[22] Making Him Say, 'YES'
I take a long and deep breath pagkalabas ko nung room. Hahanapin ko na sana yung Alien Specie pero narealize ko na ang dumi at lagkit ko pala T__T Pumunta muna ako sa shower room. After ko mag-shower, magbihis (buti may spare dress ako) at mag-ayos nag-umpisa na ako sa paghahanap kay TOP. Kailangan ko agad syang mahanap para matapos na agad ito. And after this, iiwasan ko na ang lalaking yon. Puro kapahamakan lang ang dala sakin -____-
"Excuse me Miss," sabi ko don sa babaeng dumaan sa harap ko.
"Yes?"
"You know where Trace is?"
"Trace? You mean King? You're looking for him? Why? Do you like him?" kapag ba hinanap, gusto na agad?! -___-
"I mean the V.I.P's where are they? May iniutos kasi sakin ang Dean" I lied.
"V.I.P's Leisure Resthouse I guess."
"V.I.P's Leisure Resthouse? San ko makikita yon?"
"Sa likod ng School Clubs Building."
"Okay. Thanks." nagpaalam na ako sa girl at pumunta sa V.I.P's Leisure Resthouse. Then I reached the School Clubs Building. Akala ko makikita ko don yong sinasabi nya pero mataas na maze ang nakita ko. Niloloko ata ako nong babae eh -___- Aalis na sana ako kaso may nakita akong gate. Bukas sya kaya ayon pumasok ako. Una kong nakita matataas na puno. Ano to? Gubat?! Konting lakad pa at may nakita akong fountain sa gitna at gazebo. Wow! Pero ang mas nakakamangha! Yung resthouse na sinasabi nila. It's a modern and classy type. Simula dito sa ibaba, aakyat ka muna sa isang napakalaki at napakataas na hagdan. Pagdating ko sa taas, isang malaking living room more like entertaimnent room ang bumungad sakin. And the furnitures and appliances, mukhang mamahalin. Tapos yung ambiance nya para kang nasa bar, may tumutugtog pang music [N/P: Booty Music] Then may mini bar na puno ng wines and champaignes. May billiard table din.
"HOY!" tawag ko dun sa lalaking nakatalikod at nag-aayos ng mga billiard balls.
"O____O A-anong--- P-paano?" gulat at nagtatakang tanong nya ng mapatingin sa akin.
"You are Dylan right? Where is Trace?"
"On his room. Bakit?"
"Ah, may sasabihin kasi ako. Asan ba sya?"
"Sa 2nd floor, sa----"
"Okay," saka ako pumunta sa 2nd floor. Pero pagdating ko don, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hindi ko sya pinatapos magsalita. Yan tuloy, di ko alam kung alin ba sa limang pinto na andito ang dapat kong buksan. Una kong binuksan yung unang pinto sa left side. Walang tao. Purple ang wallpaper. Cute :) Tapos may nakita akong nakasulat sa wall na... 'DYLAN KANG'S PROPERTY' -__- Lumabas ako tapos pumunta don sa kabila. Pagpasok palang, unang bumungad sakin yong dark red na wallpaper. At pagtingin ko sa loob...
"OHMYGOSH!!!" sabay takip ko ng mata.
"WHAT THE HELL?!"
"S-sorry.. H-hindi ko sinasadya.. S-sige ituloy nyo na yan" saka ako lumabas . Ghad! Alam nyo ba kung ano nakita ko? Ay syempre hindi pala -__- Nakita ko kasi si Shone na may kasamang babae at nakikipag-chuvachuchu >__<
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)