"MOMMY, Daddy may sasabihin po ako," nakangiting sabi ni Barbie habang kumakain sila nang umagang iyon.
Nakangiting nilingon siya ng Mommy niya ganoon din ang Daddy niya.. "Ano iyon, baby?"
"Mamayang hapon na po kami magpe-perform ng ballet. Sana po makapunta kayo ni Daddy," umaasam na sabi niya.
"Oh, anong araw na ba ngayon?" Napatingin ang Mommy niya sa kanyang Daddy.
"Friday na ngayon," sabi ng Daddy niya saka nito dinampot ang tasa ng kape.
"Anong oras ba iyong program ninyo?" muling tanong ng Mommy niya.
"Three o'clock po ng hapon," nakangiting sagot niya.
"Okay, baby. We will go there, kami ng Daddy." Napatingin ito sa Daddy niya na para bang kinokumpirma dito ang pag-sang-ayon nito. Tumango lang ang Daddy niya.
"Yeheeey!" Pumalakpak siya sa tuwa. "Thanks, Mommy, Daddy!" Tuwang-tuwa na sabi niya. Bumaba siya ng upuan at nilapitan ang Mommy niya upang yakapin ito. Ganoon din ang ginawa niya sa Daddy niya.
Hindi niya akalaing mapapayag niya ang mga magulang na panoorin siya sa kanyang activity sa school. Alam niyang busy ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. Ang Daddy niya ay manager ng bangko at ang Mommy naman niya ay nurse sa isang pribadong ospital. Kaya hindi lahat ng activities niya sa school ay napupuntahan ng magulang niya.
"Sino pala ang mag-aasikaso sa iyo mamaya kapag mag-aayos ka na?" ang nag-aalalang tanong ng Mommy niya nang bumalik na siya sa kanyang upuan.
"Magpapatulong na lang po ako kay Tita Bea kasi sasamahan po niya si Bernice." Sa mga pagkakataon na hindi niya makakasama ang Mommy niya ay ang Tita Bea niya na nakababatang kapatid nito ang nag-aasikaso sa kanya.
"Kasali din ba si Bernice sa performance ninyo?" curious na tanong ng Mommy.
"Opo, Mommy."
"Ah, okay. Mabuti kung gano'n. Hindi na ako mag-aalala," malapad ang ngiting sabi ng Mommy niya.
Tahimik na ipinagpatuloy nila ang kanilang pagkain. Ngunit hindi nagtagal ay nakarinig sila ng malakas na busina.
"Ay, nandiyan na pala ang school bus mo." Napatayong bigla ang Mommy niya.
Tumayo na rin siya sa kinauupuan. Agad na lumapit siya sa Daddy niya.
"Bye, Daddy. I love you," sabay niya rito sabay halik sa pisngi nito.
"Bye, baby. I love you, too," nakangiting tugon ng Daddy niya.
Nilapitan niya ang Mommy niya at humawak sa kamay nito. Sabay nilang tinungo ang sala ng kanilang bahay. Hinila ng Mommy niya ang kanyang trolley bag saka sila lumabas. Inihatid siya ng Mommy niya hanggang sa loob ng bus.
"Bye, baby." Hinalikan siya nito sa ibabaw ng ulo saka bumaba ng bus.
"Bye, Mommy! I love you!" pahabol niya rito.
Nakangiting nilingon siya ng Mommy niya.
'TITA, nakita na po ba ninyo sina Mommy at Daddy?" nag-aalalang tanong ni Barbie sa Tita Bea niya habang tinutulungan siya nitong magbihis.
"Hindi pa, iha. Baka mamaya pa sila darating. Hintayin na lang natin sila, okay?" ang nakangiting tugon ng Tita Bea niya.
"Okay po," tumatangong sabi niya.
"Halika. Umupo ka dito." Itinuro ng Tita Bea niya ang wooden bench kung saan tahimik na nakaupo si Bernice.
Umupo siya sa tabi ng pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Please Be Careful With My Heart(Saint Matthew University 2)
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng pinagbabawalang makipag-boyfriend ay liligawan ng pinakasikat na basketball player ng SMU? Bukod sa sikat na ang lalaki ay guwapo pa at hinahabol ng halos lahat ng kab...