CHAPTER 15: The Truth About Us

13 0 0
                                    

You'll encounter some na ginawa ni Liza in the past later so you better get to know her damn good face. XD :D hahahaha. Nasa multimedia ------------------------>

**

CHAPTER 15: The Truth About Us

            After 15 minutes...lumabas ng kwarto si Audrey.

‘‘O Audrey? May kailangan ka?’’ nagtatakang tanong ni Gio. Hindi kasi ito lumalabas ng kwarto. Kapag may kailangan lang.

‘‘Ah. Ung cotton tsaka alcohol pwede bang makahiram?’’ tanong ni Audrey habang naupo sa sofa.

‘‘Ah o sige.’’ Tatayo na sana si Gio ng...

‘‘Ako na lang kukuha........ eto na o.’’ Sabi ni Kyle sabay abot kay Audrey ng alcohol at cotton.

‘‘Ah. Salamat Kyle. Gio, pakilabas naman ung maleta. Ung pinakamahaba.’’ Sabi naman ni Audrey.

‘‘Ako na.’’ pagpriprisinta ni Julian.

‘‘Okay.’’ Yun na lamang ang nasabi ni Gio.

‘‘Eto na Audrey.’’ At inilagay niya ito sa harapan ni Audrey. Naupo na rin siya sa tabi nito.

‘‘Kyle, Gio, upo kayo jan sa sofa.’’ – Audrey.

‘‘Anong gagawin mo?’’ tanong ni Julian.

‘‘Ngayon ko na ieexplain sa kanila ang tungkol sa akin.’’ At tiningnan niya sa mga mata si Julian. Nagkatinginan sila. Para bang sinasabi ng mga mata ni Julian na huwag muna, ngunit dahil sa mga napakainosenteng mata ni Audrey ay hindi niya ito napigilan sa gusto nitong gawin.

‘‘Kyle, Gio, mangako kayong hindi lalabas lahat ng mapag-uusapan natin ngayon, kasi kung malalaman to ng ibang tao, patay kayo.’’ Pagbabanta ni Julian.

‘‘Patay as in dead. Tegok.’’ Sabi ni Audrey sabay hand gestures na idinaan niya yung thumb niya horizontally sa leeg  niya.

Napalunok naman sina Kyle at Gio.

‘‘Ako I promise na hindi ko ipagkakalat.’’ At itinaas pa ni Kyle yung right hand niya para sabihing nagprapromise siya.

‘‘Ako rin.’’ Patango-tangong sabi ni Gio.

‘‘Well and good.’’ At ngintian ni Audrey ng matamis ang dalawa.

‘‘Para san yang cotton tsaka alcohol?’’ nagtatakang tanong ni Gio.

‘‘Sandali lang.’’ Sabat naman ni Julian.

‘‘Start ko na lang sa family background namin. Ako at ang pamilya ko, mga tao. Tunay na tao. Isang gabi, habang malakas ang pag-ulan at pagkulog, kumatok ang mga magulang ni Julian sa bahay namin.’’ At nagsimula ng magkwento si Audrey.

‘‘Sandali. Ako, nakita niyo na ang tunay na ako. Ung lumiliyab ng kulay asul. Rider ang tawag sa mga kagaya ko. Ang gamit kong armas, kadena. Isang mainit na kadena na kapag dumapo sa balat ng tao, siguradong sunog. Ang lakas ko bilang isang rider ay limampung beses sa lakas ng isang normal na tao. Lahat ng susuntukin ko o kaya’y sisipain o di naman kaya’y itatapon ay nagiging abo na lamang. Lahat ng madaraanan ko ay may naiiwang asul na apoy. Ang big bike ko ay parang isang buhay na tao na siya mismong lumalapit sa akin. Gaya ko, nagliliyab din ito ng kulay asul at nag-iiwan ng asul na apoy sa madaraanan nito. Ganun ako bilang isang rider. Audrey, siguro mas mabuti kung ilalarawan mo muna kay Kyle at Gio kung ano naman ang pagkatao mo.’’ At tumingin ito kay Audrey. Tumango naman siya.

‘‘Well, gaya ni Julian, hindi ako tao. Ang tawag naman sa akin celti. Ang itsura ko kapag nagiging celti ako ay noong unang beses niyo akong nakita. Nga lang, may mga pakpak ako. Ang mga pakpak ko, nakita niyo na rin. May tatlo akong sandata na ginagamit sa pakikipaglaban. Una, etong mga baril ko. (Nilabas ang mga baril at pinunasan ng cotton na may alcohol)Ang mga baril na to, hindi nauubusan ng bala. Ang mga lumalabas dito eh mga bala na nagliliyab ng kulay asul. Eto naman ang dalawa kong espada. (Inilabas ang espada na nasa loob ng mga kamay. Unti-unting lumabas ang mga espada. Gulat na gulat naman sina Gio at Kyle) Etong mga espada ko, nakatago sa loob ng katawan ko. Ipinapasok ko sila dito. Sabay turo sa may pulso sa kamay. Dito ko rin inilalabas ang mga ito. Kapag nasa loob na ng katawan ko ang mga ito, lumiliit sila. At ang panghuli kong armas, tinawag ko ng Wolverine. Kasi ganito rin ung kay Wolverine.’’ At inilabas niya ang mga malaWolverine niyang armas mula sa mga pagitan ng kanyang daliri.

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon