CHAPTER EIGHTEEN

3.4K 104 8
                                    

"TOTOO ba iyong sinabi ni Ulysses?"

Ilang beses na bumuntung-hininga si Barbie bago niya nasagot ang tanong ni Kurt. "Oo, totoo iyon." Hindi na niya kailangang i-deny ang katotohanan. Habang maaga'y dapat na nilang pag-usapan ito bago pa lumalim ang samahan nila ni Kurt.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan nila.

Si Kurt ang unang bumasag nito. "Ano ba ang maaari kong gawin para magbago ang isip ng lola mo?"

Biglang lumikot ang mga mata ni Barbie. Napasulyap siya kay Kurt. "Bakit gusto mong magbago ang isip ng lola ko? Anong balak mong gawin?" kinakabahang tanong niya.

Humarap sa kanya si Kurt. Kinuha nito ang isang kamay niya at ikinulong sa dalawang palad niya. "Mahal kita Barbie. Mahal na mahal. Sa iyo ko lang naramdaman ang ganito." Nababasa niya sa mga mata nito ang sinseridad ng sinabi nito.

Kung ibang babae lang siguro ang nakarinig sa sinabi ni Kurt ay baka magtatatalon ito sa tuwa at baka mayakap pa ng wala sa oras ang binata. Ngunit iba ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Parang gusto niyang umiyak sa narinig mula sa binata.

Love can be so cruel. You fall in love at the right person but at the wrong time.

"Wala kang magagawa para magbago ang isip ng lola ko. Tanggapin na lang ang katotohanan na hanggang magkaibigan na lang tayo. " Kahit na masakit na masakit sa kalooban ko, kamuntik na niyang idugtong.

Pilit niyang hinila ang kamay kay Kurt. Ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Hindi maaari iyan. Bakit kaibigan lang ba ang turing mo sa akin? Wala ka bang nararamdaman kahit katiting na pagmamahal sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo." Titig na titig sa kanya si Kurt.

Napapikit si Barbie. Hindi niya kayang salubungin ang titig ni Kurt. Huminga siya ng malalim saka muling ibinukas ang mga mata. "Wala namang mangyayari kahit sabihin ko pa ang totoo. May magbabago ba kahit sabihin kong mahal din kita? Hindi ko pa rin kayang suwayin ang utos ng lola ko kahit pareho pa tayo ng nararamdaman." Masyado nang malalim ang pagmamahal at respeto niya sa kanyang lola para suwayin pa ito.

Nagulat na lang siya nang bigla siyang niyakap ni Kurt. "Kakausapin natin ang lola mo. Ngayong alam kong mahal mo rin ako ay hindi ako papayag na itapon na lang natin sa hangin ang pagmamahalan natin," sabi nito habang mahigpit siya nitong niyakap.

Tuluyan ng nalaglag ang mga luha sa mata niya.

******************************************

Heto  na  po  ang  ending  ng  kuwento  nina  Barbie  at  Kurt.  Hindi  ko   na  po  ito  puwedeng  dugtungan.  Sa  ngayon  po  ay  nasa  Editorial  na  ng  PHR  ang  manuscript  na  ito.  Hinihintay  ko  na  lang  na  ma-approve.  Kapag  ma-approve  po  ito  ay  baka  tanggalin  ko  rin  po  dito  sa  Wattpad. Iyong  kabuuan  ng  kuwento  ay  abangan  na  lang  ninyo  sa  published  book.   Kaya  basahin  na  ninyo  habang  nandito  pa  ito.  Hihingin  ko  na  rin  po  ang  mga  comments, suggestions  at  votes  ninyo.  Maraming  salamat!

LEAH  REBEKAH

Please  Be  Careful  With  My  Heart(Saint  Matthew  University 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon