CHAPTER 25: I Can’t Do This, It's The End
Pumunta sa sementeryo si Audrey.
Isang taon na rin ang nakakaraan.
Bakit ba hindi ka nabuhay?
Bakit ba namatay ka?
Bakit ba hindi tayo nagkasama ng matagal? Nagsimula ng tumulo ang luha niya.
Bakit? Mahal na mahal kita. Ang dami nating pinagsamahan. You were there in good times and bad times. Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka lumaban? Alam mo ba? Malungkot ako ngayon. Mag-isa na lang kasi ako. Wala akong karamay.
Gabi gabi na lang akong umiiyak. Bakit ang sama ng tadhana sakin?
Yung mga alaala natin, nandito pa rin sa puso ko. Sabi mo mahal mo ako di ba?
Bakit wala ka ngayon?
Lagi kong nakikita yung mga litrato nating magkasama. Naluluha na lang ako kapag. Isang taon na. Pero ang hirap pa ring tanggapin. Ang hirap tanggapin na wala ka na. Pilit kong tinatanggap na wala ka na. Pero bakit sobrang sakit? Masiyado kang unfair. Masiyado kang unfair Gian. At patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Nagsindi siya ng kandila sa puntod ni Gian. Nag-iwan na rin siya ng mga bulaklak. Tapos na rin niyang bisitahin ang puntod ng mga magulang nila ni Julian. Naglakad lakad muna siya. Bigla siyang napatigil. Pumasok siya sa loob...
Ikaw, iniwan mo rin ako. Bakit Julian?
Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinayaan mong mamatay ka?
Di ba magsasama pa tayo ng matagal? Di ba magkakaanak pa tayo? Anong nangyari? Bakit namatay ka?
Iniwan niyo ako ni Gian. Ikaw na mismo nagsabi sakin na maging malakas. Kelangan nating parehong mabuhay. Bakit? Sniff. Sniff.
Isang taon na. Ngayon lang kita nabisita. Pasensya na. Umupo siya sa tabi ng puntod ni Julian. Hindi ko pa kasi kayang tingnan tong puntod mo eh. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob. Julian, sobrang lungkot ko ngayon. Alam mo bang miss na miss na kita. Yung kirot sa puso ko unti unti akong pinapatay. Parang wala ng saysay buhay ko. Wala ka na. Wala na yung taong sobrang sobra kong mahal. Alam mo, kahit saan ako magpunta, iniisip ko na lang na kasama kita. Nakakamiss yung mga araw na pinapagalitan mo ako. Yung mga araw na niyayakap at hinahalikan mo ako. Yung limang taon kasama ka sa iisang bubong ang nagbigay sakin ng sobrang kasiyahan. Pero yung isang taon na hindi kita kasama, onti na lang mamamatay na ako. Sobrang sakit Julian. Hindi ko na kaya. Gusto na kitang makasama. Gusto na kitang makita. Hirap na hirap na ako. Hindi ko kayang tanggapin na wala ka na. Minsan nga napanaginipan pa kita. Sabi mo, hangga’t maari, buhayin ko sarili ko at maghanap ako ng taong magmamahal sakin tulad ng pagmamahal mo. Gago ka ba? Ikaw lang mahal ko. Hindi ko kayang magmahal ng iba. Julian, kelan ba tayo magsasama? Pwede bang ngayon na lang?
Bakit ba naman kasi kelangan mo pang mamatay? Ang sakit na yung kamatayan ni Gian sakin eh, dumagdag ka pa. Julian, mahal na mahal kita alam mo yun? Miss na talaga kita. Sniff. Sniff. Para akong tanga dito. Kinakausap ko pa yung patay. Pero totoo, mahal na mahal kita. Di ko na kaya Julian. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Lord sorry po. Alam kong mali tong gagawin ko, pero hindi ko na po kaya. Hindi ko na po kayang patuloy pang mabuhay ng wala si Julian. Alam mo naman po kung gano ko siya kamahal di ba? Hindi ko na po kaya. Sorry po. Dapat po noon ko pa to ginawa, pero pinipigilan ako nila Gio. Eto na po yung pagkakataon ko. Sorry po, ayoko na, hindi ko na kaya. Etong paglalaslas ko pong ito ang magdadala sakin kay Julian. Pasensya na po, pero mahal ko po siya talaga at hindi ko na kaya.
THE END!
© InfiniteKim 2013
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you for reading! :) Thank you for reading until the end!
I hope sa next story ko, you'll support it also. Thank you and GOD BLESS!
XOXO <3
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
Storie d'amoreMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...