"WALA si Kurt kaya hindi ka niya masusundo ngayon," sabi ni Enrico nang lapitan siya nito pagkatapos ng kanilang praktis.
Dalawang araw na ang nakalipas nang huli silang magkita nito. Dalawang gabi na rin siyang hindi gaanong makatulog dahil sa ipinagtapat nito. Kung hindi lang siguro abala ang utak niya sa pag-aaral ay baka nabaliw na siya sa kakaisip tungkol sa kanilang dalawa ni Kurt. Sa ibinalita ni Enrico ay bahagya siyang nakaramdam ng relief dahil hindi niya kailangan harapin si Kurt. Natatakot siyang kapag lagi niya itong makakasama ay hindi magtatagal mabibisto nito ang totoong damdamin niya.
"Bakit anong nangyari sa kanya?" Ayaw man niyang aminin ngunit nag-aalala pa rin siya sa binata.
"Busy sila sa pagpa-praktis kasi malapit na ang intrams. Araw-araw na ang praktis nila at late na silang umuuwi," paliwanag ni Enrico.
"Mas late pa sa uwian natin?" Madalas ay eight or past eight sila pinauuwi ng trainor nila.
"Oo. Mga eight-thirty sila natatapos. Kaya ibinilin ka niya sa akin. Ako na muna ang maghahatid sa iyo pauwi. "
"Gano'n ba? Kawawa naman siya," ang hindi niya maiwasang sabihin.
"Mas kawawa ka kung wala ako na maghahatid sa iyo," nakangising sabi ni Enrico. "At least si Kurt, may sasakyan at makakauwi siya anumang oras na gusto niya."
"Kahit na. Nakakapagod pa rin ang ginagawa niya. Paano na lang iyong academics niya? Hindi ba iyon magsa-suffer?" Mahal nga niya talaga si Kurt dahil hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala sa kalagayan nito.
"Don't worry. Nagpa-praktis naman sila after school hours. Kaya inaabot sila ng gabi. Besides, hindi lang siya ang kailangang maghanda para sa intrams, tayo rin ay may gagawin sa program."
"Talaga? Ano naman ang parte natin doon?" Wala pa namang sinasabi ang trainor nila tungkol doon.
"Hindi mo pa pala alam kasi bago ka lang sa Rondalla. Tuwing intrams ay tumutugtog ang Rondalla sa opening program at sa awarding ceremony," ang nakangiting sabi ni Enrico.
"Ooh! Ano naman ang tutugtugin natin?"
"Madali lang. Lupang Hinirang at SMU Hymn lang naman. Kaya kabisado mo na iyon."
Kaya naman pala simula noong nag-resume sila ng praktis ay kasali na ang dalawang awiting iyon sa mga pinapraktis nila.
"Tara, uwi na tayo. Baka maabutan ka ng curfew. Pagalitan pa ako ni Kurt kung si Cinderella niya ay maging pumpkin." Pagkasabi nito'y nauna nang lumabas si Enrico.
Hindi niya mapigilan ang sariling matawa sa sinabi nito. Si Cinderella na pala siya ngayon at hindi si Barbie.
KANINA pa palakad-lakad si Barbie ngunit hindi niya mahanap si Genevieve. Dumadami na ang mga estudyante sa Oval dahil magsisimula na ang mga iba't ibang events para sa taunang Intrams.
Nahihirapan na siyang maglakad dahil sa haba ng suot niyang saya. Kung bakit naman kasi kailangan pa nilang magsuot ng Filipiniana gayong tutugtog lang naman sila ng dalawang awitin para sa opening program . Ilang minuto lang iyon. Kung tutuusin ay puwede naman silang magsuot ng iba pang costume tulad ng gown o cocktail dress. Mas komportable pa sana iyon.
Hindi niya alam kung sino ang pumili ng costume nila, ang trainor nila o ang admin ng SMU. Nakakainis lang dahil bukod sa mahaba na ang suot niya'y mainit pa ito. Kinakailangan niyang hawakan ang isang gilid ng laylayan ng saya dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka maapakan niya ang dulo nito. Nakakahiya kung masusubsob siya sa kalagitnaan ng napakaraming estudyante. Idagdag pa na nagpapahirap sa kanya ay ang bitbit niyang bandurria. Pinagtitinginan pa siya ng ilang estudyante habang naglalakad siya.
BINABASA MO ANG
Please Be Careful With My Heart(Saint Matthew University 2)
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng pinagbabawalang makipag-boyfriend ay liligawan ng pinakasikat na basketball player ng SMU? Bukod sa sikat na ang lalaki ay guwapo pa at hinahabol ng halos lahat ng kab...