ILANG sandaling pinakatitigan niya ang susi na nasa palad nito bago lumipad ang tingin niya sa mukha nito.
"I'm sorry," ang sabi lang nito nang magtama ang kanilang mga mata.
"Fine. Pero sana sa susunod ayusin mo iyang pagda-drive mo. Hindi porke't may kotse ka ay puwede ka nang umasta sa paraang gusto mo kahit nakakasakit ka na ng ibang tao. Sayang ang pagiging guwapo mo kung bastos ka naman pala," dire-diretsong sabi niya.
Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Hinatak niya sa kamay si Genevive saka tinalikuran ang kausap.
"Ewww! Baka naman puwedeng bitawan mo na ako? Ang sakit na ng kamay ko, ah. Sa akin mo ba ibubunton ang galit mo sa lalaking iyon?" ang sabi ni Genevive nang makalayo na sila.
Agad niyang binitawan ang kaibigan. "Sorry. Naiinis lang kasi ako. Hindi nila inamin agad kung sino iyong hinahanap natin. Pinagtatakpan nila ang lalaking iyon."
"In fairness, tama naman iyong sinabi mo. Aanhin mo nga naman ang guwapo kung bastos naman pala ito. Akala ko nga kanina ay madadala ka na sa kaguwapuhan ng mga lalaking iyon. Kinabahan ako kasi pinagkaguluhan tayo ng mga guwapong kalahi ni Adan. Napansin mo rin ba iyon?" nangingiting tanong ni Genevive.
"SASALI ako diyan," sabi ni Barbie habang nakatingin sa bulletin board sa CAS.
"Sasali ka ng Chorale?" interesadong tanong ni Genevive.
"Hindi dyan. Dito. Dito ako sasali," sabi niya at itinuro ang nakapaskil na papel sa bulletin board.
"Rondalla? Bakit marunong ka bang tumugtog ng musical instrument?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Genevive.
"Oo naman. Tumutugtog ako ng bandurria simula pa noong bata ako. Katunayan nga ay miyembro ako ng Rondalla noong high school pa ako," may pagmamalaking sabi niya.
Namilog ang mga mata ni Genevive. "Talaga? Ano ba ang itsura ng bandurria? Iyon ba 'yung maliit na gitara?"
"Ah, hindi. Baka ukulele iyong tinutukoy mo. Parang maliit na gitara ang itsura no'n. Pero iyong bandurria na tinutukoy ko ay iba ang itsura. Mas marami din itong strings kaysa sa gitara o violin."
"Ahh..." tumatangong sabi ni Genevive.
Natawa siya sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi lang siya sigurado kung naintindihan nito ang sinabi niya o naguluhan lalo sa paliwanag niya. Bihira naman kasi ang mga taong interesado sa mga musical instruments. Iyong mga gumagamit lang ang kadalasang may interes sa mga instruments na tinukoy niya.
"Tamang-tama uuwi ako sa amin sa Biyernes. Kukunin ko iyong bandurria ko para makapag-audition ako next week. Samahan mo ako, ha?"
"Sasamahan kita o panonoorin kita? Alin doon ang gagawin ko?"
"Samahan mo ako. Paano mo ako mapapanood kung hindi mo ako sasamahan, di ba?"
"Ah, okey. Sinabi mo, eh. Tamang-tama kapag pupunta ako, may tagapalakpak ka na."
"Oo nga, 'no?. Hindi ko naisip iyon, ah. So ikaw na ang unang fan ko doon sa audition."
"Mismo, " sabi nito sabay palakpak.
BINABASA MO ANG
Please Be Careful With My Heart(Saint Matthew University 2)
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng pinagbabawalang makipag-boyfriend ay liligawan ng pinakasikat na basketball player ng SMU? Bukod sa sikat na ang lalaki ay guwapo pa at hinahabol ng halos lahat ng kab...