CHAPTER 4: Adam Gio Sy and Michael Angelo Vea

23 0 0
                                    

Yung nasa multimedia ------------------------->

Iyan po si Adam Gio Sy. :)

-------- 

CHAPTER 4: Adam Gio Sy and Michael Angelo Vea

            Samantala...

‘‘Sino ba ung kasama mong babae? Aubrey ba un?’’ tanong ni Kyle kay Gio.

‘‘Audrey, hindi Aubrey.’’ Tipid namang sagot ni Gio habang nakatingin sa kawalan.

‘‘O di Audrey. Sino ba un?’’ tanong uli ni Kyle

‘‘Hindi ko rin alam. Pero naaalala mo ung mga panget na nilalang na laging pumupunta dito?’’ ngayon nilingon na niya si Kyle.

‘‘O ung mga yown? Ung pag dumarating sila e tago lahat sa bahay?’’ tumingin uli sa kawalan si Gio.

‘‘Oo ung mga un.’’

‘‘O? Bakit un?’’ medyo naiinip na sagot ni Kyle.

‘‘Pinatay niya lahat ung mga un.’’ At parang wala sa sariling sagot ni Gio.

‘‘Huh?  Kaya ba marami siyang sugat?’’

‘‘Hindi. Hindi naman siya nasugatan e. Baril lang gamit niya tsaka parang yung armas ni Wolverine. Pero kakaiba ung baril niya. Tsaka nung dumating na siya dun sa stadium, sugatan na siya.’’

‘‘Astig din siya e noh? Pero bakit andun siya sa bahay niyo?’’ tanong uli nito. Nilingon na naman siya ni Gio at binigyan ng what-the-hell-are-those-questions-for look.

‘‘Nawalan siya ng malay pagkatapos bumagsak kaya dinala ko siya sa bahay. Ginamot ko ung mga sugat niya.’’ Sarkastikong pagkakasabi niya.

‘‘Hot din siya noh? Kita mo ung damit niya kanina. Grabe.’’ At tumawa na lang siya sa naisip niya.

‘‘Ganun talaga ata costume niya?’’ at tumawa na rin si Gio.

‘‘Costume un? Ano siya? Super hero?’’ ngayon, si Kyle ang sarkastiko ang pagsagot.

‘‘Hindi naman sa ganun pare. Pero...ganun talaga siguro.’’ Dahil wala ng maisip si Gio na isagot.

‘‘Ganda rin niya. Balak ko nga ligawan e.’’ Biglang saad ni Kyle.

‘‘Hindi ba ung kasama niyang lalaki ang boyfriend niya?’’ tiningnan naman niya si Kyle.

‘‘Ung Ju--, Ju--... nakalimutan ko na ung pangalan.’’

‘‘Julian.’’

‘‘Oo Julian. Eh hindi naman daw sila. Di ba partners lang sila?’’ at humarap na siya kay Gio.

‘‘Tanga ka ba pare? Partners, di ba parang magsyota rin un!’’ sarkastikong pagkakasabi ni Gio.

‘‘Baka ikaw ang tanga pare! Eh kung sana magsyota sila di binugbog ka na nung boyfriend niya! Tsaka sana nagalit siya nung binigay sayo ni Aubrey ung rosas rosas.’’ At sinigawan naman ni Kyle ang kausap nito.

‘‘Tanga! Audrey hindi Aubrey!’’

‘‘Nakakalito kaya gago!’’

‘‘Ewan ko talaga sayo!’’

‘‘Kelangan talaga murahan?’’ biglang natatawang tanong ni Kyle.

‘‘Onga. Sorry pare a.’’ sabi naman ni Gio na natatawa na rin.

‘‘Hahahaha! Para tayong tanga pare!’’ at napahawak pa sa tiyan si Kyle sa katatawa.

‘‘Kaw lang naman ung tanga sating dalawa pare e. Haha.’’ at sinapak niya si Kyle.

‘‘Ah ganon!?’’ sigaw naman ni Kyle.

‘‘Onga pala Kyle. Wag mong ipagsasabi ung tungkol kina Audrey ha? Alam ko kakaiba sila kaya dapat wag muna tayong dada ng dada habang hindi pa natin alam ang totoo.’’ At sumeryoso ang mukha ni Gio.

‘‘Oo na pare. Korni mo.’’ Natatawang sagot ni Kyle.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon