[06] The Guy Named TOP
HEARTLESS!! Oo yun ang bagay na itawag sakanya. A person that doesn't care what they do to to hurt someone. Isang taong walang pakialam sa iba at sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid nya. Isang taong walang AWA, KONSENSYA AT PUSO!! Over naman kung walang puso? Edi patay na sya nun? Argh basta! Heartless sya at ang mga lalaking gaya nya ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
"Oh bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa yang mukha mo? May nakaaway ka ba?" Pagtingin ko.. Si Sandara na naglalakad palapit sakin.
">__< Nothing! I just saw a heartless species while --- WHATEVER! Ayoko syang pag-usapan. Nakaka-stress lang sa bangs!!"
"Heartless? Isa lang ang alam kong heartless dito! Si TOP ba?"
Bakit nga ba TOP ang tawag don? Dahil ba sa TOP student sya sa university na to? Pero... WEH?! Hindi halata! At imposible! Mukha syang tamad mag-aral. Eh TOP MODEL kaya? Infairness pwede! May looks eh pero... MASAMA ANG UGALI NYA!!
"Ata? Teka nga bakit ka andito? Kamusta ang class mo?" - tanong ko
"Done already. Actually naghahanap ako ng kasama. Sasali kasi ako sa mga clubs dito sa University. Ano sama ka?"
"Ah sure... Sasali din pala ako sa mga clubs dito ^.^"
Una naming pinuntahan ang Sports Club. Sumali ako sa Tennis Club. Tennis yebaaah!! Tapos next sa Theather Club. Sumali ako sa Glee at Drama Club. At nagkaroon na rin ako ng mga friends ^.^ Tapos sya sa School Paper, Photography at ewan ko na. Then nag-decide kami na pumunta na lang muna sa gym. May basketball match daw kasi. Parang itetest yung new members ng mga dating players. While on our way, may nakita kaming girl na maraming paint na dala kaya tinulungan namin. Tutal malapit lang din yung pupuntahan nya. Thea daw ang name nya. 1st year college at kasali daw sya sa Art Club. At magpapaint daw sila now. Mural painting (Agad agad?) Tapos ayun nga, dinadaldal ko lang sya (FC ako eh!) Pababa na kami ng hagdan ng may biglang dumaan at nabunggo ako. "ARAYYY!!" Tiningnan lang ako nung lalaki tapos tumakbo ulit. Di man lang nag sorry! =___=
"BARBIE YUNG PINTURA!!" sigaw ni Sandara
"Huh?" napatingin naman ako sa pintura na hawak-hawak ko kanina.
O__________O ASAN NA??
Bigla akong tumingin sa baba nung hagdan. Hala! Natapon pala yung pintura kay..
Naramdaman kong nakatingin ang lahat sakin at dahan-dahan syang tumingin sakin. Gusto ko sana syang tawanan dahil mukha syang Walking Paint pero... UWAAAAA! Bakit.. Bakit ang sama ng tingin nya sakin?
"BOOOOOOOOMMMMMMMIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEE!!!"
O_______O WHAT THE EFF?! Anong tinawag nya sakin?! Bo--Bo--BONI?!
"HOY!!! ANG KAPAL MO NAMAN!! ANONG TINAWAG MO SAKIN?! BONI?! MUKHA BA AKONG BONI O MAY NAKITA KA BANG BONI SA BALAT KO?! FYI WALA AKONG BONI NOH!! KAYA WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKO NG GANAN!!" at sa sobrang asar, binuhos ko sakanya yung isa pang pintura...
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Comédie[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)