Epilogue

3.1K 76 8
                                    


Eight years later

SINIPAT ni Barbie ang suot na relo. Ten minutes after eight. Napaaga yata ang dating niya. Alas-otso ang usapan nila ni Kurt. Nakakapagtakang wala pa ito gayong ang boyfriend niya ang laging nauuna sa mga usapan nila. Mas malapit ang opisina nito sa meeting place nila kaysa sa pinapasukan niyang bangko. Anong nangyari at na-late ang boyfriend niya ngayon?

Iginala niya ang paningin sa buong park. Bagaman gabi na ay marami pa ring tao ang palakad-lakad sa park. Karamihan ng mga nakita niyang tao ay mga magkakapares na marahil ay nagde-date.

"Kanina ka pa?"

Napalingon si Barbie sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Kurt sa tabi niya. May hawak itong bouquet ng bulaklak.

"Ngayon ka lang na-late Engr. Andrade," umiikot ang mga matang sabi niya.

"I'm sorry. I got stuck in the traffic." He kissed her lightly on the cheeks. "For you." He handed her the flowers.

"Thank you," nakangiting sabi niya. Tuwing magde-date sila ay palaging may dalang bulaklak ang boyfriend niya. Tuwang-tuwa naman siya dahil mahilig siya sa bulaklak. Sinipat niyang mabuti ang bouquet. Parang may kulang dito.

"Hey! May problema ba?" tanong ni Kurt nang mapansin nitong parang may hinahanap siya sa bulaklak na ibinigay nito.

"May nawawala, eh. Nasaan ang card nito?" Hindi pa nagbigay ng bulaklak ang boyfriend niya ng walang kasamang card. Pero nakakapagtakang ang hawak niyang bouquet ngayon ay walang nakaipit na card.

"Ah, iyon ba? Nandito, inalis ko kanina kasi baka mahulog." May iniabot ito sa kanya na napakaliit na sobre.

Nakangiti siyang binuksan ito. Halos malaglag ang mata niya nang mabuksan ang card sa loob nito. Isang kumikislap na singsing ang naka-tape sa card. Napatingin siyang bigla kay Kurt.

"Do you like that?" ang nakangiting tanong nito.

Hindi siya nakasagot. Nakatingin lang siya kay Kurt. Puno ng katanungan ang mga mata niya.

Kinuha nito ang card sa kanya. Inalis nito ang singsing saka lumuhod sa harap niya.

"Will you marry me Miss Barbara Francisco?" umaasam na tanong nito.

"S-seryoso ka?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Barbie.

"I'm dead serious, sweetheart," malapad ang ngiting tugon ni Kurt. "I'm going to ask you again. Will you ma......"

"Yes, why not? I love to," halos pasigaw niyang sagot.

Kinuha ni Kurt ang kamay niya at isinuot ang singsing sa daliri niya. Saka ito tumayo at hinila siya upang yakapin.

Kusang nalaglag ang mga luha sa mata niya.

"Why are you crying?" tanong nito nang kumalas siya sa pagkakayakap.

"Tears of joy. I just can't believe that I'm going to be Mrs. Andrade soon," nangingiting sabi niya.

"Did I not promise you that, sweetheart?" Masuyo siyang hinagkan nito sa noo.

"Yeah, I remember. You promised me that a long time ago."

"And I keep my promises, right?"

Imbes na sumagot ay niyakap na lang niya ang kasintahan.

WAKAS

Please  Be  Careful  With  My  Heart(Saint  Matthew  University 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon