Hi~
Kamusta po kayo? Hahahaha! :D well, pasensya ha? Pangit siya. First story ko on Wattpad to eh. Hihihi. Tanong ko lang, kung bibigyang mukha natin ang mga characters, which do you prefer? Anime or real person? Comment please?? ^______________________^ *puppy eyes* kailangan ko talaga opinion niyo! :D thank you! :)
.
.
.
.
Enjoy! :*
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 3: Meet the Mortal Enemy
‘‘Ano ng nangyari sa pagpatay niyo sa celti at rider?’’ maawtoridad na tanong ng isang makisig na lalaki na nakaupo sa isang trono kasama ang isa pang babae.
‘‘Hanggang ngayon prinsipe, hindi pa rin sila napapatay.’’ At ito ang kanyang kanang kamay.
‘‘Ano ba naman yan!? Limang taon at pitong buwan na ang nakakalipas simula ng tugisin natin yang celting yan at yang rider na yan hanggang ngayon wala pa ring nangyayari?? Anong ginagawa niyo? Libo libong pixers ang nagagawa natin araw-araw at ipinapadala para patayin sila, hanggang ngayon, buhay pa rin sila!?’’ galit na galit na sigaw nito.
‘‘Mawalang galang na po mahal na prinsipe. Ngunit, kung magpadala po kaya tayo ng mga totoong tao upang pumatay sa kanila?’’ tanong ng kanyang kanang kamay, si Martin.
‘‘Bakit? Tatanga tanga ba ang mga pixers na ginagawa natin?’’ sagot naman ng prinsipe. Si Abraham.
‘‘Hindi naman po sa ganun mahal na prinsipe. Ngunit isang tirada lang po sa mga pixers natin ay nawawala na sila. Kaya po siguro kayang kayang patayin ng celti at ng rider ang mga pixers natin.’’
‘‘Gawan niyo ng paraan para mas mahirap patayin ang ating mga pixers. Kung kinakailangang mas malakas pa sila sa tao gawin niyo!’’
‘‘Masusunod po mahal na prinsipe.’’
‘‘Abraham, bakit kinakailangang pixers pa kasi ang pumatay sa celting un at rider. Hindi ba pwedeng tayo na lang? Mas malakas tayo kesa sa mga pixers. Di ba? Baka kayang kaya nating patayin ang celting iyon tsaka ung rider na yon.’’ Malanding pagsasalita ng babaeng nasa kanyang tabi.
‘‘Nasisiraan ka na ba ng bait Liza? Alam mong hindi buo ang lakas ko dahil buhay ang celti at ang rider.’’ At nilingon niya ito.
‘‘Pasensya na Abraham.’’
‘‘Bakit ba ang tatanga ng mga kasama ko sa palasyong ito! Aarrgghhh!!!!!!!!!!!!!!!!’’ sigaw ni Abraham na ikinatakot naman ng lahat ng nakarinig.
Pagkaraan ng ilang oras...
‘‘Abraham, gusto mo bang uminom ng kape? Ipagtitimpla kita.’’ Malambing ang pagkakasabi ni Liza.
‘‘Hindi na.’’ tipid na sagot ni Abraham.
‘‘May problema ka ba mahal? At umupo sa lap ni Abraham.’’ Malandi ang pagkakaakbay nito at pagtingin.
‘‘Wala.’’
‘‘Eh bakit ganyan ka ngayon?’’ At nagpout siya.
‘‘Tigilan mo ako Liza kung ayaw mong ibato kita.’’
Natahimik naman si Liza. Pero hindi siya umalis sa kinauupuan niya. Dumating naman si Martin.
‘‘Mahal na prinsipe. Ipinatatawag niyo raw ho ako.’’
‘‘Nasaan na raw ang celti at rider? Nakausap mo na ba sila?’’
‘‘Hindi pa ho. Ngunit maya-maya’y kakausapin ko sila.’’
‘‘Sabihin mo sa akin mamaya kung anong magiging kalabasan ng usapan ninyo. Maari ka ng umalis.’’
© InfiniteKim 2013

BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...