[09] About V.I.P's (Very Important Person's)

363 14 5
                                    

[09] About V.I.P's (Very Important Person's)  

 

"Teka enough na muna sa drama! Baka maiyak ako. Gosh! Sayang ang make-up!!" - Cielo  

"Alam mo panira ka talaga ng moment!" - Sandara  

"Eh teka nga! Ano bang plano nyo?" - Michie  

"Plano saan?" - Ako  

"Kasi naman po kinalaban natin ang mga V.I.P. kuno at kailangang may battle plan tayo para hindi naman tayo magmukhang Loser!" - Michie  

"Aba! Okay yan ah! Eh ikaw Barbie anong plano mo?" - Cielo  

"Ako? Hmm.. Siguro hahayaan ko na lang pero kapag may ginawa pa ulit sakin yung Heartless Alien Species na yon lalo na sa mga taong walang laban sa kanya. Humanda talaga sya! Gagawa ako ng paraan para masaktan sya. Ibabalik ko sa kanya lahat ng sakit na ginawa nya para magtanda sya!!"  

"Parang ang hirap naman! Eh wala ngang pakiramdam yon. Walang puso. Manhid. Paano mo sasaktan?" Natahimik ako. Ay oo nga noh! Paano nga ba?  

"Well, goodluck and don't worry, suportado ka namin! Kami ng bahala don sa ibang Very Impaktong Papansin na mga yon!"  

"But wait, bago kayo mag-isip kung paano nyo sila lalabanan. Dapat kilalanin nyo muna sila so it's time for... Get to know the enemies :)" - Sandara  

"Well, Michie do the job." - Cielo  

Nilabas ni Michie yung laptop nya. Cute nga eh! Kasi maliit lang tapos nag-search sya ng website and after a while, ipinakita samin.  

"So let's start?" tanong ni Michie, tumango na lang kami. "Simulan natin sa panghuli."  

"Makapanghuli? May ranking?" - Sandara  

"Oo. 5th si Dylan. 4th si Shone. 3rd si SOL. 2nd si GD. 1st si TOP. Naka-base ang ranking sa kung ano ang rank nila sa RD!" sabi ni Michie. Ano ba yung RD? Nakaka-curious ah!  

"K. Got it. Simulan na kay Dylan" - Cielo  

"Ikaw na magbasa! Tinatamad ako. Nakakatamad basahin ang info nya." - Michie  

"K. Basta ikaw ang magbasa ng info ni Shone." sagot ni Cielo saka kinuha yung laptop. "Okay let's start. Dennis Lance Kang. People used to call him Dylan. 18. Half Korean. Panganay at may nakababatang kapatid na lalaki. Anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaki at sikat na restaurant. Sabi dito, may 6 branches sila dito sa Pilipinas and around the world nasa 35 branches na!" WEH?! As in 35?! "Nagtatake daw sya ng culinary arts kasabay ng pagtatake nya ng buss management. Sumali na rin pala sya sa mga cooking contest at lagi syang nananalo. Pati pagbibake cinacareer na din daw nya!"  

"Bake? So, anong trip nya? Maging Baker King? And what's with Dylan kung Dennis Lance naman ang true name nya? Dennis Lance Kang? Panget pakinggan."  

"Yeah yeah, nagsalita ang maganda ang pangalan." sarcastic na sabi ni Cielo. Sinamaan sya ng tingin ni Michie at inagaw yung laptop. Problema? Bat biglang nagalit si Michie? Saka maganda naman yung name nya diba?  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon