CHAPTER THIRTEEN

3.6K 118 2
                                    

"HI! MUKHANG busy kayo, ah?"

Mula sa kanyang binabasa ay biglang nilingon ni Barbie ang pinanggalingan ng tinig. Ang nakangiting mukha ni Kurt ang nabungaran niya. Hindi niya namalayang nakatayo pala ito sa tabi niya. Ilang linggo din niyang hindi ito nakita. Ayaw man niyang aminin ay na-miss niya ang binata.

"Nagre-review kami ni Genevieve kasi may exam kami mamaya," ang nakangiting sagot niya. nito.

"Anong oras ng exam ninyo?"

"Mamayang two-thirty pa." Si Genevieve na nakaupo sa tabi niya ang sumagot sa tanong nito.

Tiningnan ni Kurt ang suot nitong relo. "Maaga pa. Wala pang alas-dos," sabi nito nang bumaling sa kanila.

"Kaya nga tumuloy muna kami ni Genevieve dito sa library para makapag-review. Wala kasi kaming mapuwestuhan sa dorm. Punung-puno ng estudyante ang study hall tapos sa kuwarto ay mainit naman kaya minabuti naming dito na lang mag-review kasi makakahiram pa kami ng mga libro."

"Gano'n ba? Puwede bang hiramin muna kita kahit sandali lang? May sasabihin lang sana ako, kung okay lang sa iyo?"

Bakit? Anong pag-uusapan natin?

Napatingin siya kay Genevieve. Nagkibit-balikat lang ito.

"Ibabalik din kita agad," dugtong pa nito nang nanatili siyang tahimik.

"Okay. Sige," sabi niya at isinalansan ang mga gamit niya bago ipinasok sa bag. "Sandali lang ako, " sabi niya kay Genevive saka siya tumayo at isinukbit ang backpack. .

"Ihahatid ko rin siya," sabi ni Kurt bago sila umalis.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya rito habang lumalabas sila ng library.

"Wala naman. Kaya lang na-miss kita, eh."

Biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya sa narinig. Pareho pala nilang na-miss ang isa't isa.

"Gano'n? Iyan lang pala ang sasabihin mo, bakit mo pa ako inistorbo sa pagre-review ko?" Ang kunwaring galit niyang sabi. Ngunit ang totoo ay tuwang-tuwa siya na makita itong muli. Ngayon ay mai-inspire pa siyang mag-exam dahil nagkita sila ni Kurt.

Biglang huminto si Kurt sa paglalakad. Hinarap siya nito. "Galit ka ba? Ayaw mo bang sumama sa akin kahit sandali lang?"

Nang titigan niya ito ay napansin niyang malamlam na ang mukha nito. Nalungkot yata ang guwapong lalaki sa sinabi niya. Lihim na nagdiwang ang kalooban niya. May gaanoon pala siyang effect kay Kurt. Kung hindi lang niya ito kaharap ngayon ay hindi siya maniniwala sa nababasa niya sa mukha ng guwapong binatang ito.

"Bakit saan ba tayo pupunta?"

"Doon sa lugar na walang mang-iistorbo sa atin," nakangiting sagot nito.

Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Wala sa oras na napahinto siya sa paghakbang. Anong binabalak ng lalaking ito?

"Hey! Ayaw mo ba talagang sumama?" kunot-noong tanong nito nang mapansin nitong hindi na siya sumunod dito.

Binalikan siya nito at nilapitan. "Hindi tayo lalabas ng campus. Mag-uusap lang tayo sandali sa may Oval. Ihahatid din kita pagkatapos kasi may exam din ako ng two-thirty."

"Okay. Basta hindi tayo magtatagal,ah?" Nag-aalala kasi siya na baka umalis si Genevieve sa library. Kapag nangyari iyon ay mahihirapan siyang hanapin ito mamaya  kapag mag-e-exam sila ng Biology sa Little Theatre. Tatlong section ng first year ang mag-e-exam ng subject na iyon kaya mahigit isang daan ang bilang nila.

"Sure. Sige, sakay ka na para makaalis na tayo," sabi ni Kurt nang buksan nito ang pintuan ng passenger seat ng kotse nito.

"Promise mo, yan ha?" Nag-aalangan pa rin siyang sumama sa binata. Kinakabahan kasi siya at hindi niya alam kung bakit gano'n ang nararamdaman niya.

Please  Be  Careful  With  My  Heart(Saint  Matthew  University 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon