si Kyle na ang nagbabantay sa kanya. Si Julian na ang nagluluto ng kakainin nila, naghuhugas ng pinagkainan, naglalaba ng mga damit nila ni Audrey at umaasikaso sa mga gamot ni Audrey kapag tulog siya. Tumagal pa ng dalawang linggo at ganito ang kanilang eskena araw-araw.

‘‘Julian, di mo naman kailangang gawin yan e. Bisita ko kayo.’’ Sabi ni Gio habang pinipigilan si Julian na maglaba.

‘‘Okay lang naman Gio. Basta bantayan niyo lang si Audrey.’’ Pagpupumilit ni Julian.

‘‘Bakit nga ba hindi ikaw ang nagbabantay sa kanya?’’ biglang tanong ni Gio. Napatingin naman sa kanya si Julian.

‘‘Wala.’’ Matipid niyang sagot.

‘‘Gulo mo rin ah?’’ tanong uli ni Gio.

‘‘Punta ka muna sa loob ng kwarto niya.’’ Sabat naman ni Kyle.

‘‘Bakit?’’ nagtatakang tanong ni Julian.

‘‘Hindi namin siya mababantayan ngayon e. Kelangan lang naming pumunta sa Santiago.’’ Sagot naman ni Gio.

‘‘Aii o sige. Ako muna ang magbabantay sa kanya.’’ Sagot ni Julian na nagdadalawang isip pa rin kung gagawin niya ba o hindi.

‘‘Sige pare. Una na kami. Salamat.’’ Sabi ni Kyle at nagsimula na silang maglakad.

‘‘Hindi. Salamat.’’ Bulong ni Julian habang pinapanood silang umalis.

            Pumasok si Julian sa kwarto. Umalis naman na sina Gio at Kyle.

‘‘Anong ginagawa mo rito? Asan si Gio at Kyle?’’ malamig na tanong ni Audrey.

‘‘May pinuntahan sila. Nirequest muna nilang ako ang magbabantay sayo ngayon. Ngayon lang naman Audrey wag kang mag-alala. Hindi naman kita guguluhin.’’ Nakayukong sagot ni Julian.

‘‘Okay.’’

I’m like a statue stuck staring right at you

Para akong estatwa Audrey. Nakatingin lang sayo. Habang nakikita kong nagagawa kang pangitiin ng ibang tao. Masakit Audrey. Sobrang sakit. Ano ba ang naging kasalanan ko? Ang paghalik ko ba sa labi mo? Hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko Audrey. Pakiramdam ko para akong bulkang sasabog kapag hindi ko inamin e. Audrey, balik na tayo sa dati. Hindi ko na kaya. Bulong ni Julian sa isipan habang pinapakinggan ang kantang Statue na pinapatugtog ni Audrey.

‘‘Sabihin mo lang sakin kung may kailangan ka Audrey.’’ Sabi nito kay Audrey ng bumalik siya sa realidad.

‘‘Wala akong kailangan Julian! Pwede ba!?’’ iritang sagot ni Audrey kay Julian.

            Nagbuntung-hininga na lang si Julian. Napaupo siya sa sofa sa kwarto ni Gio at nagmuni-muni. Hindi niya malaman-laman kung bakit ba galit sa kanya si Audrey. Paano sila magkasamang lalaban kung hindi naman sila magkasundo? Nakatulog na si Audrey. Mahimbing na mahimbing. Biglang tumawag si Gian kay Julian.

            ‘‘Hello?’’

            (‘‘Kamusta na kayo?’’)

            ‘‘Galit pa rin siya sakin.’’

            (‘‘Galit? Bakit?’’)

            ‘‘Ewan ko nga rin e. Ung araw na sinabi ko sayo ung problema ko sa kanya, hanggang             ngayon, un pa rin ang problema ko sa kanya.’’

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon