CHAPTER SEVENTEEN

3.3K 106 1
                                    

"CONGRATULATIONS, Brod!" Agad na nilingon ni Kurt ang pinanggalingan ng tinig. Napansin niya si Enrico na papalapit sa kinauupuan niya. Katatapos lang ng laro nila at hinihintay niya sa receiving area ng Dorm 11 ang mga kaibigan niya.

Inabot ni Enrico ang kamay nito nang makalapit sa kanya.

Tinanggap ni Kurt ang pakikipag-kamay ng kaibigan. "Salamat, brod."

Umupo si Enrico sa tabi niya. "Pasensiya na kung hindi ako nakapanood. Nagpasama kasi si......Arrielle kanina." Nagkakamot ang ulong sabi nito.

Napangiti lang si Kurt. "Okay lang iyon, alam ko namang hindi ka talaga mahilig sa basketball. Sino nga pala ang Arrielle na iyon? Kilala ko ba siya?"

Agad ang pag-iwas ng tingin ni Enrico. "Hindi ko alam kung kilala mo siya. Taga-College of Home Arts siya."

Biglang kumunot ang noo ni Kurt sa sinabi nito. "Brod, may sakit ka ba? Hindi ka ba nilalagnat?" Hinawakan nito ang noo ng kaibigan.

"Ano ka ba, brod? Huwag ka ngang ganyan!" Iniiwas ni Enrico ang sarili nang akmang hahawakan ni Kurt ang leeg nito.

"Naniniguro lang ako, brod. Ang sabi mo kasi taga-CHA iyong si Arrielle. Ibig sabihin, babae iyon. Kailan ka pa nagkahilig sa babae? Akala ko ba libro at gitara lang ang pinagkakaabalahan mo." Hindi makapaniwalang sabi ni Kurt. Ang pagkakaalam niya ay hindi pa nagkaka-girlfriend ang kaibigan niya. Ni hindi rin niya napansin na nanligaw ito simula pa noong naging magkaklase sila. Kung hindi nga lang niya kilala si Enrico ay iisipin niyang may pusong babae ito.

"Hindi naman lahat ng taga-CHA ay babae. May mga lalaki ring estudyante doon."

Nagpanting ang tenga ni Kurt. "Ibig mong sabihin, lalaki ang Arrielle na tinutukoy mo?"

Shit! Nagkamali ba siya ng pagkakilala sa kaibigan niya? Nagtatago lang ba ito sa katawan ng lalaki? At ngayon ay may balak nang magladlad.

"Sinabi ko bang lalaki si Arrielle? Anong akala mo sa akin, ha?" Tumaas bigla ang tinig ni Enrico. Ang dalawang palad nito'y biglang kumuyom. "Babae si Arrielle at.... napakaganda niya ."

Itinaas ni Kurt sa ere ang dalawang kamay. "Brod, pasensiya na. Nagkamali lang ako nang nasabi."

Hindi umimik si Enrico. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Si Kurt ang unang nagsalita. "Kumusta na pala si Barbie? Nagawa mo ba iyong pinapagawa ko?"

Nilingon siya ni Enrico. "Oo inihahatid ko siya pagkatapos ng praktis namin. Hindi pa ba kayo nagkikita?"

Umiling siya. "Nami-miss ko na nga siya. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita."

"Hindi mo ba siya nakita kaninang umaga? Kasama ko siyang tumugtog sa opening program."

"Hinanap ko nga siya. Kaya lang hindi ko siya mahagilap. Ang dami ng tao sa stage. Tapos pare-pareho pa ng suot ang mga babae. Pati ayos ng buhok iisa. Hindi ko siya makilala. Hindi ko rin siya nakita sa gym noong naglalaro kami. Hindi niya siguro alam na may laro kami kanina."

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Enrico.

"Para saan naman iyon?" ang nagtatakang tanong ni Kurt.

"Brod, ayaw ko sanang makialam sa inyo ni Barbie. Pero nakita ko siya kanina, kausap niya si Ulysses Serna doon sa Oval pagkatapos ng program," dire-diretsong sabi ni Enrico.

"Ulysses Serna? Iyong soccer player ng VetMed?" Kilala niya iyon dahil katulad niya itong varsity player ng SMU.

"Siya nga iyon. Matagal silang nag-usap ni Barbie."

Please  Be  Careful  With  My  Heart(Saint  Matthew  University 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon