DALAWANG linggo pa ang lumipas nang muli silang magkita ni Kurt.
"So you're here? Kanina ka pa?" ang tanong ni Barbie nang lapitan si Kurt pagkalabas niya ng music room. Nakasandal ito sa pintuan ng kotse.
"About five minutes ago," nakangiting sabi nito bago kinuha ang dala niyang bandurria. "Brod mauna na kami." May kinawayan si Kurt.
Nang lingunin niya kung sino ang kausap nito ay napansin niya si Enrico na naglalakad sa may likuran niya. Nauna nga pala siyang lumabas kaya hindi niya ito nakasabay. Na-excite yata siya na makitang muli si Kurt kaya nagmamadali siyang lumabas nang matapos ang praktis nila.
Excited? Bakit kailangan niyang makaramdam ng gano'n? Nawawala na ba ang matinong kaisipan niya? Gusto niyang sabunutan ang sarili niya sa mga nangyayari.
Uh-oh! Don't go there, Barbie. You might only get hurt in the end.
Tama! Siguradong magagalit ang Lola Matilda niya kapag nalaman nitong may kinalolokohang lalaki ang puso niya.
"Let's go." Ang tinig ni Kurt ang pumutol sa pagmumuni niya. Nakangiti ito sa kanya.
Hindi niya namalayang nagbukas na ito ng pintuan ng passeneger seat. Wala na sa kamay nito ang bandurria niya. Marahil ay naitago na nito sa trunk ng kotse niya.
"Hey, magtitinginan na lang ba tayo? Wala ka pa bang balak sumakay?" Ang nakangiting tudyo nito nang hindi pa rin siya kumikilos.
"Ah, okay. I'll go in." Ang sabi niya na parang noon lang nahimasmasan.
He chuckled.
"As much as I'd love the way you stare at me, yet we can't go on staring each other for a long time. You see, it's getting late. It's only a few minutes before your curfew." He grinned at her before setting the car into ignition.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Ganoon na ba ka-intense ang ginawa niyang pagtitig sa binata? Ni hindi nga niya namalayan na nakatitig pala siya ng matiim kay Kurt habang nag-iisip siya ng malalim.
Whew! Something must be really wrong with her. Malapit na ba niyang itapon sa ere ang pangaral ng Lola Matilda niya?
"What's wrong Cinderella? Bakit sobrang tahimik mo naman yata ngayon? May problema ka ba sa mga subjects mo? Kumusta pala ang result ng exam mo?" Ang sunud-sunod na tanong ni Kurt ng hindi siya kumikibo.
"Wa-wala. Wala namang problema. Okay lang ang pag-aaral ko. Pumasa naman ako sa lahat ng exam ko. It's just that....may iniisip lang ako." Depensa niya sa sarili.
Nilingon siya ni Kurt. "Anong iniisip mo? Care to tell me about it?"
Oh, no!
Nakagat niya ang ibabang labi. "I'm sorry. But it's something personal." Too personal para sabihin ko sa iyo. I'm not even sure if you will like to hear it.
"Gano'n ba? Okay, hindi na kita pipilitin. May sasabihin din sana ako sa iyo. Gusto mo bang malaman kung ano iyon?"
Napasulyap siya kay Kurt. Bigla siyang kinabahan sa kaseryosohang nakikita sa mukha nito.
"A-ano iyon?"
"I think I'm in love with you," sabi nito nang tumingin sa kanya.
Para siyang nabingi sa narinig mula rito. Tama ba iyong narinig niya o nakaringgan lang niya ito? "W-what? A-are you serious?"
Sinalubong nito ang mga titig niya. "Yes. I'm dead serious. Naalala mo ba iyong sinabi ko noon sa iyo na may babae akong gustong ligawan? Ikaw ang babaeng tinutukoy ko."
She silently cursed. Damn! Why is this happening to her? What kind of joke is the universe playing on her?
Kung alam lang niya na ganito pala ang kahahantungan ng pagiging malapit niya kay Kurt, sana'y iniwasan na lang niya ito noong una pa. Ang buong akala niya ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya, iyon pala'y matututunan siya nitong mahalin. Ang saklap naman ng kapalaran nilang dalawa.
Hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa nangyayari sa kanila ngayon. Ang Lola Matilda niya na pinagbabawalan siyang magka-boyfriend, si Kurt na akala niya'y kaibigan lang niya ngunit nahulog ang loob sa kanya, o ang sarili niya na nagkagusto sa lalaki noong una pa lang niyang makita ito?
Oo, sigurado siya sa sarili niya na may gusto siya kay Kurt noong una pa lang silang magkita. Pero ngayon lang niya na-realize ang bagay na iyon. Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang katotohanang maaari pa lang magkagusto sa kanya si Kurt.
Kung nagkataong ibang babae lang siya at wala siyang lola na tulad ng Lola Matilda niya ay baka nagtatalon na siya sa tuwa. Malamang ay baka mahalikan pa niya si Kurt kapag nagkataon. Pero hindi siya ibang babae. Siya si Barbie at lola niya si Lola Matilda. Mahigpit na ipinagbabawal ng lola niya na magka-boyfriend habang nag-aaral siya. Hindi niya gustong suwayin ang lola niya dahil sigurado siyang makakatikim siya ng parusa nito kapag ginawa niya iyon. Mabuti lang sana kung ililipat siya sa ibang eskuwelahan. Ngunit paano kung pahintuin siya nito sa pag-aaral dahil lang sumuway siya sa bilin nito?
Ang sama naman ng pagkakataon. Oo nga't mahal nila ni Kurt ang isa't isa ngunit hindi naman sila puwedeng magkaroon ng relasyon. Paano iyon? Para lang siyang hinainan ng masarap na pagkain na bagaman paborito niya ay hindi naman niya maaaring galawin o kainin.
Mas mabuti pa sanang hindi na lang niya nalaman na mahal siya ni Kurt. Sana hindi na lang ito nagtapat sa kanya. Mas madali niyang makalimutan si Kurt kung siya lang ang nagmamahal dito. One-sided love affair kasi ang mangyayari kapag gano'n at sa paniniwala niya ay hindi magtatagal iyon. Pero ngayong pareho sila ng nararamdaman paano pa niya ito makakalimutan si Kurt? Puwede ba niyang iwasan ito? Paano? Bastedin na lang niya kaya kahit hindi pa ito nanliligaw? Pero kaya ba niyang makita itong nasasaktan?
Agh! Pesteng love life ito!
"Aren't you going to talk? O nagulat ka sa sinabi ko? Don't worry, hindi naman kita pini-pressure na sagutin mo na ako ngayon. I'm willing to wait for the right time."
Really? For how long long can you wait? Oh, fate, you're so cruel!
"Nandito na pala tayo. Wait here, ako na ang magbubukas." Pagkasabi nito ay lumabas na ng kotse si Kurt.
"Kurt, seryoso ka talaga sa sinabi mo?" ang paninigurong tanong niya nang pagbuksan siya ni Kurt. Gusto niyang siguraduhin ang katotohanan ng ipinagtapat nito. Baka nagkamali lang ito nang pinagsabihan. Baka sa ibang babae nito dapat sabihin iyon at hindi sa kanya.
"Of course, I'm serious. Why should I not be?"
Patay! Hindi nga siya dinadaya ng pandinig niya. Ano nang gagawin niya ngayon?
"Dito ka muna may kukunin lang ako." Tumalikod ito at tinungo ang trunk ng kotse.
Ang akala niya ay iyong bandurria niya ang tinutukoy nito ngunit laking gulat niya nang pagbalik nito ay may dala-dala pa itong maliit na kahon.
Ibinigay nito ang bandurria niya. "For you," sabi nito nang sumunod na iabot sa kanya ang maliit na kahon.
"What's this?" awtomatikong lumabas iyon sa bibig niya.
"Say, thank you, first," ang nakangiting sabi ni Kurt.
"Ah, okay. Thank you for the gift," ang kinakabahang sabi niya.
"My pleasure. That's chocolate. I hope you like it."
Wala siyang masabi. Nakatingin lang siya sa nakangiting mukha nito.
"Expect that there will be more. Pangako, liligawan kita hangga't hindi kita napapasagot ng oo." Happiness shone on his handsome face.
"Kurt...."
BINABASA MO ANG
Please Be Careful With My Heart(Saint Matthew University 2)
Любовные романыAno kaya ang mangyayari kung ang isang babaeng pinagbabawalang makipag-boyfriend ay liligawan ng pinakasikat na basketball player ng SMU? Bukod sa sikat na ang lalaki ay guwapo pa at hinahabol ng halos lahat ng kab...