CHAPTER 21: We Are Trapped But We’re Happy!
Nagtulungan na lang sina Kyle at Gio para makawala sila sa pagkakatali.
‘‘Wala man lang tayong nagawa para kina Audrey at Julian.’’ Malungkot na saad ni Gio.
‘‘Pare wala naman tayong binatbat dun sa mga kalaban nina Audrey at Julian eh.’’ Sagot naman ni Kyle.
Biglang may napansin si Gio sa floor. Pinulot niya un.
‘‘Pare ano to?’’ tanong ni Gio kay Kyle.
‘‘Aba malay ko rin.’’ Sagot naman ni Kyle.
‘‘Teka, tracking device to ah.’’ – Gio
‘‘Hindi yan tracking device! Yan ung partner ng tracking device. Jan lumalabas kung nasaan na ung tao kapag.’’ At binatukan niya si Gio.
‘‘Teka, tingnan mo oh. Baka dito dinala sina Audrey at Julian.’’ At hindi na pinansin pa ni Gio ang pambabatok sa kanya ni Kyle.
‘‘Anong gusto mong gawin natin?’’ – Kyle
‘‘Sundan natin sila. Magtawag na rin tayo ng pulis.’’ – Gio
‘‘Pare tanga ka ata eh. Hindi naman tao ung mga ipapapulis natin. Walang binatbat ung mga un kapag. Tsaka sino namang maniniwala satin? Para tayong nasa loob ng isang computer game eh.’’ At binatukan uli ni Kyle si Gio.
‘‘Eh baka sakaling makatulong ung mga pulis.’’ – Gio
‘‘Walang maitutulong ung mga un. Trust me.’’ – Kyle
‘‘Pano mo naman nasabi?’’ – Gio
‘‘Basta! Hindi sila makakatulong. Mapapahamak lang sila. Mas maraming mamamatay. Di mo ba makitang pwedeng mangyari un Gio?’’ – Kyle
‘‘Oo na. So anong gagawin natin?’’ – Gio
‘‘Kung pwedeng tayo na lang ang pupunta dun.’’ – Kyle
‘‘Eh kung pulis nga walang binatbat sa kanila, tayo pa kaya?’’ – Gio
‘‘Di ko alam kung anong pwede nating gawin. Kung ayaw mo, ako na lang ang pupunta.’’ – Kyle
‘‘Sasama na nga ako.’’ – Gio
Kinuha na nina Kyle at Gio ang mga backpacks nila. Naglagay ng kung ano man ang mga kailangan nila. At sinundan nila ang device na hawak hawak nila. Samantala..sina Audrey at Julian, nakakulong. Isang kwartong kahit anong gawin nila eh hindi nila kayang sirain. Talaga naman kasing pinaghandaan sila ni Abraham. At binabantayan pa sila ng mga megapixers.
‘‘Audrey.’’ Tawag ni Audrey na mukhang nagsspace out.
‘‘Op?’’ - Audrey
‘‘Sorry ha?’’
‘‘Ngek bakit naman?’’ at humarap si Audrey kay Julian.
‘‘Eh nakalimutan ko kasi ung araw ng pag-iinject ko sayo. Eh di sana hindi tayo nandito ngayon.’’ – Julian
‘‘Okay lang un. Siguro hindi habambuhay na tatakasan natin tong mga walang utak na pixers na to. Talagang kelangan lang natin silang makaharap.’’ – Audrey
‘‘Pero nagiguilty pa rin ako eh.’’ – Julian
‘‘Tumigil ka nga jan. Madrama ka.’’ And she gave the sweetest smile she can give to a guy.
‘‘Bakit nagagawa mo pa ring ngumiti gayong nasa ganitong sitwasyon tayo?’’ nagtatakang tanong ni Julian.
‘‘Kasama ko kasi ung taong mahal ko.’’ At ngumiti siya ng malapad. Tanga! Audrey! Ang tanga mo! Baka(Idiot)! Stupid! Bakit ko ba biglang nasabi yon!? Sabi ni Audrey sa sarili. Hindi na lang niya ipinahalata kay Julian ang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
The Celti and The Rider
RomanceMasaya mabuhay. Masaya magmahal. Masaya kapag kasama mo ang buong pamilya mo. Ngunit paano kapag isang araw, magigising ka na lang na dapat laging kasama ang isang taong hindi mo naman kilala, at kinakailangan niyo pang lumaban upang mabuhay? Iisa l...